108: The Two-Sided Shaun

530 30 9
                                        


XENICA POV

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang balding malamig na tubig. It was that kind of nervous rush—yung pakiramdam na biglang bumigat ang buong katawan mo at ang tanging naririnig mo na lang ay ang mabilis na tibok ng sarili mong puso.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganito. But whenever I see one, bigla-bigla na lang pumapasok sa isip ko ang isang nakakatakot na imahinasyon—na ang dulo ng bakal na 'to ay nakatutok sa akin, o sa kaniya. Isang kalabit lang, at magbabago ang lahat.

Kinuha ko ang malamig at medyo mabigat na metal mula sa compartment. My fingers were trembling, my skin crawling at the touch of it. Bakit siya may ganito? Since when did my boyfriend start carrying a tool meant for killing?

Kunot-noong nilingon ko si Shaun. Seryoso pa rin siyang nakikipag-usap sa phone, ang panga niya ay nakatigas at ang mga mata ay malamig. He wrapped up the call, and without even looking at me, he spoke.

"Fruitcake, I need to go somewhere. Just stay—"

He stopped mid-sentence. Tila napako ang paningin niya sa mga kamay ko. Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin sa mukha ko, and our eyes met. The air inside the car suddenly felt thin, suffocating.

Tipid na ngumiti si Shaun—iyung ngiting pilit na nagpapakalma pero alam kong may itinatago. Marahan niyang kinuha sa mga kamay ko ang baril at ibinalik ito sa compartment, as if he was just hiding a secret he never intended for me to find. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya hanggang sa makasandal siya ulit sa upuan niya.

Maraming katanungan ang tumatakbo sa isip ko, pero isa lang ang lumabas sa bibig ko. "Bakit ka may baril, Shaun?"

While resting his back on his seat, lumingon siya sa akin. He let out a long, heavy breath before answering.

"Because carrying a cop is just too heavy, so I bought a gun," he answered playfully. He even tried to wink at me, but for the first time, his charm felt like a shield he was using to hide the truth.

"What the f*ck? Shaun, do you think this is a joke?" asik ko. Hindi ko na napigilan ang panginginig ng boses ko. "Baril 'yan, hindi laruan! Oh my God. Seriously, why?"

Napatakip ako ng bibig, my hands freezing, mas malamig pa yata sa aircon ng sasakyan. I could feel the panic rising in my throat. "I really hate guns and violence, Shaun. You know what I've been through. Alam mo kung gaano ko ayaw sa ganito."

Tinitigan ko siya, naghihintay ng totoong sagot. Hindi ko kailangan ng biro ngayon. Hindi ko kailangan ng pa-cool na Shaun.

Nakatitig pa rin ako sa mga mata niya, pilit na naghahanap ng sagot. Naghahanap ako ng kahit anong senyales ng pag-aalala, ng takot na nahuli ko siya, o kahit man lang konting pagsisisi. Pero wala.

Yumuko siya, at sa gitna ng katahimikan ng kotse, narinig ko ang mahina at paos niyang tawa. Isang tunog na hindi ko inaasahan sa gitna ng tensyong ito.

"Anong nakakatawa—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

Halos tumigil ang pagtibok ng puso ko nang muli siyang mag-angat ng tingin. Isang demonyong ngisi ang dahan-dahang gumuhit sa labi niya. It was a creepy, sinister kind of smile na hindi ko kailanman nakita sa kaniya simula noong magkakilala kami.

Feeling ko nasapian siya o kung ano man, at talagang nanindig ang balahibo ko sa buong katawan. Napalunok ako at dahan-dahang napaatras hanggang sa bumaon ang likod ko sa pinto ng kotse.

"Because..." panimula niya sa boses na sobrang baba pero nakakatakot. Parang ibang tao ang kaharap ko. "...it's cool. And what's wrong with having a gun, Xen?"

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon