74: THE MUD MIRACLE & THE LOCKED SECRETS

691 34 2
                                        


Kami na lang pala ang hinihintay, at ang malupit—may bonus kaming punishment! Napa-push up tuloy ang mga hinayupak sa gitna ng ground habang kaming mga girls naman ang pinaghugas ng mga pinagkainan. Konti lang naman ang hugasin kaya no big deal. Charot! Hustisya para sa mga kamay naming pang-reyna!

Dahil sa pagmamadaling makabalik sa site kanina, hindi ko na nasingit na kalkalin ang box na binigay ni Ate. Ipinagpaliban ko muna 'yon sa ilalim ng higaan ko sa tent at agad na kaming nagbihis para sa susunod na activity: sports!

And the main event? Obstacle Mud Race. Uulitin ko... MUD. PUTIK. DUGYOT.

"Talagang balak nilang sirain ang kutis ko, 'no?" reklamo ni Lex, pero busy naman sa pag-aayos ng rubber shoes niya.

Mahigpit kong itinali ang buhok ko, ganoon din sina Nisha at Lex. Siyempre, bago sumabak sa giyera, kailangan muna ng dokumentasyon. Nag-groupie kaming tatlo at agad na pinost sa Facebook:

Caption: Selfie muna bago maging hito sa putikan! 🐷💪 #WoodridgeCamping #MudRaceReady

"WE'RE ABOUT TO GET DIRTY AND MUDDY, EVERYBODY!" hype na hype na intro ng emcee sa mic.

Ang mechanics,mag uunahan kaming makarating sa finish line at dahil nga OBSTACLE MUD RACE,may pagdadaanan kaming mga pagsubok—i mean maputik na pagsubok!Ang team na unang makakarating sa finish line ay mananalo at mag uulam ng lechon sa lunch bukas.Naglalaway na ako sa itsura ng makinis na lechon sa isip ko.

"Okay guys,this is a sport that challenges you to outrun your opponents while also overcoming a set of crazy obstacles. This race will put your strength,endurance and determination to the test with physical and mental trials!"  pagpapaliwanag ng emcee ulit.Nag sisigaw sila ng WOOH tas yong ibang PARA SA LECHON.Of course,isa na ako sa nakisigaw ng lechon...nochels...yummy lechon!

Nakapaa kami lahat ngayon at nakasuot ng tshirt base sa kulay ng team namin.May walong team at bawat team may 6 to 7 members.May color code din at sa kaswertehang palad,sa yellow team kami ng tropa.

"This is ridiculous. I can literally buy a dozen lechons right now just so we don't have to roll in the dirt like toddlers." He looked at the mud with pure disgust before shifting his gaze to me.

"Ey!Wag kang KJ at wag kang show off sa yaman mo.At isa pa,mas masarap 'yong lechon pag pinagpaguran!" sagot ko habang nag jojog in place.Warm up tayo.Wala narin siyang nagawa at nag stretching narin.

"ARE YOU READY TO ROLL ON THE MUD!"
"YES,SIR!" sabay sabay na sagot namin.Nag sipwesto na kami sa starting "Ey! 'Wag kang KJ at 'wag kang show-off sa yaman mo. At isa pa, mas masarap ang lechon kapag pinagpaguran!" sagot ko habang nag-jo-jog in place.

Kahit diring-diri, wala na rin siyang nagawa kundi ang sumunod. Napipilitan siyang nag-stretch ng mahahaba niyang binti habang masama ang tingin sa putikan.

"ARE YOU READY TO ROLL ON THE MUD?!" sigaw ng emcee.

"YES, SIR!" sabay-sabay naming sigaw.

Nagsipwesto na kami sa starting line. Nakayuko ang lahat, ready nang sumabog ang enerhiya. Biglang bumulong si Shaun na nasa tabi ko lang, "Wag kang makulit. Stay close to me."

"Para sa lechon!" sagot ko nang hindi siya nililingon. Deretso lang ang tingin ko sa unahan. Bahala ka d'yan, Shaun! Lechon over landi muna!

"Okay guys... on your mark... ready—set—GO!"

Parang mga hayop na nakawala sa hawla ang lahat. Takbuhan! Tilian! Tulakan! Ang unang obstacle ay ang MUD MILE—tatlong malalalim na hukay na may tubig-putik na hanggang bewang ang lalim.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon