Walang ganang isinubo ko ang limang piraso ng fries nang sabay-sabay at gigil na nginatngat. Kung puwede lang gawing proxy ang patatas na 'to para sa mukha ni Shaun, kanina ko pa siya na-mush.
Wala pa rin ang dalawa. Gusto ko na silang sugurin sa Department Store—hila-buhok kay Cherry o kaya hila-tenga kay Shaun—pero nanatili akong nakadikit sa semento. Sa totoo lang, sino ba naman kasi ako sa buhay ni Shaun? Isang hamak na "fruitcake" na taga-salo ng pang-aasar niya kapag wala siyang mapag-trip-an.
Napaismid ako nang maramdaman kong karton na lang ang nakakapa ko. Ubos na. Pati pagkain, iniiwan ako.
Napaangat ang tingin ko nang isang bagong box ng fries ang biglang pumasok sa vision ko. Inabot iyon ni Ryu na may kasamang tipid na ngiti.
"Sa 'kin 'yan?" paniniguro ko. Medyo nahiya ako kasi baka nakita niya kung paano ko nilamutak 'yung unang box.
Tumango si Ryu. "And this one, too." Itinaas niya ang isang chocolate mint ice cream.
Biglang nag-spark ang mga mata ko. Sa gitna ng nagbabaga kong selos, ang chocolate mint ay parang ulan sa gitna ng desyerto. Walang pagdadalawang-isip na tinanggap ko ang suhol niya at nagpasalamat. Kailangan ko ng asukal bago pa ako tuluyang mag-collapse sa inis.
"Walang problema," malumanay na sagot ni Ryu habang pinapanood akong kumain.
Natigilan ako sa pagsubo nang mapansin kong nakaturo si Ryu sa hawak kong ice cream.
"You should probably eat that ice cream first, Xen," biro niya, ang mga mata niya ay parang tumatawa. "Baka kasi masunog mo ang mall sa tindi ng init ng ulo mo. At least cool down a bit."
"Ha?" Naguguluhan akong napatingin sa kanya. Halata ba masyado? Feeling ko tuloy, may lumalabas na usok sa ilong at tenga ko habang iniisip si Shaun.
Napataas ang dalawang kilay ni Ryu nang marealize niyang hindi ko na-gets ang sarcasm niya. He let out a soft, warm chuckle—iyong klaseng tawa na nakaka-guilty dahil ang bait-bait niya sa akin habang ang utak ko ay busy sa pagpaplano ng "arson" sa date nina Shaun at Cherry.
"Wala. Sabi ko, kainin mo na bago pa matunaw," pag-uulit niya.
"Ahh." Nakaramdam ako ng konting hiya. Tumingin ako sa ice cream, tapos sa mukha ni Ryu na ang calm lang tignan. "Gusto mo? Hati tayo?"
Umiling si Ryu bilang pagtanggi habang may tipid na ngiti sa mga labi. His radiant grin could definitely cause a massive traffic jam. 'Yong tipong mapapahinto ka talaga sa paglalakad at mapapatitig na lang dahil sa sobrang brightness. Pero natigilan ako sa pagkain—hindi dahil sa ngiti ni Ryu, kundi dahil sa dalawang pigurang papalapit sa amin.
And there they are.
Bakit bagay na bagay sila? Bakit parang ginawa para kay Cherry ang pulang dress na suot niya ngayon? At bakit... bakit magkadikit pa rin sila? I cried a river inside. Gusto kong mag-tantrums dito mismo sa mall, pero syempre, pinigilan ko ang sarili ko.
Hindi sinasadyang nagtama ang mga mata namin ni Shaun. Nagkatitigan kami. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. Agad akong nag-iwas ng tingin kahit sa totoo lang ay gusto ko siyang pandilatan hanggang sa lumuwa ang mga mata ko!
Sumubo ako ng ice cream at gigil na kinagat ang plastic spoon nang marinig ko ang boses ni Cherry.
"Shaun has good taste in clothes. Bagay ba?" tanong ni Cherry, halatang ibinibida ang sarili. Ipinakita pa niya ang fit ng dress habang nakatingin sa akin—o sa amin ni Ryu.
Tipid lang na tumango si Ryu—polite pero halatang hindi interesado sa pagrampa ni Cherry. Sa kabilang banda, tuluyan nang naputol ang kagat-kagat kong plastic na kutsara. Snap. Ramdam ko ang mabigat na titig ni Shaun. Manigas ka d'yan, hinayupak. Hinding-hindi kita lilingunin. Pero traydor ang puso ko; sa sobrang kaba at ilang, pasimple kong pinunasan ang mukha ko dahil baka may dumi ako kaya siya nakatingin. Wala naman.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
