109: Scripted Existence

434 21 8
                                        

SINIPAT-SIPAT ko ang photo album. Muntik ko na talaga 'tong makalimutan, buti na lang talaga napalingon ako sa shelf ko kung saan nakalagay ang mga manga na tapos ko nang basahin. Kunot-noong sinilip ko ang bawat sulok nito sa pagbabakasakaling may mahanap akong something na makakatulong para mabuksan ito.

Dismayadong inilapag ko sa hita ko ang photo album nang bigo akong makahanap ng makakabukas dito gaya ng susi.

"Ano ba kasi 'to at nilock pa talaga? Nagfefeeling diary naman. Album ka lang naman bes, wag kang ano!" frustrated na sabi ko dito habang dinuduro-duro. Humiga ako habang angat-angat ang kulay brown na photo album. Tinitigan ko ang susian at nag-isip ng ibang paraan kung pa'no mabubuksan ang feelingerong album.

Dala na rin ng paggigigil, wala sa sariling inalog ko ito. Mabuti na lang pala talaga't ginawa ko 'yon sapagkat ito ang naging dahilan para umusli ang isang bagay na solusyon sa problema ko. Freakin' susi!

"Homaygash, ang galing ko talaga!"

He he he.

Parang nagbe-breakdance ang puso ko sa sobrang excitement. Gusto kong sabitan ng medal ang sarili ko sa tuwa. Atlast! Mabubuksan ko na rin ito. I'm itching to see what's inside kaya agad kong ipinasok sa maliit na butas ang susi na nakita. "Open sesame!" I exclaimed.

Pinihit ko ang susi at nangyari na nga ang matagal kong inaasam. Treasure has been unlocked—charot! Binuklat ko agad iyon at tumambad sa akin ang 'MY TREASURE' na salita.

That made me smile. Sa hitsura nito, sulat iyon ng isang babae. Sulat ni Mama Alice. Napahimas ako sa pangalang iyon na nakasulat sa ibabang bahagi. "Ma..." mahinang bulong ko.

Hindi ko maalala 'yong mga oras na magkasama kami but one thing's for sure, masaya kami noon... no'ng buhay pa siya. Isang picture lang ang meron ako sa kaniya at 'yong family picture namin na nasa study table ko.

Di masukat ang tuwa ko dahil nasa kamay ko ang isa sa mga bagay na pag-aari ni Mama. I wonder what my life could have been kung buhay pa siya. Napangiti ako nang mapait. Itinanim ni Papa sa isip ko na ako raw ang dahilan ng pagkamatay ni Mama—the car accident that killed her. Natutuwa ako na di ko maalala kasi kung naalala ko man, baka di ko mapatawad sarili ko.

Ano ba 'yan... masyado na akong naka-carried away. Nagdadrama naman ang lola niyo. Chumacharot!

Binuklat ko ang kasunod na pahina at may mga nakasulat doon na mga quotes about family chuchu and it's creatively decorated. Napagtanto ko na para siyang diary at photo album na pinagsama; isa siyang scrapbook. Sumalubong sa akin ang picture ng isang ultrasound in black and white. Napakunot-noo ako nang mabasa ang pangalan ni Mama na nakalagay sa name part. ALICIA ROSSO.

"Rosso? Bakit ito ang dalang apelyido ni Mama?"

Ah, siguro dalaga pa siya no'ng mga panahong 'to. Ipinagsasawalang-bahala ko na lang sana iyon pero sadyang pabibo ang isip ko't gumana—charot! Napa-analyze e.

"Montel kami pero bakit Rosso siya? Nakasal naman sila sa pagkakaalala ko. Dapat Alice Montel—ay baka di pa sila kasal sa mga panahong 'to. Omeged, resulta ba ako ng premarital sex? Mapupusok rin. Jusmio." nakangiwing sabi ko pero natigilan ulit ako sa naiisip.

"Montel. Rosso. Kung kasal na sila, dapat Rosso ang dala kong middle name pero bakit Diaz dala ko? Dapat, Xenica Rosso Montel." kunot-noong bulong ko habang nakatingin sa kisame. Umiling-iling ako. "Bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko e pwede ko namang tanungin si Papa. Dzuh!"

TINANTANAN ko na nga iyon at pinagpatuloy ang pagbubuklat. Tumunog ang cellphone ko dahil sa text ni Papa. Malapit na raw siya dito sa apartment. Tinype ko na sana ang tanong ko tungkol sa Rosso pero natigilan ako. Mas maigi sigurong itanong ko sa personal. Nireplayan ko siya ng: "OKAY PA."

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon