72: THE EMBARRASSED FRUITCAKE

739 41 1
                                        


Napabuntong-hininga ako habang nakaharap sa salamin. Pansin ko lang, lalo akong gumaganda—charot! Pero seriously, hindi na masyadong halata ang mga pasa na natamo ko apat na araw na ang nakalipas. Ayaw ko pa sana talagang pumasok nitong mga nakaraang araw kaso hindi talaga ako tinantanan ni Shaun. Kulang na lang, kaladkarin niya ako palabas ng apartment.

Napahikab ako at kinuha ang backpack na may lamang damit para sa biglaang weekend school trip ng Section A at B. Kahit suspended si Cherry, inimbitahan pa rin siya ng teachers namin para raw sa "rehabilitation" at "team building." Sana lang talaga walang gulong mangyari sa trip na 'to.

Napahikab na naman ako habang nilolock ang pintuan.

"You're always sleepy lately, fruitcake." Napaigtad ako sa gulat nang biglang magsalita si Shaun sa likod ko. Kung hindi ko lang 'to mahal, baka nasapak ko na siya sa sobrang hilig mang-gulat.

"Marami lang iniisip," simpleng sagot ko. Kinuha niya ang bag ko nang walang sabi-sabi at siya na ang nagdala nito hanggang sa makalabas kami ng building.

"Like what?" tanong niya, hindi inaalis ang tingin sa dinadaanan namin.

"Huwag mo na alamin."

Bigla siyang huminto sa paglalakad kaya napatigil din ako. Hinarap niya ako at binigyan ng isang malamig na tingin—yung tingin na parang sinusuri ang bawat dulo ng utak ko.

"Oh, anong mukha 'yan?" natatawa kong tanong, kahit deep inside ay kinakabahan na ako.

"Don't you trust me?" tinitigan niya ako sa mga mata na tila binabasa ang bawat hibla ng iniisip ko.

Nginitian ko siya sabay iwas ng tingin. "Of course. Anong klaseng tanong ba 'yan?" sabi ko bago mabilis na pumasok sa loob ng kotse.

May tiwala naman ako sa kaniya, pero natatakot ako. Hindi ko maintindihan ang sarili ko minsan—down na down ako sa hindi malaman na dahilan. Magugulatin na ako at hindi makatulog nang maayos dahil sa paulit-ulit na panaginip. Ayokong sabihin sa kaniya dahil baka isipin niyang may sakit ako sa utak. Ayoko ring magpatingin sa psychiatrist... ayokong maalala. Gusto ko na lang kalimutan ang lahat at ipagpatuloy ang buhay ko ngayon.

Kahit hindi nila alam, ang presence ng mga baliw at hinayupak kong tropa ang nagliligtas sa akin. Magiging okay din ako.

"Sige, sasabihin ko na. Brace yourself," seryosong sabi ko. Huminga ako nang malalim at humarap sa kaniya.

"Silent ba ang S or C sa salitang SCENT? At saka, if two mind readers read each other's minds... whose mind are they actually reading? 'Yan, now you know kung ano ang tumatakbo sa isip ko."

Natatawa ako pero napaaray din agad dahil sa malakas na pitik na ibinigay niya sa noo ko.

"Aray ko naman!" reklamo ko habang hinihimas ang noo ko.

Bahagya siyang ngumiti—isang maliit at tipid na ngiti na nagsasabing alam niyang niloloko ko lang siya, pero hinayaan niya na lang ako. Nagsimula na siyang mag-drive, ang kaniyang kamay ay sandaling humawak sa hita ko bago ibinalik sa manibela.

"Take your time. It's okay if you don't trust me right away," makahulugang sabi niya.

Napangiti ako. Kahit hindi ako sumagot, alam kong ramdam niya ang pasasalamat ko. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana para itago ang kilig.

"Nga pala, hindi tayo magkokotse, ha! Sa bus ako sasakay. First school trip ko 'to!" pag-iiba ko ng usapan.

Binalingan niya ako ng nanlulumong tingin—yung tingin na nagsasabing mas gusto niyang mapag-isa kami sa airconditioned niyang sasakyan kaysa makipagbalyahan sa bus. Kagabi pa kami nagtatalo kung kotse o bus ang sasakyan. Ayaw niya sana, kaso wala siyang choice. Pagdating namin sa school, inanunsyo na lahat ng students ay mandatory na sumakay sa bus para ma-monitor ng faculty.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon