49: The Seat Beside Him

2.4K 100 31
                                        

Bakit pa ako mag-aabalang imulat ang mga mata ko kung 'yong sagot ko sa tanong na 'Kanino ka bumabangon' ay may ka-date nang iba? At hindi lang basta date, ha? Si Cherry Bomb pa!

Well, hindi pa naman talaga sila... siguro. Wala pang official statement galing sa Malacañang. Pero sa'n pa ba papunta 'yong pa-date-date na 'yan? Sa simbahan? Sa forever? Pisti.

Nanlulumong nagtalukbong ako ng kumot at pumikit nang taimtim. Kakalimutan ko na lang na nag-e-exist ang Sabadong 'to. Gigising na lang ako sa Lunes, o kaya sa susunod na taon—

SHUTA! Napabalikwas ako nang maalala ang katotohanan.

Si Louie! Paano na ang anemel na 'yon kung hindi ako sisipot? Hindi siya pwedeng ma-expel! Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana ako "mapipilitan" na makipag-date kay President. Pero dahil kay Shaun, ang sana'y "mission: save a friend" ay naging "mission: suicide" para sa puso ko.

Napatitig ako sa pares ng dilaw na tsinelas ko. Napaisip ako habang nakatulala sa kawalan.

Kaya ko ba? Kaya ko bang makita silang magkasama? Iyong nasa harapan ko lang sila habang nagpa-pa-cute si Cherry at si Shaun naman ay... ewan, baka maging tao bigla at ngumiti?

Iniisip ko pa lang, parang nilalagnat na ako. Ano pa kaya kung nasa harapan ko na sila at naglalambingan? Baka imbes na popcorn ang kainin ko, ay 'yong silya na lang ng sinehan ang manguya ko sa sobrang asar.

Ito na ba ang tinatawag nilang lovesick? O baka naman malnourished lang ako sa atensyon niya?

Kapag talaga nangisay ako rito, nabagok, at namatay sa sobrang stress, mumultuhin ko talaga silang dalawa! Ipaparamdam ko sa kanila na hindi lang si Cherry ang marunong mang-bomb, dahil sasabog ako sa selos kahit multo na ako!

Hay, Xen! Ano ba 'tong mga pinagsasabi mo? Ginulo ko ang buhok ko at pabagsak na muling nahiga. Ngumawa ako nang parang batang inagawan ng paboritong candy. Mas masakit pa 'to sa pagkatalo sa laro, eh.

Wala na talaga kaming pag-asa. Anong laban ko sa Cherry Bomb na 'yon? Bukod sa pagiging epal sa buhay ko, wala na akong ibang maipintas sa kanya. Perfect na perfect ang gaga. Mula buhok hanggang kuko sa paa, parang laging naka-filter.

Sarap gasgasan ng mukha, pramis!

Walang ganang inipit ko ang buhok ko sa harap ng salamin. Napabuntong-hininga ako nang maalala ang araw na sinabi ng hinayupak na 'yon na ka-date niya si Cherry. May saltik talaga sa utak ang isang 'yon.

Imagine, inaasar-asar pa ako sa classroom noong araw na 'yon, halos magkapalitan na kami ng mukha sa sobrang lapit, tapos bigla na lang hindi namamansin? Yes! He's been giving me the cold shoulder since that freakin' day! Ano bang kasalanan ko sa kanya?! Kasalanan ko bang akbayan ako ni Ryu? Kasalanan ko bang maging maganda sa paningin ng President?

Porket may bebegurl na siya, gano'n na?

Napaka! Walang pansinan pala ang nais niya, ha? Pwes, hindi ako papatalo. Mas maigi na ring ganito para mabilis akong makapag-move on at makalimot na naging crush ko ang isang robot na tulad niya.

Ows, talaga ba, Xen? Kaya mo? 

Dahil may pinaglalamayang puso, inayon ko na rin ang kulay ng damit ko sa nararamdaman ko. Nagsuot ako ng fitted black t-shirt—iyong tipong fit na fit na babakat talaga ang curves ko. Pak! Hindi naman sa nagmamayabang, pero kailangang makita ni Shaun kung anong sinasayang niya.

Tinernohan ko ito ng khaki shorts jumper na above the knee. Buti na lang talaga biniyayaan ako ni Lord ng katawan na kahit anong isuot ko, hindi ako nagmumukhang dugyot. Bumabagay naman ang lahat—kahit basahan pa 'yan, magmumukhang high fashion basta ako ang may dala!

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon