68: THE CHAINSAW KISS & LAB TRAP

753 39 1
                                        

Nagpatuloy kami sa pagkain. Naubos na namin pati 'yung honey dahil ginawa na rin naming sawsawan ng fries—isang discovery na nagustuhan na rin ng lahat. Habang abala ang iba sa pagtatalo kung anong susunod na ride, bumaling sa akin si Shaun. Hindi niya binitawan ang usapan namin kanina.

"Why did you choose to stay here and live alone, Xenica?" seryosong tanong niya. Ang boses niya ay mababa at kalmado, pero ramdam mong hindi siya titigil hangga't hindi ako nagsasabi ng totoo.

"Kasi nga—"

"Drop the chainsaw killer act, fruitcake," putol niya agad sa sasabihin ko. Natigilan ako at napangisi. Buset, hindi ko talaga siya malulusutan.

"Oo na! To tell you honestly... ayaw talaga akong isama ni Dad sa US. Napilitan lang siya no'n," panimula ko, seryoso na ang tono. "Ayaw ko rin doon kasi palagi akong inaaway ng step-mother ko. There was this one time we had a massive fight, and she eventually convinced him to send me back here. I was only thirteen."

Ramdam ko ang biglang paglamig ng aura ni Shaun. Ang kamay niyang nakahawak sa baso ay tila humigpit ang kapit.

"He left you to fend for yourself at thirteen? What kind of father does that?" may halong galit at disbelief sa boses niya. Halatang hindi niya matanggap na pinabayaan ako ng sarili kong magulang sa gano'ng edad.

"Actually, sa Cebu ako unang tumira—sa bahay ng grandma ko. Pero malayo talaga ang loob ko sa kanila," mapait akong napangiti nang maalala ang mga panahong 'yon. "Hindi naman sila gano'n kasama kasi binigyan naman nila ako ng apartment at may allowance pa rin akong natatanggap hanggang ngayon."

Tumitig lang sa akin si Shaun, tila pilit na binabasa ang bawat sakit na pilit kong itinatago sa likod ng mga biro ko. Hindi ko namalayan na pati ang mga baliw at hinayupak naming kasama ay nakikinig na rin pala.

"Pang-MMK, babes!" kunwaring naiiyak na sabi ni Louie habang nagpupunas ng imaginary na luha.

"That was about three years ago nung lumipat siya rito sa town from Cebu. Correct me if I'm wrong, baliw," singit ni Nisha, seryoso na rin ang mukha.

"Correct! At doon nagsimula ang alamat ng pinakamagandang babae sa bayan na 'to," hirit ko para lang gumaan ang atmosphere.

Lumingon ako kay Shaun. Nakatitig lang siya sa akin—hindi 'yung malamig na titig, kundi 'yung titig na parang sinasabing mula ngayon, hindi ko na kailangang harapin ang lahat nang mag-isa.

Sumang-ayon ako sa sinabi ni Nisha at nagtawanan kami nang maalala namin ang unang pagkikita namin. Sa wakas, lumayo na rin ang usapan sa life story ko. Nang magsawa sa pagkain, agad kaming sumakay ulit ng rides. Naabutan na kami ng gabi at halos maubos na namin ang lahat ng atraksyon.

Sa paglilibot, napunta kami sa pinakadulo ng park kung saan nakatayo ang isang malaking replica ng isang lumang mansion. By the looks of it, isa itong haunted house. At hindi lang basta haunted house—mukha siyang totoo.

"Omg! Pasok tayo. Tamang-tama, gabi na at mas nakakadagdag sa creepiness!" Tila seal na nagpapalakpak sa tuwa si Lex.

Tatalikod na sana ako at sisibat kaso napansin agad iyon nina Glen at Rob. Mabilis nilang hinawakan ang bag ko pero mabilis ko itong hinubad. Tatakbo na sana ako palayo pero this time, nahuli na ako ni Shaun. He caught me easily and wrapped his arms around me from behind, trapping me in a back hug.

"Where do you think you're going, fruitcake?" he whispered, his voice laced with amusement.

"Ayoko diyan! Takot ako sa m-mumu!" mangiyak-ngiyak kong sabi. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa mga kamay ko, a silent gesture that he was there to protect me.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon