"Ting ting tong tong ting ting ting!" sinabayan ko ng mahinang palakpak ang bawat tunog para lang matabunan ang TING mula sa cellphone niya. Tila tinamaan ulit ako ng kidlat nang biglang nag-TING ito for the second time around. Buset!
Ayaw makisama! Masyadong loyal sa may-ari!
Dahil sadyang traydor ang cellphone niya at sobrang papansin sa amo—bakit ba TING nang TING 'to ngayon?! Hindi naman siguro halata kasi naka-loose blouse naman ako. Itinabon ko pa ang mahaba kong buhok para mas lalong tago ang ebidensya.
"H-Haha, Ting ting ting—"
Inilahad niya ang kamay niya sabay sabing, "Give me my phone," mautoridad na sabi niya. Tumingin siya sa dibdib ko. Ibinaba ko rin ang tingin ko roon at mabilis na itinabon ang mga braso ko rito. Shemay.
"H-hoy, anong tinitingin-tingin mo j-jan?"
Umangat ang isang gilid ng labi niya. Tinungo ng mga mata niya ang mga mata ko kaya napaiwas ako. Sht, bakit sa lahat ng pwedeng pagtaguan sa dibdib pa talaga, Xen? Facepalm.
"M-May dibdib ka naman. T-tingnan mo 'yong sa'yo," nangangatal na sabi ko. Tumagilid ako bahagya at sinubukang ibaba ang cellphone para sana mapunta sa tiyan ko pero sht ayaw—sumabit sa bra!
Maderpaderprekinshet.
"The last time I checked, those are not that flat," tukoy niya sa dibdib ko. Napalunok ako nang pumasok siya sa loob ng kotse kaya mas napidpid ako at napasandal na sa pinto. Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bibig nang ma-realize ang sinasabi niya. "S-So tinitingnan mo dibdib ko?!"
"Hmm, not really. I was just staring at your heart. It just happened that..." tingin ulit sa dibdib ko, "...those are in front of it." Kumindat pa ang hinayupak!
Napasinghap ako at 'di makapaniwala sa sinabi niya. I extended my legs at tinadyakan siya sa binti! "Fck!" napayuko siya at napahawak sa binti niyang sumasakit.
"AH! What was that for!"
"Pervert!"
"What—" Nag-iwas siya ng tingin. He let out a sigh na sobrang bigat na tila 'di makapaniwala sa sinabi ko.
"If staring at a chest makes someone a pervert, then you're a pervert too," rebat niya. Tinuro ko ang sarili ko at tinarayan siya nang bongga.
"Ako... pervert? Excuse me, masyado ka atang mapamintang! Wala kang proweb—"
"I always catch you staring at my chest, Miss Pervert," balik niya sa akin. Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin.
"Yummy kasi—" Mabilis kong tinakpan ang talapindas kong bibig. Lord, kuhanin Niyo na po ako ngayon din. Hindi niya naman ata narinig. Wew.
Taas-noong nilingon ko siya ulit at sinabing, "Wow, just wow. Feeling ka rin pala! H-hindi ko 'yan tinitingnan, no! Feel mo lang 'yon. Kalibel lang ng ulo ko ang dibdib mo kaya malamang doon ang bagsak ng tingin ko!" Okay, okay, ngayon pa ako natuwa sa height ko. Lusot!
"You and your reasons," mahihimigan na natatawa siya. Inismiran ko siya at lumingon sa harap. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin pa rin siya sa akin. Nilingon ko siya and to my surprise, nasa dibdib ko pa rin ang mata niya!
"YAH!" sita ko sa kaniya. 'Di pa rin siya nagpatinag. Tinuro ko ang mukha ko. "Nandito ang mukha ko, hinayupak. Wala diyan—"
"I know. I'm just staring at your chest—what the!" Muntik na siyang matamaan ng sipa ko pero mabilis niyang naiwas ang binti niya. Nagsukatan kami ng tingin. "What was that for again?!" nawawalan na ng pasensyang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
