Naglaway ang isip ko habang tinititigan ang sandamakmak na pagkaing inihain ni Shaun sa mesa. Nakakatakam ang spread—at aminin natin, nakakatakam din ang naghanda. Charot! Pero seryoso, nakakagutom ang amoy ng mga inorder niya. Nakakapagtaka lang dahil parang pang-isang barangay ang dami ng pagkain para sa aming dalawa.
"Is the whole gang coming over?" tanong ko habang pinagnanasaan si Shaun—este ang food na idineliver kanina. May chocolate pudding pa, oh my ghosh!
Itinukod niya ang mga kamay sa mesa at seryosong tumingin sa akin. "Let's just say this is my peace offering for earlier," sabi niya sabay kamot sa noo na tila ba hiyang-hiya sa sarili niya.
Na-gets ko naman ang ibig niyang sabihin.
"Look, I want to make things clear. I wasn't laughing at... that. I was laughing at my own stupidity. I honestly thought you'd been shot in the bu—"
Hindi ko na siya pinatapos. Sinalpak ko agad sa bibig niya ang isang chicken nugget para manahimik siya. Buset talaga!
"Wag mo na kasing ipaalala!" singhal ko.
Tumango na lang siya habang nginunguya ang nugget na isinubo ko. Tumingin ulit ako sa nakakatakam na pagkain. Ano kaya ang uunahin ko?
"So... am I forgiven?" tanong niya, his voice dropping an octave, sounding a bit too hopeful.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano'ng akala mo sa akin, bata na madadaan sa pagkain?"
"Well, you have the height of one," he retorted with a smirk.
Inambahan ko siya ng sipa pero mabilis siyang nakalayo sa akin. "Hey, take it easy! I'm just kidding!" natatawa niyang sabi habang itinataas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Uuwi na ako!"
Tumalikod ako para sana totohanin ang banta ko, pero mabilis ang mga kamay niya. Agad niyang nahawakan ang hood ng suot kong hoodie. Dahil bigla niya itong hinila, nasakal ako at napaubo nang wala sa oras. Muntik pa akong matihaya sa sahig!
Nagulat din siya sa nangyari at tarantang napabitaw sa suot ko.
"Sorry! Damn, I didn't mean to do that," hingi niya ng paumanhin, pero bakit parang nakikita ko pa ring nanginginig ang balikat niya sa tawa?
"Che!"
"Look, why can't you just accept my apology and eat?" tanong niya.
Hindi nakatakas sa akin ang mukha niya na halatang-halata na nagpipigil ng tawa. Ang kapal! "Tuwang-tuwa ka pa, hinayupak ka. Di ka sincere!"
Tinuro ko ang labi niya na agad niyang tinakpan para itago ang nagbabadyang ngisi.
"Uuwi na talaga ako!"
Tinalikuran ko siya at paika-ikang tinungo ang pinto, pero mabilis pa sa alas-kwatrong hinarangan niya ang daraanan ko.
"Seriously, fruitcake. I'm hungry. Let's just eat. I can't finish all of this alone," may tono ng pagmamakaawa sa boses niya, pero nananatiling seryoso ang mga mata niya.
Ilang segundong katahimikan ang pumagitna sa amin bago ko naisipang mag-demand. "Say please muna," taas-noong utos ko sa kanya.
Pero ang hinayupak, wala man lang imik. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, tila ba tinitimbang kung gagawin niya ba ang utos ko.
"Ayaw mo? Edi 'wag." Dumaan ako sa gilid niya at tuluyan na siyang nilampasan.
A FEW MOMENTS LATER...
KUMAKAIN akong nakayuko dahil iniiwasan ko ang mala-ice stalactites niyang tingin sa akin. Kanina pa yata siya naghahasa ng patalim sa utak habang tinititigan ako. Pero kasalanan niya rin naman kung bakit niya natamo 'yon!
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Novela JuvenilWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
