62: The ice king's captive

884 57 14
                                        


Kapatid niya si Kyla?! Ang babaeng sinampal ko? Ang babaeng halos isumpa ko dahil akala ko ay aagawin ang "future" ko at ang mailap kong lovelife?

"S-Sister?!" Halos lumabas ang eyeballs ko sa gulat. "Paanong naging sister?! Bakit hindi kayo magkamukha?! Bakit ang ganda niya?!"

"Wow, thank you sa compliment, Xenica! Pero mas maganda ka kapag hindi ka umiiyak na parang inagawan ng candy," kantyaw ni Kyla na ngayon ay nakatayo na sa likod ni Shaun. Imbes na magalit sa sampal ko, humalakhak lang ang bruha at dumila pa. 

Gusto kong lamunin ng lupa. Ngayon din. As in, asap. Nilingon ko si Rob na tawa pa rin nang tawa.

"P-pero sabi mo, Rob... wala siyang kapatid na babae!" halos mag-hysterical na ako habang nakaturo sa kaniya.

"Part 'yon ng script, Xen! At siyempre, alam ng buong tropa 'yon," proud na sagot ng hudas. Lumingon siya sa direksyon nina Louie at Glen na kung makangisi ay parang mga nakawala sa mental, habang si Eve ay nakataas pa ang wine glass na tila nagse-celebrate sa tagumpay nila.

Unti-unti nang nabubuo ang puzzle sa utak ko. Everything made sense now... and it was devastatingly embarrassing. Puchabells!

"Putragis ka talaga, Rob! Kaya pala ang lakas ng loob mong sabihing magaling kang writer! Buset!" Sa sobrang gigil ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pinilipit ko ang kurot sa tagiliran niya hanggang sa mamula ang loko.

"Aray! Aray ko naman! Baby, oh, help!" sigaw ni Rob habang namimilipit, sinusubukang lumayo sa kamandag ng mga kuko ko.

"Pinagkaisahan niyo 'ko! Buong gabi niyo akong pinanood na magmukhang tanga!"

"Hoy, don't blame us! Kasalanan ba naming sadyang slow ka?" humihingal na sabi ni Rob habang hinihimas ang tagiliran niya. "Buti na lang talaga nadale ka, kundi wala na ang GT-R ko! At least ngayon, napaamin ka na, 'di ba? You're welcome!"

Hinarap ko si Shaun na kanina pa tahimik sa tabi ko. "Ikaw! Alam mo rin ba 'to? Kasabwat ka rin ba?!"

Bago pa makasagot ang Ice King, bigla siyang inakbayan ni Kyla at ito ang sumagot para sa kaniya. "Nope! Wala siyang alam. Inosente ang kuya ko," pang-aasar ni Kyla habang tinataas-taas pa ang kilay sa akin.

Pero hindi pa rin ako convinced. Paano kung palabas lang uli 'to? Buset, may trust issues na ako sa mundong 'to!

"H-hindi pa rin ako kumbinsido! Paano 'yong sa elevator? 'Yung mga titigan niyo? Sobrang convincing, eh!"

Ngumisi si Kyla, yung ngising asar na asar ako kanina pero ngayon ay mukhang pamilyar na. "Fine. Let me introduce myself properly with my full name. Hi, I'm Kyla Marie Rodriguez—"

Natigilan ako. Rodriguez? Nanliit ang mga mata ko habang pinoproseso ang apelyidong 'yon.

Wait... Rodriguez?! Apelyido 'yon ni Ryu, ah!

"...este, Sy pa pala apelyido ko! Ehem!" bawi agad ni Kyla nang mapansing muntik na siyang madulas. "I'm the President of Harris Academy's Drama Department, by the way. Nice to meet you, sister-in-law!"

Halos malaglag ang panga ko sa narinig. Sister-in-law?!

"Kung hindi ka pa rin convinced, girl, look closely," hamon ni Kyla habang inilalapit ang mukha sa akin. "'Di mo ba napansin na pareho kami ng mata ni Kuya? Hazel eyes, baby!" Dagdag nito sabay flying kiss sa akin.

Tinitigan ko silang dalawa. Putragis, oo nga! Bakit hindi ko napansin 'yon?! Siguro dahil masyado akong busy sa pag-iisip kung paano ko siya sasabunutan!

"So... acting lang lahat 'yon? 'Yung sa elevator? 'Yung mga banat niyo?" tanong ko, parang hihimatayin na sa rebelasyon.

Hype na hype na tumango si Kyla. "Yup! Those were my lines sa last year's performance namin sa school. Hehehe! Buti talaga naalala ko pa!" Proud na proud ang bruha na parang nanalo ng Best Actress sa Oscars. "FYI, si Kuya ang pinagpapraktisan ko parati. He's my number one critic."

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon