Bakas ang pag-aalala sa mga mukha namin matapos sabihin ni Lex na tumatawag na naman si Papa. Minsan ko lang marinig ang boses niya, pero imbes na pananabik, purong takot ang nararamdaman ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at kahit napakalamig dito sa tuktok, namuo pa rin ang maliliit na butil ng pawis sa noo ko.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili. He treated me like sht all my life, at ngayon, idadamay pa niya ang mga kaibigan ko? That made me hate him more. Imbes na kunin ang cellphone, napatitig lang ako roon at bahagyang umiling. Naintindihan ni Lex ang gusto kong iparating kaya inilayo niya ang phone. Iniwas ko ang tingin ko. Dinama ko ang lamig ng hangin—kagaya ng lamig na unti-unting bumabalot sa puso ko.
Para mabasag ang tensyon, lumapit ako sa railings. I spread my arms wide, dahan-dahang dinadama ang hangin. Bigla namang nagsikanta ang mga hinayupak ng chorus ng My Heart Will Go On.
"Mga buset," mahina kong sabi na natatawa. Kalokohan talaga. Iyong tipong handa na akong mag-drama pero binigyan nila ako ng concert na hindi ko hiniling.
"Hawakan mo sa bewang, Shaun! 'Yong katulad ng paghawak ni Jack kay Rose," utos ni Lex. "Dali, picturan ko kayo! Para naman magmukhang romantic 'to bago tayo maging yelo rito!"
"Like this?" Sumunod naman ang hinayupak, on the mood na sumabay sa kalokohan. He slid his arm around my waist, pulling me closer to his chest. "Huwag mo ibaba braso mo, baliw! Akala mo ba lumilipad ka talaga? Feeling lawin?" utos ulit ni Lex. I rolled my eyes at sinunod ang trip nila.
"Yes, Director. Pasensya na po, hindi ko po alam na Titanic 2.0 pala 'to," biro ko.
"Okay, 1... 2... 3—smile!" Sabay-sabay silang kumanta with feelings habang nag-po-pose kami.
"🎶 You're here, there's nothing I fear... and I know that my heart will go on... 🎶"
"May itsura sana kayo, pangit lang boses. Akala ko ba rich kids kayo? Ba't parang hindi kayo nakapag-voice lesson? Pang-perya 'yung boses niyo, hindi pang-Paris!" natatawang sabi ko matapos ang kanta. Sabay-sabay silang nanahimik at binigyan ako ng nanggigigil na tingin.
"Pasalamat ka, baliw, at birthday mo ngayon. Kung hindi, baka ginawa ka na naming parachute dito!" ani ni Lex.
Bigla akong nakaramdam ng kiliti sa bewang kaya para akong bulateng inasinan na umaagik-ik. "W-Wag kasi—ahahaha! Awat na! Shaun, nakikiliti ako!" Hinampas-hampas ko ang hinayupak para iligtas ang sarili ko bago tumakbo palayo ng limang metro.
Matapos ang kulitan, nagpalipas-oras muna kami doon. Akala ko talaga maliit lang ang Eiffel Tower base sa mga libro. Ang base pala nito ay katumbas ng dalawang football fields at ang taas ay parang 100-story building. Imagine? Feeling ko, isang maling ihip lang ng hangin, lilipad na ako pabalik ng Pilipinas nang wala sa oras.
"Pwede ba tayong mag-overnight dito? Iyong tipong dito na tayo gigising bukas para romantic?" tanong ko kay Shaun habang nakasandal sa dibdib niya.
"Unfortunately, we can't. There's an apartment owned by Gustave Eiffel at the top, but it's now a mini-museum and cannot be rented," paliwanag niya. Akala mo talaga tour guide na may-ari ng buong Paris kung mag-explain, eh.
Tumango ako habang nakapout. Nanahimik kami ng ilang segundo, pinagmamasdan ang mga ilaw ng Paris na parang mga dyamanteng nagkalat sa itim na tela. Pero dahil hindi ako pwedeng manahimik nang matagal nang hindi humihirit, bigla akong may naisip.
"Shaun, French ka ba?"
"Half French. Why?" tanong niya, medyo seryoso pa ang mukha.
Nagpigil ako ng tawa. "Kasi... Eiffel for you."
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
