Nakatitig ako sa kawalan, nakapamewang, habang naglalaban sa utak ko ang konsensya at puso ko. Nagdadalawang-isip na talaga ako kung itutuloy ko pa rin ba itong ginagawa kong pagtulong kay Kyla. Kasi naman—parang nahuhulog na talaga sa akin si Pres. Ryu.
Ganoon na ba ako ka-mapang-akit? Ka-charismatic? Ka-magnet ng hotties?
Charot!
Pero teka? Bakit si Shaun parang may invisible force field na may karatulang "No Entry: Xenica Zone" sign sa noo niya? Hinayupak talaga. Siguro tinamaan naman siya... pero hanggang "I care for you" level lang. Kailan ba siya magle-level up? 2100?!
Inip na inip na talaga ako matapos ang kabaliwang 'to. Gusto ko nang aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Kung sakaling hindi niya ako bet, edi at least makaka-move on na ako nang maaga. Pero kung bet din niya ako... aba, mukbang ngayon, kasal bukas!
Charot!
"Seryoso, Xena, wag kang baliw," sinaway ko ang sarili ko. Pinukpok ko pa ang ulo ko para lang mahulog ang mga delusyon ko tungkol sa pagpapakasal kay Shaun.
Nasa harap na ako ng SSC office, dasal na dasal na wala si Ryu sa loob. Ayoko na ng dagdag chismis na boyfriend ko siya. Pero kung si Shaun ang involve, aba'y lubusin na nila—gawin na nilang asawa. Walang problema sa akin!
Bumuntong-hininga ako at tumingin sa box na dala ko. Bibilisan ko na lang. Pinihit ko ang doorknob at dahan-dahang bumukas ang pinto—walang tao. Victory!
Pumasok ako at agad iniwan ang dala ko sa table ni Ryu. Paalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Cherry. Muntik ko nang makalimutan na member nga pala siya ng SSC. Kunwari, hindi ko siya nakita at tinungo na ang pinto para lumabas.
"'You will forever be my always — from your X,'" basa niya nang malakas habang hawak ang note.
She smirked—'yung tipong may alam siyang sikreto at gustong-gusto ka niyang inisin dahil hawak niya ang ebidensya. "Oh, how sweet. Dedeny ka pa ba, Miss X?"
Inirapan ko siya hanggang langit. Akala mo naman kung sino.
"Why are you so nosy? Don't you have your own life?" singhal ko sa kanya.
Nag-init ang mukha niya, halatang napikon sa sinabi ko. Akala niya yata matatakot ako sa kanya.
"Wag ka na lang sumagot. Alam mo na rin naman 'yon. Masama na ugali, walang respeto sa privacy," dagdag ko pa para lalong manggigil.
"What did you say?!"
Hindi ko na siya sinagot at lumabas na lang. Pero sa loob-loob ko: Ipapa-kickout ko 'tong demonyitang 'to kay Kei, swear!
Paglabas ko, halos malaglag ang puso ko nang makita ko si Ryu na papalapit sa corridor. Jusmio! Speaking of the freaking angel! Mabilis pa sa alas-kwatro, nag-U-turn ako. Tumakbo ako sa kabilang direksyon na parang hinahabol ng mga elementong masama. Hindi ko na inisip kung mukha akong tanga, basta ayokong maabutan niya ako rito!
Hingal na nakarating ako ng room. Wew, that was close. Muntik na akong maging headline sa school paper: "Xenica, huling tumatakbo palayo sa pag-ibig!" Natigilan ako nang makita ko silang lahat na nagkakalkal sa tatlong plastic ng candies. Ang saya ng mga hinayupak, parang may fiesta. Lumapit ako kay Glen.
"Hindi tinanggap e, pinamigay ko na lang," sabi ni Glen bago ko pa man mabuka ang bibig ko. Tila alam na nito ang itatanong ko.
Nakahinga ako ng maluwag. Tumango ako sa kanya. At least malinaw na kay Ryu na wala akong interest sa kanya. Sana talaga matapos na itong "Secret Admirer" issue na 'to bago pa ako tuluyang ma-stress.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
