94: THE BAKERY BATTLE: CUTE VS. CLASSY

679 29 11
                                        

Napahasa ako ng patalim sa isip nang malaman kong kasama daw ni Shaun ang letter "EX" niyang sexy kuno at maganda. Ang nananahimik kong demonyo ay tila nagising sa ingay ng kinikiskis na bakal. Sobrang alerto at—teka nga muna. Bakit ba ako nagre-react nang ganito?

Huminga ako nang malalim at pinakalma ang mga nauulol kong "demons." Relax, Fruitcake. Siguraduhin muna nating totoo ito dahil baka prank na naman! Baka nakakalimutan mong ikaw ang paboritong pulutan ng mga kalokohan nila kaya huwag kang basta-basta magtitiwala sa mga nilalang na 'to. Tama... tama. Hindi ako magpapauto.

Nakahalukipkip na hinarap ko sila. "Do you think I'd fall for your prank muli?" Itinuro-turo ko ang mga hinayupak na nakangisi lang sa harap ko. "Do you think I would still believe you after everything?! Gasgas na 'yang script niyo, mga beh!"

"Iniisip mo bang pina-prank ka namin?" tanong ni Rob, na parang seryoso na ewan.

"Bakit? Hindi ba?!" taas-noong hamon ko.

"Hindi," sabay-sabay nilang sagot kaya lalong tumaas ang kilay ko. Sabay-sabay talaga? Scripted na scripted ang timing!

"Nakakaamoy ako ng bayanihan," bulong ko habang isa-isa silang tinataponan ng matalim na tingin. Pero ang mga anemel, nanatiling mapaglaro ang mga ngiti. Iyong ngiting nagsasabing 'Checkmate ka na, Xenica.'

"You just think too much. Kung maniwala ka na lang kaya sa amin?" pangungumbinsi ni Nisha, na parang concerned citizen pa ang peg.

"You can't constantly lie and then expect someone to trust and believe you," sagot ko, feeling English major sa gitna ng kalsada ng France. "Law of Physics 'yan! Action and Reaction! 'Pag sinungaling ka, expect mo na ang 'Asa-ka-pa' reaction ko!"

"Physics daw... baka Philosophy?" bulong ni Louie sa tabi.

"Whatever! Basta hindi ako naniniwala!" matigas na sabi ko, kahit sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko nang tumakbo sa bakery para i-confirm kung gaano ba talaga ka-"sexy" ang babaeng 'yon.

"Sige, 'wag kang maniwala," kibit-balikat ni Lex.


"Why do you sound like a girlfriend who has been cheated on by her boyfriend?" natatawang sabi ni Glen.

"Manahimik ka," sita ko sa kanya sabay damba ng tingin. Agad naman niyang itinikom ang bibig at umaktong winawaripe ang labi niya. Takot lang niya sa akin, 'no!

"Ba't ba kayo nag-e-English? Nasa France tayo, hindi sa America!" singit ni Nisha na tila kanina pa natatawa sa amin.

"Ganyan talaga 'pag nadadala na ng emosyon, lumalabas ang inner Shakespeare ko!" sagot ko sabay hawak sa dibdib ko na parang nasa dula-dulaan. "Pero okay, going back. Seriously, you've got to stop pranking me. Hindi ko na alam kung alin ang totoo sa hindi! My heart is tired, my brain is fried, and my poise is... well, nasa sahig pa kanina! Hindi na nakakatuwa!"

"Kung makapagsalita naman 'to, akala mo ang linis-linis! Lang'ya, gusto ko pa nga makabawi sa tarantula prank mo kaninang umaga, babes!" sigaw ni Louie, punong-puno ng paghihiganti ang boses.

"Pucha, nananayo pa rin balahibo ko 'pag naalala ko 'yong gagambang 'yon. Akala ko kinuha na ako ni Lord!" dugtong ni Rob habang nakayakap sa sarili, bakas pa rin ang trauma sa mukha niya.

"Deserve niyo 'yon! Kulang pa nga 'yon sa mga luhang nasayang ko dahil sa mga kalokohan niyo!" balik ko sa kanila. Hindi ko na napigilan ang tumawa nang malakas nang maalala ko ang mga sigaw nila kaninang umaga. Iyong tili ni Rob, mas mataas pa sa boses ni Regine Velasquez!

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon