9: The Phone Heist

3.5K 162 7
                                        

HINDI pa rin tapos ang chika tungkol sa pagdukot kahapon. As in trending. Kung may campus Twitter lang, baka naka-pinned tweet na mukha ko.

Habang naglalakad ako papuntang room, ramdam ko ang mga titig. Yung iba halatang curious. Yung iba mukhang disappointed pa—parang may silent voting na naganap at hindi sila agree sa casting.

"Bakit siya?" siguro ang nasa isip nila.

Excuse me??? Hindi ko rin alam bakit ako. Hindi naman ako nag-submit ng application form.

Hindi naman ako sikat. Sa totoo lang, feeling ko nga minsan background character lang ako sa sariling buhay ko. Pero dahil sa nangyari kahapon? Boom. Instant celebrity. Ayoko nga ng fame, wala namang endorsement fee.

May nahuli pa akong dalawang estudyante na obvious na ako ang topic. Bigla silang tumahimik nung napatingin ako. So syempre, bilang petty queen, tinitigan ko rin sila pabalik. Yung tipong kaya kong magpa-blur ng paningin sa sobrang liit ng mata ko.

Kung pwede lang magdala ng jolen bukas, gagawin ko. Isang tingin, isang bato. Para fair.

Grabe. Naubos agad social battery ko. Kung ganito pala pakiramdam ng viral, pass na lang. Gusto ko na ulit maging invisible.

Hinihingal akong nakarating sa classroom namin. Para makaiwas sa mga usyusera at mapangmata kong schoolmates, dumaan ako sa likod ng mga buildings. Ang layo ng nilakad ko—feeling ko nag-field trip ako mag-isa.

Pagpasok ko sa pinto, sumandal muna ako roon para habulin ang hininga ko. Pumikit ako saglit, ini-enjoy ang katahimikan at ang thought na naka-survive ako sa hallway of judgment.

Pagdilat ko, tumingin ako sa direksyon ng upuan ko.

Pero hindi doon napunta ang atensyon ko.

Dumapo ang mga mata ko sa taong nakaupo sa katabi ng desk ko.

Naka-headphones. Nakapangalumbaba. Nakatingin sa labas ng bintana na parang bida sa sariling music video—kumpleto na lang ng electric fan effect para slow-mo ang buhok.

Sino pa nga ba?

Walang iba kundi ang walanghiyang nang-iwan sa'kin sa airport. Yes. Siya mismo. In the flesh. Naka-headphones pa na parang walang emotional damage na iniwan sa'kin kahapon.

No other than Shaun Joshua Sy.

Kung sinuswerte ka nga naman—ay mali, minamalas pala. 

Tumayo ako ng tuwid at taas noo siyang tiningnan siya. Wala na akong atraso sa kanya. Bakit ba ako natatakot? Kaya ko siyang i-ignore kahit ga'no pa siya ka gwapo at kahit pagdikitin pa ang upuan namin, 'no!

"You have nothing to do with him anymore, Xenica. Isipin mo na lang na invisible ang katabi mo. Isa lang siyang... germ. Oo. Kasapi ng mga germs sa paligid." tumatango-tango kong sermon sa sarili ko, parang life coach na walang lisensya.

Deep breath.

Mahigpit kong hinawakan ang strap ng backpack ko—parang may final boss battle akong haharapin. Isang hakbang. Dalawa. Diretso lang ang tingin. Walang lingunan. Walang marupok moments.

Normal lang 'to. Ordinary day. Ordinary classroom. Ordinary... sobrang gwapong mikrobyo sa tabi ko.

Nang marating ang pwesto, pasimpleng umupo ako roon—pero sa totoo lang, kabado ako one million times. Pinipigilan ko rin ang leeg ko na gustong lumingon sakanya, 

"Drawing lang siya... Statue... Obra..." bulong ko sa sarili habang nakatingin sa harap, pilit pinapaniwala ang utak ko na hindi siya breathing, hindi siya kumikilos, hindi siya Shaun Joshua Sy na nandiyan lang sa tabi ko.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon