Saktong nagbibigay na ng instructions si Ma'am nang maabutan namin sila sa campsite. Agad na iniabot ni Glen kay Shaun ang mga bag namin—nakalimutan na namin dahil sa epic na eksena sa loob ng bus.
Matapos ang mahabang litanya ng mga teachers tungkol sa safety at schedule, hindi mawawala ang pambansang activity: ang picture taking.
"Guys, tingin sa camera! One... two... three! Okay, go to your respective tents and unpack. Let's meet at the ground after one hour," utos ng teacher namin.
"OKAY PO!" sabay-sabay naming sagot bago nag-unahan patungo sa mga tent.
"Teka! Picture muna tayo, groupie!" hype na hype na sigaw ni Lex habang iwinawagayway ang phone niya.
Siyempre, hindi kami pwedeng mawalan ng entry. Nag-umpisa na kaming mag-pose na pito, pero ang mga epal naming classmates, nakikisali pa sa frame!
"Shoo! Doon kayo sa kabilang bundok!" biro ko habang pinagtataboy sila. Ha-ha! Epal talaga kahit kailan.
"Ano ba 'yan, babe! 'Wag ka mag-wacky! Ayusin mo!" reklamo ni Lex sa boyfriend niya na nag-f-face palm na lang. "Okay, again guys! One... two... three!"
"Ang bigat naman ng bag mo, babe," reklamo ni Rob habang hila-hila ang maleta ni Lex na parang balak mag-migrate sa Woodridge habambuhay.
"Yes, babe. Dala ko ang kabit ko, nasa loob niyan—BABE! MASIRA 'YAN! JOKE LANG!" halos mapatili si Lex nang biglang buhatin ni Rob ang maleta at akmang ihahampas sa sahig. Natawa kaming lahat sa bangayan ng dalawa; aso't pusa talaga kahit kailan.
Nilingon ko si Shaun. Busy siya sa pag-scroll sa cellphone ko na hiniram niya kanina para sa picture taking. Naalala ko yung hirit ni Lex kaya bigla akong napa-pilya.
"May kabit din ako," seryoso kong sabi.
Imbes na mag-react nang bongga o magselos, hindi man lang siya lumingon. "I must make friends with him then. For sure we'll get along 'cos we have the same type," sagot niya sabay kindat sa akin.
Ang animel, ang yabang talaga!
"Wow. Gano'n? Confident?" taas-kilay kong tanong.
"What would you do if I cheat on you?" balik na tanong niya, pero ngayon ay diretso na siyang nakatingin sa mga mata ko.
"Subukan mo lang!" alma ko sabay taas ng kamao sa tapat ng mukha niya. "Isasako kita at ipapakain sa pating!"
Tumawa siya nang mahina—yung tawang nakaka-inlove na nakaka-inis—at kinuha ang bag ko mula sa lupa. "That wouldn't happen, fruitcake," sabi niya sabay akbay sa akin nang mahigpit habang naglalakad kami patungo sa tent ng mga girls.
Pero hindi pa ako tapos. Huminto ako at kumalas sa akbay niya para harapin siya nang nakapamewang. "Siguraduhin mo lang talaga, Shaun Joshua! Kundi, puputulan kita ng ano!"
Napatigil siya at tinaasan ako ng kilay. "What?"
"B-basta... 'yong ano mo!" singhal ko, ramdam ko ang biglang pag-init ng pisngi ko dahil hindi ko masabi yung word.
Ngumisi siya nang nakakaloko, yung tipong alam na alam niyang na-co-conscious ako.
"I certainly would not test her, dude," singit ni Rob na dumaan sa gilid namin, dala pa rin ang maleta ni Lex. "Nananabunot 'yan habang nasusuka, what more kung seryoso na?"
"If ever my boyfriend cheats on me, I will cut off his d*ck and feed it to the dog!" parinig ni Lex habang binibigyan ng matalim na tingin si Rob.
Napaubo ako nang wala sa oras. Grabe, wala talagang preno ang bibig ng babaeng 'to! "Bibig mo, baliw! May mga teacher sa paligid!" sita ko sa kaniya, pero ang gaga, inirapan lang ako.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
