75: THE BAOG PRANK & THE AISLE PROMISE

669 34 0
                                        


Buset, animel, putragis—sorry, Jesus Mary Joseph, pero mapapamura ka na lang talaga! Napatili ako nang pagkalakas-lakas nang biglang sumilip ang isang CLOWN sa bukana ng tent ko!

Dahil sa matinding takot at adrenaline rush, hindi na ako nakapag-isip. Ang photo album na hawak ko? Naibato ko nang diretso sa pagmumukha ng nilalang! Bullseye! Natihaya ang gago sa labas ng tent. You messed with the wrong person, clown!

"Ack—"

"SHT!" Rinig ko ang mga boses sa paligid, pero wala akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ay mapuksa ang anemel na 'to bago pa niya ako magawang lobo!

Lumabas ako ng tent at walang habas na sinundan ko siya ng tadyak. To my horror, bigla niyang hinawakan ang binti ko gamit ang malalamig niyang kamay! Napatili ulit ako at mas lalong diniinan ang pagsipa sa kaniya.

"Sht! Babes—AAAARAY!" daing ng clown.

"Papatayin kita! Killer clown ka!" sigaw ko habang patuloy sa pag-atake. Wala akong pakialam kung saan ko siya natatamaan, hangga't gumagalaw siya, sisipain ko siya!

"H-HOY... WAG SI JUN-JUN! TANG'NA!" napamurang sigaw ng nilalang habang namimilipit.

"HAHAHAHAHA! Prank now, baog later," rinig kong sabi ng isa sa mga boses na hindi ko pa rin pinapansin.

"BUSET KA—!" Marahas ko siyang sinabunutan matapos kong tadyakan nang todo ang "ano" niya.

Pero natigilan ako nang biglang matanggal ang mukha niya! Ay, hindi... ang suot niyang MASKARA! Napatakip ako ng bibig nang tumambad ang mukha ni— "LOUIE?!"

Nakaturik ang mga mata niya, naka-"O" ang bibig, at mahigpit na nakahawak sa ibaba niya habang tahimik na namimilipit sa damuhan. Mukhang hindi na siya makakahinga sa sakit.

"Trip mo, loko-loko ka!" nakangiwing sabi ko, bagama't may halong guilt na konti. Pero kasalanan niya 'to!

Hinay-hinay na gumapang si Louie palayo, parang bida sa pelikula na naghihingalo sa gitna ng giyera.

"Prank pa more! Hahaha!" natatawang sabi ni Nisha habang lumalapit para i-check kung buhay pa ba ang "kinabukasan" ni Louie. "Lakas ng loob mong i-prank si Xenica, alam mo namang bayolente 'yan 'pag natatakot."

Isang pamilyar na yakap ang naramdaman ko mula sa likod kaya napaigting ako nang konti. Hindi na ako nanlaban dahil amoy pa lang, alam ko nang si Shaun 'to. Kasabay niyon ay ang paglabas nina Glen at Rob mula sa likod ng mga puno, kasama si Lex na halos hindi na makahinga sa katatawa sa sinapit ni Louie.

"Kayo... pinagkakaisahan niyo talaga ako parate! Paano kung inatake ako rito at natigok?! Mga buset!" dinuro ko sila isa-isa habang nanggigigil sa inis.

"Sorry," bulong ni Shaun sa tenga ko, pero bakas sa boses niya na natatawa rin siya.

"Isa ka pa! Wala kang kiss nang isang buwan!" pananakot ko sa kaniya. Pero imbes na matakot, he just let out a soft, teasing chuckle. Anemel talaga, hindi man lang tinablan!

"Sht... I can't feel my b*lls," reklamo ni Louie na sa wakas ay nakatayo na rin habang paika-ika. Nagtawanan kaming lahat sa hirit niya.

Pinulot ni Shaun ang album na ibinato ko kay Louie kanina at sinipat ito. "Good thing you didn't pass out, Lou. This thing is damn hard," komento ni Shaun, tinitimbang ang bigat ng album.

"Feeling ko nga nabalian ako ng ribs," dagdag ni Louie sabay taas ng t-shirt niya para i-check ang tagiliran. "Anong palaman niyan, Xen? Bakal?"

"Sorry na! Ikaw kasi, eh! 'Yan ang napapala mo, kolokoy ka!" sabi ko na natatawa na rin habang nakasubsob ang mukha sa dibdib ni Shaun.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon