116: Codename: Larva

485 27 12
                                        

HINDI alintana ang mga mantsa ng pintura sa katawan na animo'y mga bakas ng isang madugong labanan sa sining, tinahak nila ang daan patungo sa pag-asang ibinibigay ni Louie. Ang bawat hakbang ay puno ng tensyon, bawat hininga ay tila lason habang iniisip ang kalagayan ni Xen.

Ngunit ang cinematic na build-up sa kanilang isipan ay biglang gumuho nang huminto sila sa tapat ng police station. Nanigas sina Shaun at Lex, habang si Nisha ay dahan-dahang lumingon kay Louie na may matalim na tingin na kayang pumatay.

"What? Kailangan pa rin natin i-report 'to at matutulungan tayo ng mga pulis sa paghahanap. I'm so smart, 'diba?" kumindat pa ang gago, tila ipinagmamalaki ang kaniyang "genius" plan.

"He has a point." pagsang-ayon na lang ni Lex, bagaman bakas ang panghihinayang sa kaniyang boses dahil akala niya ay may underground hacker silang pupuntahan.

"Akala ko talaga may super power gadget kang ilalabas na pang-plot twist ang datingan! 'Yung tipong may satellite tracking o high-tech radar! Pero police station lang pala?!" disappointed na sabi ni Nisha, halos lumuwa ang mga mata sa inis.

"Bruha, hindi ako si Doraemon!" sagot ni Louie.

"Hindi talaga. Mas cute si Doraemon sa'yo!" rebat ni Nisha.

"Of course mas cute siya dahil hindi ako cute. Gwapo ako!" ayaw magpatalo na sagot ni Louie sabay akbay sa dalaga.

"Dream on, Uloy. Makiskis nga 'yang mukha mo ng kutsilyo. Kapal na e—bitawan mo nga ako. Bigat-bigat ng braso mo puro fats." tumawa si Louie sa sinabi ni Nisha, isang halakhak na panandaliang bumasag sa mabigat na atmospera.

"Muscles 'to oy! Grabe siya."

"Sinasabi ko sa'yo, Uloy. Tantanan mo 'ko."

"Ayaw."

"Ano bang gusto mo para tantanan mo 'ko?!"

"Jowain mo." nakangising sabi ni Louie sabay kindat. Napatawa ng pagak si Nisha sa mga pinagsasabi nito. "Patawa talaga."

"Manahimik nga kayong dalawa! Ngayon pa kayo nagligawan na nawawala si Xen? Ang gulo niyo!" sita ni Lex sa kanila. Ang kaniyang boses ay tila kulog na nagpatahimik sa asaran ng dalawa.

Napahilot sa kaniyang sintido si Shaun. Ang seryosong panganib na kinakaharap ni Xen ay tila nakikipag-agawan sa ingay ng kaniyang mga kaibigan. Ngunit sa likod ng kaniyang mga mata, nag-aapoy ang galit at pag-aalala. I will find you, Xen. Kahit sino pa ang humarang.

Nagsipasok na sila sa loob, ngunit naiwan si Louie sa labas na nakangisi pa rin. "Pag nahanap ko si Xen today, jojowain mo 'ko ha!" pahabol nito kay Nisha.

Sumilip ang kamay ni Nisha sa pinto at isang malutong na middle finger ang tinugon nito na ikinawala ng ngiti ni Louie.

"Napaka-hardcore magmahal, wooh~" naiiling na sabi niya. Huminga siya nang malalim, pinalis ang huling bakas ng biro sa kaniyang mukha, at nag-unat. Ang kaniyang mga mata ay naging seryoso, tila isang hunter na handa nang sumabak sa gulo. "Okay, let's report it!"

---

Nadismaya lang sila lalo sa lugar na 'yon. Na-file nga nila ang police report sa missing person ngunit sabi ng mga nakaduty, hindi nila ito tutugunan agad dahil hindi daw high risk 'pag nawala ang isang 18 years old above unless nasa kategorya ito ng mga nawawalang nasa edad 13 pababa, matatanda, mentally challenged at 'yong biktima ng kidnapping o krimen.

"Feel po namin nakidnap ang kaibigan namin. Base kasi sa kwento no'ng mga batang nakakita, nanggaling sa van na itim ang cellphone na 'to—"

"May pruweba ba kayo na nakidnap talaga? May CCTV footage? May witness? Pa'no kung niloloko lang kayo ng mga bata? Marami pa namang batang kalyeng snatcher sa area na 'yan." walang ganang sabi ni mamang pulis.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon