114: Watermelon gemstone

409 23 2
                                        

TAHIMIK na sa kwarto ni Shaun dahil nagsiuwi na ang mga loko-lokong niyang kaibigan. Kung pwede pang makasuhan ang mga maiingay, paniguradong kulong na ang mga 'yon. Wala ring nanalo sa premyong 100k sa bugtong dahil puro kalokohan mga tanong ni Rob at walang nakasagot.

'Di niya namalayan ang oras, alas-otso na pala. Inilapag niya ang librong binabasa at pumikit para ipahinga ang mata. Napadilat siya ulit nang bumukas ang pinto, ang doktor pala.

"How are you feeling?"

"Good." tipid niyang sagot. "When can I leave the hospital?" dagdag tanong ni Shaun.

"Just take it slow, young man. We still need to run more tests. Pag okay na, you'd be able to go home soon." nakangiting sabi ng doktor. Tumango si Shaun bilang tugon.

"No one will accompany you tonight?" tanong ng doktor habang chinicheck ang IV niya.

"Mom needs to go back to France. My sister haven't had enough rest for a few days so I just told her to come here every after class."

"I see. Just call the nurse if you need something."

"Thanks, doc."

Nang makalabas ang doktor, nagbasa ulit si Shaun. Napaangat siya ulit ng tingin nang bumukas ang pinto at iniluwa no'n si Xen na nakangisi.

"Makulit ka. What are you doing here, fruitcake?" pumasok na nang tuluyan si Xen dala-dalang maleta. Kunot-noong natawa si Shaun nang makita iyon.

"Alam ko 'yong feeling na walang kasama sa ospital. Marami pa namang mumu dito. At least, 'pag may nagpakita—"

"You will punch the ghost for me?" nakangising sabi ni Shaun pero napawi rin 'yon sa sagot ng nobya.


"Hindi no, feel mo naman! Takot ko lang sa mga 'yon. Andito ako para sumigaw para sa'yo at para may kasama akong tumakbo. Hahaha. Alam ko namang di ka takot sa mga mumu. So para mapaalis sila agad, kailangan na kailangan mo ang sigaw ko na pang horror film ang dating."

"Really?" hindi alam ni Shaun kung mamamangha ba siya sa sinasabi nito. He let out a chuckle. "Gusto mo sample?" excited na sabi ni Xen habang binubuksan ang maletang dala. Umiling si Shaun bilang tugon.

"What's with the luggage? Dala mo ba lahat ng gamit mo?" biro ni Shaun. Bago sumagot si Xen, binuksan niya ang maleta and, "Cherrreeeen!"

"Uniform?" oo, uniform ang laman ng maleta ni Xen. Blouse, blazer, palda, tatlong hanger, maliit na bag na mga undies ang laman at mga toiletries gaya ng toothbrush, sabon atbp.

"Baka kasi magusot kaya ayan, sa maleta ko na nilagay. Kaysa sa backpack, magugusot 'yon panigurado."

"Pwede naman backpack lang. You can just bring an iron." natigilan si Xen sa sinabi nito.

"Oo nga no?! Buset na 'yan, ba't ngayon mo lang sinabi? Ba't ba nawala sa isip ko 'yong plantsa?" natawa nanaman si Shaun dito. Yong hitsura kasi, parang ang laki ng problema.

"Hayaan na nga lang. Mas maganda rin maleta para mukhang galing abroad. Hehe." nakangising sabi ni Xen na nahimasmasan.

Nailing na lang si Shaun habang nakasunod ang tingin sa nobyang naghahanap kung saan niya isasabit ang uniform nito. Napagdiskitahan pa 'yong dextrose! Finally, nakahanap na rin ito ng pagsasabitan at napirmi na. Sa CR!

Kinuha niya ang bangko at tumabi sa bed ni Shaun. Kinuha rin niya ang apple at kutsilyo then simulan ang pagbabalat.

"Papakainin kita ng apple para gumaling ka na. An apple a day keeps the doctor away."

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon