Special Chapter 1

854 35 21
                                        



Sunod-sunod na tahol ng aso ang narinig ko mula sa baba kaya naalimpungatan ako. Humihikab na umupo ako mula sa pagkakahiga at kinapa-kapa ang cellphone ko na sa pagkakaalala ko'y nasa tabi ko lang kanina bago ako makatulog. To my surprise, nakita ko ito sa sahig.

"Gano'n ba ako kalikot para lumipad siya d'yan?" bulong ko sa sarili habang dahan-dahang bumababa ng kama.

Dadamputin ko na sana 'yon pero naunahan ako ni Shaun na kakapasok lang sa kwarto, suot na ang kaniyang office attire. Kaya pala natahol nina Hakuna at Matata; nakauwi na ang daddy nila.

"Andito ka na pala," inaantok na bati ko.

Lumapit siya sa 'kin at bago niya ibigay ang cellphone, dinampian niya muna ako ng halik sa labi na ikinangiti ko nang husto.

"Tamis. Isa pa nga," request ko habang nakatingala sa kaniya.

"Can't get enough?" Mabilis akong tumango. He slid his hand on my neck and drew his face near mine. Nakangising hinintay kong dumampi ang labi niya, ipinikit ko ang aking mga mata para i-feel ang moment. Pero hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Hinapit niya ako sa bewang kaya napadilat ako, kasabay ng paglapat ng aming mga labi. It wasn't just a simple kiss; it was a passionate one that lasted for a long five seconds before he let go.

"More?" mapilyong ngisi ang sumilay sa labi niya.

"Ligo ka muna tapos let's kiss more after," nang-aakit na sabi ko habang inilingkis ang braso sa bewang niya.

"I can't wait," nakangising sagot niya sabay halik ulit sa noo ko.

Kinuha ko na ang cellphone ko at naupo sa kama habang inaayos ang mga librong nagkalat sa higaan—mga research materials para sa trabaho ko na naging unan ko na kanina.

"So how was work?" tanong ko.

"Kinda tough yet manageable," sagot niya habang pinagmamasdan ang ginagawa ko. "Looks like you had a very busy day."

"Yeah. Nagreresearch ako kanina pero nakatulog ako. By the way, let's eat. Nagluto ako."

"I haven't had my dinner too," he said bago pumasok sa CR.

Ilang segundo lang ang nakakalipas, sumilip siya sa pinto. "Did you miss your period? Hindi ata nakunan sanitary pads mo?"

"Hindi pa naman 'yon today," sagot ko.

"Really? Hmm." Lumabas siya at agad kinalikot ang cellphone niya. Tumango-tango siya na animo'y may nahanap na sagot. "I miscounted it. Akala ko ngayon."

"Sira ata ang tracker mo," natatawang sabi ko.

Yes, guys. He's been tracking my period ever since no'ng aksidenteng natagusan ako. Inamin niya 'yon one month after our wedding. No'ng una, I found it weird—lalaki siya 'tas may period tracker? Pero nang malaman ko ang dahilan, I found it considerate.

Siya ang nag-aadjust para iwas away. 'Pag malapit na ang "bitchesang" buwanang dalaw ko, naghahanda na si Shaun. Hindi armour o espada, kundi chocolates at sweets. Mas hinahabaan niya ang pasensya niya sa 'kin. Yiie, so sweet right? Pero ngayon, may nadagdag na rason: Ginagawa pa rin kasi namin si Baby Y. Isang taon na pero hindi pa rin kami biniyayaan. Sabi nila stress lang daw sa work. Well, better luck next time!

"Let's go downstairs. I'm starving," aya niya matapos magbihis.

****

Mabilis lang ang oras at umaga na. Nagising akong katabi sina Hakuna at Matata pero wala na ang magaling kong asawa sa tabi ko.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon