"Hoy, babes! No entry ka sa alak ngayon. Baka mamaya niyan, mangalkal ka na naman ng lupa hanggang sa maabot mo ang core ng mundo sa sobrang kalasingan. Isang beses ka lang nagpakitang-gilas na parang baliw, sapat na 'yon sa buong lifetime namin!"
Paalala ni Louie sa akin sabay hablot sa wine glass na kinuha ko mula sa tray ng gumagalang de-unipormeng waiter.
"Bakit kayo pwede?! Daya naman!" alma ko habang pinapanood silang may hawak na wine.
"We have high tolerance sa alcohol kaya here, juice ka muna, baby girl," nakasimangot kong tinanggap ang inabot ni Rob na wine glass na juice lang pala ang laman. "And besides, baka may magalit. Mahirap na," dagdag pa nito sabay sulyap sa kung saan.
"Sino naman?!" hamon ko.
"Si Sh—" bago pa matuloy ni Rob ang sasabihin, siniko siya ni Lex kaya bahagyang napaubo ang lolo niyo.
"S-si Papa Jesus! Kaya mag-behave ka," bawi ni Rob sabay turo ng daliri sa langit. Napangiwi ako sa sagot niya. Napaka-religious niyo bigla, ah? "Daya talaga," irap ko sa kanya sabay lagok ng juice.
Nawala rin ang simangot ko nang makita namin ang papalapit na si Glen kasama ang fiancé nito. Napangiti ako dahil tila sinadya nilang parehong navy blue ang kulay ng suot—they looked elegantly dazzling. Stars of the night indeed.
Pero bago pa sila makalapit nang tuluyan, biglang may pumutok! Nagulat kaming lahat sa loob ng hall at agad na napa-alerto ang mga guard. Akala ko kung ano na, 'yun pala ay pag-ulan lang ng makukulay na confetti na pinasabog ng kolokoy na si Louie.
Nakabungisngis ang gago at nilapitan si Glen sabay sigaw ng, "SURPRISE, G*GO!" sa mismong mukha nito. Natawa na lang kaming lahat. Baliw talaga.
"Bakla mo, dude," sabi ni Rob na naiiling-iling.
"Inggit lang kayo kasi wala kayong entry!" hirit ni Louie na feeling bida. Hindi na namin siya pinansin at pinagtuunan na lang namin ang celebrant who looked undeniably handsome and powerful on his navy blue tux.
"Happy debut, Glen!" nakabungisngis na bati ko. Natawa naman siya sa akin—bagay lang, 18 years old na kasi ang mokong!
"Thanks for coming, guys. By the way, Eve—these are my friends," pakilala ni Glen sa fiancé niya. Eve flashed a smile, her teeth so perfect and white they could probably blind someone.
Isa-isang nagpakilala ang squad. Akmang bubuka na ang bibig ko nang biglang may sumingit na boses mula sa malayo—isang pamilyar at baritonong boses na laging nagpapatalon sa puso ko. Pero imbes na matuwa, nanikip ang dibdib ko. Shaun was at the far end of the hall, deep in conversation with Kyla, his back turned as if I didn't even exist. Hmf. Targetin kita dyan ng high heels ko, eh!
Tumikhim ako para bawiin ang atensyon nila. I flashed my sweetest, most "pang-beauty queen" smile and offered my hand to Eve.
"I'm Xenica. With an 'X'," I said, trying to sound as elegant as my dress.
Eve took my hand, but she didn't just shake it—she held it. Her eyes locked onto mine, narrowing as if she were trying to solve a complicated math problem written on my face.
"What's your last name?" she asked, her voice dropping an octave.
"Montel," tipid kong sagot. Medyo naguluhan ako; bakit ako lang ang hiningian ng apelyido?
Tumango siya, pero hindi pa rin niya pinuputol ang titig niya. It was starting to get weird. Even Lex and Nisha were exchange glances, sensing the sudden shift in the air. Ano bang problema nito? May tinga ba ako? O baka akala niya ako 'yung ex ni Glen?
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Fiksi RemajaWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
