Nahiya ang kulay red sa mukha ko nang mapagtantong hindi pala panaginip 'yong halikan sa CR sa mansion. Sinampal-sampal ko ang sarili ko habang nakaharap sa salamin dito sa banyo nina Shaun, pero hindi pa rin non naibsan ang pamamanhid ng mukha ko. Napahawak ako sa labi ko at napakagat—buset. Hindi ko makalimutan ang halik!
Maraming beses ko nang pinagpantasyahan ang halik ng hinayupak na 'to, at ngayon, nasampolan na nga ako. Admit it, hindi ako marunong humalik, pero 'yong mga labi niya? Parang teacher! His lips were sweet, fiery, sensual, and so damn addicting. Expert na expert; a total pro. Sht talaga, mapapamura ka na lang sa sobrang galing.
Nanghihinaya—este, natuwa pala ako nang malaman na kahit nalasing ako nang sobra, walang "bataan" na nasuko. He didn't take advantage of me nung nag-pass out ako. Sa sala pala natulog si Shaun, base sa kumot at unan na naabutan ko sa sofa. Sayang... tumabi na lang sana siya. Choz!
Napangiti ako nang makita ang pink na towel na muntik ko nang punitin noon. Buset din 'yong hinayupak na si Rob, pati si Kyla—ang gagaling umacting! Hindi ko pa pala napapasalamatan ang buong tropa. Kung hindi dahil sa pakana nila, baka hanggang ngayon, nganga pa rin ang love life ko.
#SingleLifeIsOver #ShaunicaLangMalakas
Nabalik ako sa wisyo nang may kumatok. "Almost done!" sigaw ko.
Mabilis kong isinuot ang damit na pinahiram ni Kyla at binilisan ang pagbo-blower ng buhok. Pagkalabas ko, sumalubong sa akin ang nakangiting si Kyla na naka-pajama pa. Dinala niya ako sa hapag-kainan kung saan nakahanda na ang English breakfast. Alam kong si Shaun ang nagluto dahil naka-apron pa ang lolo niyo habang naghahanda ng hot chocolate.
Gosh, mas hot pa siya sa hinahanda niya. Hindi ko talaga ma-get kung bakit nagawang mag-cheat ni Angel-santita sa kaniya. This guy is the definition of perfect, and I'm so damn lucky! Napatitig ako sa likuran niya at nagsimula na namang mag-daydream.
Iwinasiwas ni Kyla ang kutsara niya sa harap ng mukha ko kaya natauhan ako. Nakangiti siya nang nakakaloko sabay subo ng hotdog. Nginuso niya si Shaun. "Huwag kang maniwala diyan, nagpapasikat lang 'yan."
Halos lumuwa ang mga mata ni Kyla nang biglang bawiin ni Shaun ang plato niya. "Joke lang! Pikon masyado, oh!" Mabilis niyang hinila pabalik ang plato at sumibad sa mesa.
"Congrats nga pala, sis. Dalawa na tayong mabu-bwisit, hindi na ako nag-iisa," sabi ni Kyla habang tumatawa. "Alam mo bang napaka-overprotective at strikto niyan—"
Muntik na namang mahablot ni Shaun ang pagkain niya, pero buti na lang at alerto siya. "Bleh! I saw that coming!" asar ni Kyla bago bumaling sa kapatid.
"Just eat," nagtitimping sabi ni Shaun. Halatang pikon pero ang cute tingnan, kaya hindi ko na napigilang mapangisi.
Nang makitang tumungo si Shaun sa kwarto niya, agad na lumapit sa akin si Kyla, halatang ready'ng-ready nang makichismis.
"Ano'ng tawagan niyo?" excited na tanong nito.
"H-hinayupak? 'Yun naman kasi talaga ang tawag ko sa kaniya," sagot ko habang mahinang tumatawa.
"Hahaha! Savage! Pero seryoso ka?" 'di makapaniwalang tanong niya.
Tumango ako nang nakangisi. "Eh siya? Ano naman ang tawag niya sa'yo?" tanong niya ulit. Isinabit ko ang mangilan-ngilang hibla ng buhok sa tenga ko at napakagat-labi pa dahil sa kilig. "Fruitcake. 'Di ba, ang sweet?" pabebeng sagot ko.
"Pfft!" Nagpipigil si Kyla ng tawa hanggang sa hindi na talaga niya nakayanan. Humalakhak siya nang malakas na ikinapagtaka ko. "Hahahaha! Ang cute niyo! Savage couple talaga!"
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Dla nastolatkówWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
