93: MEET THE BABIES

557 26 0
                                        

Sobrang sarap sa pakiramdam na malamang walang problema ang parents ni Shaun sa relasyon namin. They enthusiastically approved, basta 'wag lang daw muna namin silang gawing lolo at lola. Hindi masukat ang tuwa ko sa mga nangyayaring umaayon sa amin.

Pero parang illusion na biglang naglaho ang tuwang iyon. Hindi ko inasahan ang pagtawag niya na nagpabalik sa akin sa reyalidad. Nakakalungkot talaga na may mga taong ayaw kang sumaya. Masakit isipin na ang taong iyon ay ang sarili mong ama.

Hate... he clearly hates me at hindi ko nararamdamang magbabago pa 'yon. Because of that, I'm hating him too, but hating him makes me hate myself even more. Gets niyo? Hate... hate... 'yong English ng mainit.

Pero seryoso, how do you unfather someone? May "Unsubscribe" button ba para sa mga tatay na imbes na maging sandigan ay nagiging mitsa pa ng takot mo?

Napabuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang tubig na bumubulwak mula sa fountain dito sa garden. Itinapat ko ang kamay ko doon, pumikit, at dinamdam ang haplos ng tubig. I want to be taken by these waters, not to drown, but to cleanse... cleanse the hatred. Gusto kong hugasan 'yung boses niya na kumapit sa pandinig ko kanina.

"Did you know, water solves problems?" sabi ko kay Shaun na nasa tabi ko.

"How?" tanong niya na nakilaro na rin sa tubig. Nakatingin siya sa akin, iyong tinging alam mong binabasa niya ang bawat bitak sa puso ko.

"If you want to lose weight, drink water." Huminto ako saglit. "Want a clear face? Drink water."

Sabay pisik ko ng tubig sa kanya. Masamang tingin ang pinukol niya sa akin na ikinatawa ko nang mahina. Pero panandalian lang 'yon. Tumingin ulit ako sa tubig at seryosong napatitig doon. Huminga ako nang malalim at nagsalita ulit...

"Tired of a person? ...drown them."

Pumikit ako at pinakiramdaman ang malamig na tubig. Kasing lamig ng puso ni Papa.

PUTRAGIS. Napapadrama tuloy ako. Sa gitna ng ganda ng France, 'yong anino pa rin ng Pilipinas ang humahabol sa akin.

Dumilat akong magkaabot ang kilay habang pinapakiramdaman ang bawat patak ng tubig sa fountain. Pero hindi ang lamig ng tubig ang nararamdaman ko kundi ang init ng galit na bumabalot sa puso ko tuwing naaalala ko ang tawag na 'yon kanina.

Flashback...

Inilapit ko sa tenga ko ang cellphone ni Lex. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang boses ni Papa. Itinago ko ang panginginig ng kamay ko at binigyan ng reassuring smile sina Shaun at Lex, kahit ang totoo ay gusto ko nang mag-collapse sa kaba.

"Excuse muna saglit guys, ha," paalam ko bago mabilis na lumabas sa library. Huminga ako nang malalim, pilit na pinapatatag ang loob ko. "Pa—"

"You always give me a headache!" putol niya agad sa akin. "You're really disrespectful." Kalmado ang boses niya pero sadyang nanunuot sa buto ang bawat salita. Iyong tipong kahit hindi siya sumisigaw, nararamdaman mo 'yong bigat ng pagkadisgusto niya sa 'yo.

"It's funny that people who treat you like crap get offended when you do the same to them," mahinang sabi ko. Alam kong nainsulto siya.

"'Yan ang nakukuha mo kakabarkada! Imbes na turuan kang gumalang sa magulang mo, ginagatungan pa 'yang katigasan ng ulo mo. Your friends are a bad influence to you!"

Napayukom ang kamao ko. Sila na lang ang meron ako, tapos idadamay niya pa? "Before you start pointing fingers at my friends, make sure your hands are clean," malamig na sabi ko. "You and that shitty attitude of yours."

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon