120: The Mastermind Gambit

427 20 0
                                        

KAHIT nangangati ang bawat himaymay ng kalamnan ni Xen na kumaripas ng takbo at takasan ang mga "Men in Black" na nakabuntot sa kanya, mas pinili niyang manahimik. Bawat hakbang ng kanyang 5-inch heels sa marangyang carpet ay tila mabigat na semento.

Go with the flow... pero sana naman nasa tamang agos pa ako. Jusmio, ayoko mabenta, animas! ngawa niya sa kanyang isip, habang pilit na pinapanatili ang isang blangkong ekspresyon.

Sa kalagitnaan ng mahabang hallway, unt-unting nanunuot ang lamig sa balat ni Xen. Bukod sa napaka-showy ng kanyang backless dress, ang aircon ng hotel ay tila gustong gawing frozen meat ang lahat ng naroon.

She hugged herself, rubbing her arms to keep her warm. Kasabay nito ang pasimpleng paghatak sa laylayan ng kanyang dress. Sa bawat hakbang kasi niya, tila mas lalong umiiksi ang tela, na parang nakikipag-unahan sa kaba niya. Putragis na dress 'to, konti na lang magiging panyo na lang!

Matapos ang tila walang katapusang paglalakad, huminto sila sa tapat ng isang dambuhalang itim na pinto sa dulong bahagi ng hotel. Seriously, anong meron sa itim ngayon? Dark mode ba ang theme ng buhay ko?

"Boss, andito na kami," ulat ng isa sa mga tauhan sa radyo.

"Get inside and make sure to keep an eye on her. Huwag niyong maliliitin ang maliit na 'yan. I'm on my way," sagot ng boses ni Matteo na puno ng awtoridad.

"Okay, boss."

Pagkababa ng tawag, bumukas ang pinto. Bahagyang napaawang ang bibig ni Xen. Ang tumambad sa kanya ay hindi lang basta kwarto—ito ay isang palasyo ng kasalanan. Mapapakanta ka talaga ng Chandelier dahil sa dambuhalang palamuting puno ng dyamante na nakasabit sa kisame, kumikinang sa ilalim ng madilim na ilaw.

Isa itong VIP Lounge. Walang kama, puro magagarang velvet sofa, mga kristal na baso, at palamuting pang-milyonaryo. Ngunit sa kabila ng ganda ng paligid, nadatnan nila roon ang lima pang "Men in Black" na tila mga estatwang nakabantay sa bawat sulok.

Malamig sa kwarto, pero namamawis ng malamig si Xen.

Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa gitna ng malawak na karagatan; walang isla, walang rescue boat, at may anino ng isang dambuhalang pating na unt-unting lumalapit para lamunin siya nang buo.

"Pinisti na—hindi kaya na-traffic si Shaun kaya wala pa siya? Na-flat-an kaya siya ng gulong? Naduwag na ba siya o baka naman tuluyan na talagang nagbago ang isip niya?"

Ang utak ni Xen ay parang sirang plaka na hindi tumitigil sa pag-ikot. Sa gitna ng luhong nakapalibot sa kanya, ang tanging nararamdaman niya ay ang banta ng pagbebenta sa kanyang pagkatao. Gusto na niyang tumayo at sipain ang mga mala-Men in Black na bantay niya, pero paano kung pati ang pagpapakitang-gilas niya ay makasira sa plano?

TRUST ME. TRUST ME. TRUST ME.

Ang boses ni Shaun ay tila isang anghel na bumubulong sa gitna ng ingay ng kanyang pag-aalinlangan. Huminga si Xen nang malalim, nilalasap ang bawat hibla ng positibong enerhiya na natitira sa kanya. Ikinuyom niya ang kanyang mga palad hanggang sa bumaon ang kanyang mga kuko sa balat.

"I will leave it up to you, Shaun," mahinang bulong niya, kasabay ng pagbuga ng hangin na tila inilalabas ang lahat ng dumi at duda sa kanyang sistema. Kinalma niya ang kanyang sarili. Maghihintay ako. Kahit na sa dulo ng talim.

Hindi nagtagal, ang dambuhalang itim na pinto ay muling bumukas. Iniluwa nito ang taong pinakakinasusuklaman niya sa mundong ito. Gusto ni Xen na kumuha ng dyamante mula sa chandelier at ibato sa mukha nito para mabasag ang nakakairita nitong maskara.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon