123: Destiny's Blueprint

532 22 10
                                        

Kating-kati na akong matapos ang program dahil gusto ko na masolo ang hinayupak at tanungin tungkol sa nakakagimbal kong discovery. Hindi ko na nagawang mag-text o tumawag man lang sa kanya dahil magsisimula na raw kasi. Naman oh!

It's just freaking crazy! Sino ba ang mag-aakalang nagkita na pala kami noon? Really mind-blowing and amazing! Imagine? Sa laki ng mundo, sa dinami-rami ng tao at sa tinagal-tagal ng panahong dumaan, nagkita ulit kami... matagal ko na palang na-meet ang future boyfriend ko.

Napangiti ako at kinilig sa naisip. Yiiieeee. Harot!

My thoughts were interrupted kapag tinawag ng emcee ang pangalan ko. Kinakabahang lumakad ako sa gitna ng venue habang ang mga spotlight ay tila sumasayaw sa tela ng aking gown. Nagsimulang umalingawngaw ang saxophone version ng Dance with my Father. Napakasarap niyon sa tenga at unti-unting nanunubig ang mga mata ko sa sobrang emosyon.

"Like a pretty flower that attracts bees and butterflies, Xenica will be surrounded by 18 equally handsome gentlemen who will represent the debutante's 18 yellow roses. Starting off with the person kung saan nagmana ang ating beautiful debutante, her daddy, Oliver Alberto."

Pagkatawag sa pangalan ni Dad, humakbang ito palapit sa akin. Ang kanyang tindig ay puno ng dangal, ngunit ang kanyang mga mata ay puno ng lambot. Hindi pa rin ako makapaniwalang ang gwapong lalaking ito na naglalakad patungo sa akin ay ang aking biological father.

Sinalubong ko siya ng yakap sa bewang, isang tagpong nagpa-"aww" sa buong crowd. Hinalikan niya ako sa ulo bago kami nagsimulang umikot sa gitna ng ballroom. Kahit matagal kaming nagkahiwalay, ang koneksyon namin bilang mag-ama ay tila hindi nabura ng panahon.

Tumingala ako nang kaunti para tingnan ang mukha niya at napangiti. "Dad..."

"Um?"

"Do you know where I got my good looks from?"

Pinaliit niya ang kanyang mga mata, tila sinusuri ang bawat anggulo ng mukha ko. Ngumiti siya nang makahulugan bago sumagot. "Of course, sa mommy mo—"

"Slight lang kay Mom pero mostly, sa'yo po." Natawa siya nang mahina, bakas ang pag-aalinlangan sa kanyang mukha. "Mukhang may gusto kang ipabili."

Mabilis akong umiling at muling sumandal sa kanyang dibdib. Bago matapos ang kanta, niyakap ko siya nang mahigpit at naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang labi sa aking noo.

"Happy birthday, princess. No matter how old you grow, you will always be our little daughter."

"Thank you, Dad."

Itinaas niya ang kamay ko, then marahan niya akong inikot at ipinasa patungo sa pangalawang rosas—walang iba kundi ang prinsipe ng Souvah. Prince Lukha Saphir Walküre. As in, W-A-L-K-Ü-R-E, but it's pronounced as VALKERIE.

Ipinatong ko sa balikat niya ang isang kamay ko at ang kabila nama'y nasa kamay niya. Marahan niya akong hinapit sa bewang and we slowly danced. Sino ba pumili ng kanta? Mala-Belle ang outfit ko tapos kasayaw ko totoong prinsipe, then 'yong kanta pang pinapatugtog, Beauty and the Beast. Disney princess ka gurl—charot!

"I met you once but you're not this small." napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Agad rin akong nag-iwas tingin sabay sagot.

"I want to be cute so I shrunk myself." may tonong pagtataray na sabi ko. Tumawa lang siya. Siguro, si Luna ang na-meet niya at hindi ako.

Bumitiw na siya sa akin. Hawak-hawak pa rin ang kanang kamay ko, yumuko siya at hinalikan ang likod nito nang marahan.

"Nice to meet you, Xenica and happy birthday." Nagulat ako ro'n. Binawi ko agad dahil jusmio, pakiramdam ko, may nananaksak na gamit ang tingin mula sa dako ni Shaun.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon