119: The Hidden Clue

451 22 1
                                        

UMATRAS ako nang kaunti mula sa kotse at sinipat ito. Baka kasi namali lang ako ng tingin. Tinungo ko ang harap at tiningnan ang plate number na nagpapatunay na ang asul na kotseng 'to ay kay Nisha talaga. Bumalik ako sa pinto at sinilip si Shaun na naka-black cap at naka-dark brown aviator glasses. Ngayon ko rin napansin na all black ata ang get up ng boyfriend ko.

Tinanggal niya ang sunglasses niya at lumingon sa akin. Natulala akong nakaawang ang bibig habang nakatitig sa kanya. Damn, he's just the best definition of handsome. Ang hot lang talaga—shuta!

"Hey." nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses niya. I shook my head at ngumiti. "Ba't pakiramdam ko, may pa-surprise ka sa araw na 'to?" pinanliitan ko siya ng mata as I said that.

Umangat ang isang gilid ng labi niya bilang tugon at tumingin na ulit sa harap. Isinuot niya ulit ang sunglasses at sinabing, "Get in the car and you'll know what awaits you."

Na-excite naman ako do'n! Pero bigla kong naalala ang orihinal na plano namin para sa araw na ito.

Tinuro ko ang bintana ng apartment ko nang maisip ang mga gamit ko, "Ehh, pero 'di pa ako tapos sa pagbabalot. Maglilipat pa ako ng gamit."

"Just take care of it later." monotone na sagot nito. Napawi ang mga ngiti ko dahil sa naramdamang lamig sa tono ng pananalita niya.

I mean—ganyan naman talaga siya magsalita kaso pakiramdam ko, may kakaiba talaga. Kung sa pagkain pa, matabang. May dumaang kaba sa dibdib ko. Dahil ba ito sa nangyari kagabi? O may kinalaman ito sa text ni Miguel na hindi ko pa nasasabi sa kanya nang buo?

"Okay?" nagtatakang sagot ko. Pumasok ako sa kotse at binuksan ang bintana. Dumungaw ako ro'n at tinawag si ate Daisy para magbilin.

"Ate Daisy! Alis muna kami ha! Balik din ako mamaya para sa mga gamit! We have to go somewhere.Ikaw na po muna bahala dyan.Thank you!" sigaw ko. Kumaway lang si Ate Daisy pero nakita kong nakatingin din siya kay Shaun na tila nagtataka rin sa "vibe" ng boyfriend ko ngayon.

Umusog ako nang kaunti sa kanya at inihilig ang ulo ko sa balikat niya. Feeling ko, kailangan ng slow-mo effect at background music ni Careless Whisper. Hindi siya nag-react, parang rebulto na ewan. Pero yung amoy niya? Lord, help me. Yung "faint masculine scent" niya na naging paborito ko—so hoxy!

Idinikit ko ang ilong ko sa braso niya at inamoy 'yon. Bango! Yummy~

Nanggigigil talaga ako! Para akong bata na nakakita ng paboritong candy. Lumayo ako nang kaunti at binuka ang bibig ko bahagya, ready to take a piece of him. Hinay-hinay kong idinikit ang mga ngipin ko sa mala-yumburger niyang braso. Feel na feel ko ang texture ng balat niya bago ko siya madiin na binigyan ng "love bite."

Napaigting siya sa ginawa ko at gulat na napalingon. First time ko nangagat, and I must say, premium quality ang boyfriend ko. Ngumisi ako sa kanya, yung parang pusa na nakahuli ng daga, sabay sabing, "Rawr."

"What the—" bulalas niya, halatang hindi handa sa "wild side" ko.

Pasimpleng bumitiw ako at nakangising sumandal sa upuan. "Sarap mo talaga." biro ko. Akala mo ah, payback time 'to para sa lahat ng pang-aasar mo kagabi! Isang-isa na lang, Shaun.

Sinutsutan ko siya kaya napalingon siya sa akin. This is it. Performance of a lifetime. Dinilaan ko agad ang labi ko in a very nang-aakit way—yung tipong pang-commercial ng lipstick pero may halong pagnanasa. Pero ang hinayupak, mabilis na ibinalik ang tingin sa daan. Aba, matibay!

"I didn't know that I was starving 'til I tasted you." I said sexily, or at least how I imagined a kontrabida would say it. I extended my arms and reached his cheeks. Hinay-hinay kong pinadulas roon ang hintuturo ko, ramdam na ramdam ko ang gaspang ng balat niya, bago ko dinala ang daliri ko sa sarili kong labi at matunog na hinalikan. "Finger-licking kicking good~"

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon