Nervous might not even begin to explain what I'm feeling nang sabihin ni Shaun sa akin na his FAMILY... yes, let's spell it para dama... F-A-M-I-L-Y. Iyong mga nasa picture frame na parang galing sa royal bloodline—yung mga tipong hindi pinagpapawisan at ginto ang iniinom—ay makikita ko na sa personal in a few hours!
Parang nasa isang video game ako at ito na ang level kung saan kakaharapin ko na ang FINAL BOSS. Exciting? Yes. Draining? Super. Nerve-wracking? Makakapagsign-of-the-cross ka na lang talaga! Aware naman ako na darating ang oras na ito since I got myself involved with a Shaun Richelieu... pero bakit naman parang "Fast Forward" ang buhay ko at bukas agad?!
"Isn't it too soon?" tanong ko kay Shaun, habang nanginginig pa ang boses ko na parang tinatagusan ng winter wind ng Paris.
Sumagot si Mr. Universe na may halong seryosong tingin: "If you're serious about the person, there's no such thing as too early."
Lord, kunin niyo na po ako! Gusto kong mag-twerk sa kilig dahil sa banat niyang 'yan, pero yung worries na dala ng incoming meet-up? Nakaka-comatose! Para akong hihimatayin na ewan na ewan.
Kakalabas lang namin sa PastAmore restaurant matapos ang two-hour meal. Napatingin ako sa trench coat ni Shaun—at doon, kitang-kita pa rin ang bakas ng sauce ng pasta na naibuga ko kanina. Literal na selyo ng kahihiyan. Hindi ako makatingin nang diretso sa mukha niya sa sobrang hiya. Dagdag mo pang nasaksihan niyang may lumabas na isang pirasong pasta sa ilong ko! Buset na 'yan! Sa lahat ng pwedeng mag-exit sa katawan ko, bakit macaroni pa sa butas ng ilong?!
Bilib din ako sa pasensya ng lalakeng ito. Buti na lang talaga hindi pa ako binibigyan ng termination letter bilang girlfriend o bino-block sa buhay niya sa lahat ng kadiring nasaksihan niya sa akin mula kagabi hanggang ngayon.
Nawala ako sa wisyo dala nang paglamon sa akin ng monster kaba. Hindi ko man lang namalayan na umalis pala ang mga hinayupak at iniwan kaming mga babae rito sa apartment. Naaalala ko lang na nag-usap sila kanina na lalabas sila para bumili ng ingredients para sa lulutuin nilang French cuisine para sa dinner namin—dahil feeling chef ang mga lolo niyo ngayon.
Sa isang masibang katulad ko, dapat nae-excite na ang mga bulate ko ngayon sa ideya ng escargot o ratatouille, pero dahil nga sa balitang magkikita kami ng mga Richelieu, wala akong nararamdaman kundi kaba... kaba... kaba—
"HOY!"
Nahiwalay saglit sa katawan ko ang aking precious soul nang sigawan ako ni Lex sa tenga!
"Naninigaw naman!" alma ko habang nakahawak sa dibdib. Nakasimangot kong dinukot ng hinliliit ang tengang sinigawan niya. Pakiramdam ko nabutas ang eardrums ko, buset!
"Baliw, para kaming may kasamang zombie rito," sabat ni Nisha na umupo sa tabi ko sa sofa. My lips curled downward at bakas na bakas sa mukha ko ang pag-aalala, which immediately gave them an idea that I'm freakin' worried!
"Let me guess... meet the parents jitters?" ngumingising sabi ni Eve.
Tumango ako nang mabilis. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko kahit nakaupo ako. Tumabi sa akin si Eve at inakbayan ako sabay tapik sa balikat. "Believe me, I know the feeling," pakikisimpatya niya, na kahit paano ay nagpagaan ng loob ko. At least, alam kong hindi lang ako ang nakaramdam ng ganitong klaseng kaba sa tropang 'to.
"Let me give you some advice, baliw."
Tinaasan ko ng kilay si Lex. Super confident ng tono niya, akala mo naman ay veteran na sa ganitong eksena. "Charot, ano ba alam mo? Na-meet mo na rin ba ang parents ni Rob?" nanlulumong tanong ko.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
