26: Wakwak, Wings, and a Vampire Crush

2.4K 138 11
                                        

MULA no'ng unang araw ng Armani's Foundation, hindi nauubusan ng customer ang horror booth namin. Mas lalo pang lumala ngayong ika-apat na araw. Kulang na lang talaga, ipa-billboard ni President ang mga mukha ng mga hinayupak sa EDSA.

May malalaking tarp na sila sa labas ng campus, sandamakmak na flyers na ipinamahagi sa ibang schools, at viral na rin sila sa social media. Marketing strategy at its finest! Tiba-tiba ang booth namin dahil sa kanila. Paano ba naman, may nakahain kasing mga "ulam" sa loob.

Totoo 'yon. Lalo na 'yong main dish na nagngangalang Shaun. Nasaan na ba 'yon? Papakagat pa sana ako sa bampirang 'yon, eh. Hehe!

Bilib din ako sa multitasking ng mga hinayupak. Imagine, mga star players sila sa basketball tapos nagagawa pa nilang mag-participate sa booth namin? Hanggang ngayon, misteryo pa rin sa akin kung paano sila napapayag na gawing pain sa booth gayong halata namang may pagkamaarte ang mga 'yon. Hindi sila mukhang tao na papayag na lagyan ng kolorete sa mukha para lang manggulat!

Magkano kaya ang binayad ni President sa kanila? O baka naman may nakatutok na baril sa likod nila habang nagpapa-make up? Nakakapagtaka talaga.

Maiba tayo. Pagod na ako kakapagaspas ng pakpak ko, at mas lalong pagod na ako sa kaka-IK IK IK IK! Mas gusto ko sana 'yong tunog na WAK WAK WAK kasi hindi masyadong stress sa lungs, pero no'ng ginawa ko 'yon kanina, pinagtawanan lang ako ng mga dumaan. Sabi nila, para daw akong itik na naligaw sa abandonadong building!

Kaya 'yon, naging wakwak talaga ako ng tuluyan, at kinain ang mga nagsabing tunog itik ako. Buset.  Todo effort pa naman akong takutin sila.

Buset din 'yong nagturo ng tunog na 'yon sa akin. Walang iba kundi 'yong bangkay sa kabaong na si Louie. Magiging tunay na bangkay talaga siya sa akin mamaya kapag nakita ko siya. Pagbubuhulin ko 'yung bituka ko sa leeg niya!

My thoughts were interrupted when I heard some screams from the next door. Mukhang hindi pa ako makakapagpahinga dahil marami na namang nagsipasok. Panigurado, ilang sandali na lang ay dadaan na sila sa pwesto ko.

Inayos ko ang wig ko at inihanda ang aking pinaka-scary na pose.

"Handa na ang itik niyo," bulong ko sa sarili. Wakwakan na!

At hindi nga ako nagkamali. Dalawang babae ang papalapit sa pwesto ko na naka St. Martin's Academy uniform pa. Sa pagkakaalam ko, 30 kilometers ang layo ng school na 'yon sa Armani. Hanep. Huwag mong sabihing dumayo talaga sila para lang makita ang mga hinayupak?

Tch. Hindi malabong 'yon ang rason. Habang papalapit sila sa madilim na sulok kung saan ako "nakabitin," rinig na rinig ko ang tilihan nila na akala mo ay nakakita ng artista.

"Bes! Ang gwapo no'ng bampira!" tili no'ng isa.

"Truth! Sulit ang 30 kilometers, bes! Kahit himatayin ako sa takot, basta siya ang sasalo sa akin, gora lang!" sagot naman ng kasama niya.

Tila nanlaki ang mga tenga ko nang marinig ang salitang bampira. Isa lang ang bampira sa horror booth na 'to, at alam na alam ko kung sino ang tinutukoy nilang "gwapo." Sino pa ba? Edi 'yong bampirang muntik na akong masalo pero tinulak ko dahil sa kaba!

"Balikan natin? Isang round pa!"

"Papicture na tayo! Mukha namang mabait kahit suplado ang aura!"

"Hingin natin ang number! O kaya kahit Instagram lang!"

Swoosh!

Nanggigil na pinagaspas ko ang pakpak ko. Hindi pa man nila nagagawa ang binabalak nilang pag-akyat ng bakod para sa number ng bampira, mabilis ko na silang hinarangan. Not so fast, girls! Walang landian sa teritoryo ko!

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon