113: 30% related

395 19 1
                                        


THIRD PERSON'S POV

Nakangiting sinundan ng tingin ni Emily ang mga papalayong likod ng mga kaibigan ng anak niyang si Eve. She likes them. Naabutan niya kanina ang mga ito na nagbubulungan at nagkukulitan sa ICU habang kinakausap sina Glen at Eve. Naalala niya sa kanila ang kabataan niya—noong ang tanging problema lang ay ang mga pagsusulit at hindi ang buhay at kamatayan.

Natutuwa siya na nakilala na rin niya sa personal ang mga kaibigan na parating ikinukwento ng anak. Masasabi niyang maswerte si Eve sa mga ito. Sila 'yong mga tipong sasamahan ka maganda man o masama ang panahon. Napatunayan 'yon ng isa sa kanila—ang binatang kagigising lang rin sa coma, si Shaun.

Shaun's car was pulled out of the water. Nakuha ng mga kapulisan ang footage ng buong pangyayari mula sa dashcam ng kotse nito. Nakita rin iyon ni Emily. Like a horror film, it gave her anxiety. Paano na lang kung hindi talaga sila tinantanan ng kamatayan? Parang bangungot para sa kaniya ang lahat. Sumisikip ang dibdib niya tuwing naiisip ang paghihirap na naranasan ng mga bata sa gitna ng kalsada at sa ilalim ng malamig na tubig.

Akala nila mistaken identity lang ang nangyari. Dahil namatay na rin ang suspects, ihihinto na sana ang imbestigasyon ngunit dahil sa naretrieve na mensahe sa cellphone ni Eve, they knew there's more to this than meets the eye. Base kasi sa pagsusuri ng kapulisan, hindi galing sa mga sakay ng SUV ang mensaheng 'yon.

Whoever's behind this would do everything—even kill, just to hide the truth... the "truth" that Eve and Glen happen to know. Isang katotohanang muntik nang maging mitsa ng kanilang buhay.

Her series of thoughts were interrupted nang lumabas mula sa ICU ang doktor kasama ang asawa niyang si Nelson.

"Hindi na nagawang kumalat ng infection sa katawan ni Eve. She's stable now at maayos na ang lagay niya. Buti na lang talaga at magka-match sila nung isa sa mga kaibigan niya at nagawa agad namin ang operasyon," pahayag ng doktor.

Ngumiti nang tipid si Emily sa sinabi nito, pero may bahid ng bigat sa kaniyang dibdib.

"I owe those kids a lot," tukoy ni Emily kina Shaun at Xen. Si Shaun na hindi binitawan ang manibela para iligtas sila, at si Xenica na literal na nagbigay ng bahagi ng sarili para mabuhay si Eve.

"When will they wake up?" tanong ni Nelson, ang ama ni Eve.

"Based on her latest results, she's showing lots of improvements. Your daughter is a fighter. Gigising din siya pero hindi ko talaga masasabi kung kailan," sagot ng doktor.



"Thank you, doktora."

"I'll take my leave now," paalam ng doktor.

Napabuntong-hininga si Emily para kahit papaano ay mabawasan ang bigat na dala ng kaniyang nararamdaman.

"So, did you meet her?" tukoy ng asawa niya sa blood donor.

"Hindi pa, but I'll meet her tomorrow."

Humarap sa glass window ng ICU si Emily at tinitigan ang anak. Hinawakan siya ng asawa sa balikat, isang pamilyar na haplos na nagbibigay ng kaunting lakas.

"Sabi ng doctor, parang natutulog na lang sila. Baka bukas o sa makalawa, we will hear their voices again," sabi nito habang minamasahe ang balikat niya. 'Di maiwasang maluha ni Emily sa ideyang iyon.

"Sana nga."

While wiping her tears, natigilan siya nang may narinig na kakaibang tunog mula sa tiyan ng asawa. Binigyan niya ito ng nakakalokong tingin, pansamantalang nakalimutan ang bigat ng sitwasyon.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon