105: The LDR Negotiation

654 34 9
                                        

Puro sad face at "cry-laughing" emojis ang naging reaction nila sa group chat nang i-send ko ang CCTV footage mula sa tapat ng apartment. Grabe, pinagpyestahan talaga namin sila! Sobrang ingay ng GC dahil sa kanchawan, lalo na nung lumabas yung part na parang koala si Louie na nakayakap sa puno habang binabantayan ng "mafia" dog. "Jusmio, Louie! Pwede ka nang pang-National Geographic!" tawang-tawa kong sabi habang nagta-type.

Pero syempre, hindi ko kinalimutang i-replay nang paulit-ulit yung parteng kumanta si Shaun. Napakagat-labi ako; yung pisngi ko, feeling ko namamanhid na naman sa sobrang ngiti. Kagabi ko pa 'to nararamdaman—yung bilis ng tibok ng puso ko na parang laging kakatapos lang tumakbo sa marathon.

Ngunit ang mga ngiti ko ay unti-unting napawi nang hampasin ako ng reyalidad. Two days. Dalawang araw na lang bago ang flight ko.

Alas-dos na nang matapos ako sa pag-renew ng passport. Habang naglalakad, lutang ako. Paano ko ba sasabihin kay Shaun na aalis na ako? Papayag kaya siya ng LDR? Hay, nakakabahala. Paano kung hiwalayan niya ako kasi hindi niya bet ang ganoong set-up? "Aish! Bwisit na buhay 'to!"

Sa sobrang inis ko, sinipa ko ang isang maliit na bato sa daan. Pero nagulat ako nang may biglang sumigaw.

"ARAY! Putang'ina!"

Napa-angat ang tingin ko. Si Kuya crew pala ng 7/11 yung natamaan ko! Nagka-mini heart attack ako sa lakas ng mura niya. Mabilis akong yumuko at nagtago sa likod ng malaking trashbin nang magpalinga-linga siya. Galit na galit si Kuya, feeling ko gustong manakit!

"Sorry, Kuya! Hindi ko sinasadya!" bulong ko sa sarili ko habang nakakuyom ang mga palad.

Bigla ko namang naalala yung mamang natamaan ko rin ng bato noon. Buset, 'di ba ninakaw pa yung cellphone namin ni Shaun? Parang kailan lang talaga. Pero imbes na mainis, napangisi ako. Blessing in disguise rin pala yung holdap na 'yun dahil doon ako lalong napalapit sa hari ng mga hinayupak. "KYAAAH! Lord, thank you sa bato noon!"

Hindi naman ako ganoon kasama para hindi man lang kamustahin si Kuya. Pumasok ako sa 7/11, kunwari bibili pero ang totoo, sisilipin ko lang kung naging "lucky charm" ba yung sipa ko sa kaniya.

Naabutan ko si Kuya na tinitingnan ng isang kasamahang babae yung tama niya sa binti. Bakas sa mukha nung babae na super concerned siya. Sinisilip ko sila mula sa likod ng stante ng mga chichirya. "O-M-G! Bagay sila!" kinilig ako bigla. Tinantanan ko na sila bago pa ako makatili; hopeless romantic talaga ako kahit kailan. Nakahinga ako nang maluwag nang masigurong okay lang si Kuya. Sipa bato pa more, Xenica!

Nasa loob na rin lang ako, kumuha na ako ng mga kutkutin. Habang naghahanap ng paborito kong chips, nag-vibrate ang phone ko. Chat mula sa hari ng mga hinayupak.

Shaun: "Wamport girlfriend, I'm at the studio with the boys. Just letting you know where I am so you won't worry (and so you won't kick me out of your life again). Text me if you need anything, okay?"

Hindi ako nag-reply. Ibinulsa ko lang ang phone ko habang nakangiti.


Napaisip ako habang nakatitig sa mga chichirya. Tigilan ko na siguro ang pagpapakipot. We only have a few days left at gusto kong i-enjoy 'yon kasama siya. Jusmio, wala talaga akong lakas ng loob na sabihin kay Shaun na aalis ako. "Lord, pahingi naman ng pampalakas ng loob! Kahit sachet lang, please?" Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis na nag-type. Bago pa magbago ang isip ko, isend ko na agad. Tama. Tama 'tong ginawa mo, Xen. Move on na tayo sa asaran, lalandi na tayo nang onti.

📲 Me: On my way to your condo.

Hindi pa yata nagbibilang ng sampu, nag-reply na agad ang uod.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon