NATALO ako sa tug-of-war namin. Matagumpay akong nahila ng h1nayupak kong seatmate papalapit sa kinatatayuan ng ex-girlfriend niya. At dahil doon, front seat kaming nakasaksi sa "live show" ng dalawa.
Hindi man lang nila kami napansin kasi busy sila sa paglalandian. At seryoso, hindi ako bitter, ha? Pero to be honest, ako ang nahihiya sa harutang ginagawa nila. Ka-u-may!
Kung masaya silang dalawa, itong katabi ko naman, parang bulkang sasabog na. Palihim akong napabuntong-hininga. Nakaramdam ako ng kaunting awa sa kanya. Akala ko ba, pangit lang ang iniiwan? Kung tutuusin, milya-milya ang lamang ng kagwapuhan ni Shaun kaysa sa bago ni girl. Siguro, pasado sa langit ang ugali no'ng bago kaya pinili niya? Kasi itong katabi ko, parang laging may dalang sariling bagyo.
"Move on ka na lang... move on to me," mahinang bulong ko.
Gaga. Ako lang din ang natawa sa pinagsasabi ko. Pero napahinto ako nang may ilabas 'yong lalaki na maliit na box. May logo ng mamahaling jewelry brand. My jaw literally dropped nang makita ang laman. Isang mamahaling gold necklace!
Nasurpresa ang ex, napakagat-labi siya sa tuwa habang nakatitig sa box. "Oh my gosh... this is even better than what Shaun gave me!" she exclaimed. Halatang tuwang-tuwa ang ate mo. "Is this... the Heart of Aurora?"
"Yes. Para sa pinakamagandang babae na nakilala ko."
"You're spoiling me too much. I love this!" mahina niyang hinampas ang nobyo sa balikat.
Sana ol. Lord, baka naman? Kahit silver lang, tatanggapin ko.
Palihim kong tiningala si Shaun. Kung ako sa kanya, nag-mala-K-drama walkout na ako. Grabeng pasa sa puso nito.
"Ipaparanas ko sa'yo ang mga bagay na hindi naibigay ni Shaun sa'yo," sabi nung lalaki.
Napasinghap ako. Mukhang bigatin at "stable" ang bago ni girl. Ano nga namang mapapala niya sa isang Senior High student na kagaya ni Shaun? Bagwapo lang, pero wala pang pambili ng Heart of Aurora.
"Let's just not bring him up anymore," Angel said with a wide smile, excited na isuot ang kwintas. "Ang importante, I'm all yours now."
The guy chuckled, shaking his head. "Just... don't make me jealous of other guys anymore."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Bumulong ako kay Shaun, "OMG. So ginagamit ka lang niya para pagselosin 'yong guy?"
Tinakpan ko agad ang bibig ko nang samaan niya ako ng tingin. Oops. Too soon?
"I couldn't help but notice... mukhang pinili niya 'yong mas mature kaysa sa isang senior high student—fine! I'm gonna susssh!" Tinakpan ko na ang bibig ko ng dalawang kamay. Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang tinitirik na ang kandila ko rito.
"Hindi pa rin ako makapaniwala na napaniwala mo siya," sabi nung lalaki habang isinusuot ang kwintas sa leeg ni Angel.
"Shaun's so gullible... I mean, I kinda felt bad for him, pero gano'n talaga. I needed this for myself. My heart? It's yours, not his," malumanay pero may halong mataray na kilig na sabi ng babae.
Imbes na kiligin, parang gusto kong masuka. Kaumay talaga! Niyakap pa ni Angel ang braso ng nobyo niya. "Honestly... gusto ko pang pasalamatan 'yong girl na tumawag that day. Dahil sa kanya, mas naging madali ang plano ko."
Napakagat-labi ako. Doon ko lang napagtagpi-tagpi ang lahat. She planned it all along.
Naging instrumento lang ako para mapadali ang pakikipaghiwalay niya kay Shaun. Plano pala niyang makipag-break, pero para lumabas na siya ang agrabyado, pinalabas niyang nag-cheat si Shaun. Ginamit niya ako! Sakto pa na inangkin ko si Shaun no'ng araw na nam-prank ako, kaya naging perfect ang scheme niya. At 'yong mensahe? Siya pala ang may gawa!
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Genç KurguWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
