Lahat ata ng mata sa café, nasa kanila na—mapa-lalaki, babae, o kahit yung mga display na pastries, parang nakatitig din. Kung ang lahat ay hiningal sa visuals nila, ako naman ay hiningal sa kaba. Agad akong yumuko at pasimpleng sumipsip sa Java Chip ko, sinusubukang maging invisible gaya ng chance ko na manalo sa lotto.
"T—Tara na?" pabulong na aya ko sa dalawang baliw na parang mga estatwa na nakatitig sa apat. Kinalabit ko sila nang madiin. "Araw-araw niyo na 'yang nakikita sa school, 'di ba? Hindi ba kayo nagsasawa sa mga mukhang 'yan?"
"Nope," sabay nilang sagot, walang kurap.
I rolled my eyes heavenwards. Sa totoo lang, hindi naman talaga sila nakakasawa. I totally agree with these two. Kung wala lang talaga akong 80k na atraso kay Shaun, baka sinutsutan ko na ang h1nayupak na 'yan at nag-ala catwoman pa ako rito—nyaha!
"Hay, nakaka-proud talaga na classmate natin sila. Parang nag-aaral tayo sa loob ng isang Pinterest board," nakapangalumbabang sabi ni Lex, daydreaming mode: ON.
"Mas nakaka-proud kung magkakatuluyan si Xena at Shaun. Ship ko sila. #XenShaun is real!" dagdag naman ni Nisha, dahilan para mapunta sa maling tubo ang iniinom ko.
"Cough! Cough! Hoy, manahimik ka nga! Bibig nito, walang filter!" sita ko sa kanya habang namumula ang mukha sa ubo at inis.
Humagikhik si Nisha na parang timang. At dahil medyo may kalakasan ang tawa niya, nakuha niya ang atensyon ng mga h1nayupak. Napamura ako sa isip. Shuta. Shuta. Lumingon si Shaun sa direksyon namin. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko nang magtama ang tingin namin—yung tingin niyang nagsasabing, "Found you." Escape plan! Kailangan ko ng escape plan! Lord, kung gagawa po Kayo ng portal ngayon para lamunin ako ng lupa, ready na po ako. Isasama ko na rin 'tong Java Chip ko!
Napapigil-hininga ako nang makitang nakatitig na sila sa amin. "Pusang gala. Buset ka talaga, Nish," bulong ko habang naninigas ang panga.
Patay-malisya akong humigop sa Java Chip ko at tumingin sa kabilang direksyon. Kunwari, sobrang interesting ng pader ng café. Pasimpleng nilinis-linis ko pa ang mga kuko ko na parang may salon appointment ako, pero deep inside, gusto ko na talagang mag-fly away o kaya mag-anyong alikabok. Kitang-kita ko kasi sa peripheral vision ko na papalapit na ang mga hudas sa table namin!
"Oy. Zup, girls? Having a good time?" kumakaway na sabi ni Rob habang papalapit.
"Oo, kanina good time, ngayon bad trip na!" mahinang bulong ko na sapat lang para marinig ng mga kaibigan ko. Hindi ko pa rin sila tinitingnan. Dedma is the key.
Umakbay si Louie kay Rob at bumati rin sa amin nang may kasamang pamatay na ngiti. Palihim akong sumilip para i-check kung kasama ba nila ang Hari ng mga H1nayupak. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nasa counter pa si Shaun kasama si Glen, mukhang busy sa pag-oorder. Safe pa ang oxygen ko.
"Ouch, babes? Hanap mo ba si Shaun?" halatang nang-aasar na tanong ni Louie.
Tinaasan ko siya ng kilay—yung taas na aabot hanggang hairline—at kasabay naman n'on, kinindatan niya ako. Napaka! Sarap dukutin ng mga mata nito, eh. Akala mo naman ay tatalab sa akin ang charms niya habang may 80k na utang na nakasabit sa leeg ko!
Muli kong sinulyapan nang palihim sina Glen at Shaun na abala pa rin sa counter. Hindi ko maiwasang mapangiwi nang makita ang reaksyon ng babaeng barista—wait, bakit ba ako apektado? Pero yung laway talaga ni Ate, jusmio, parang kailangan na ng flood control sa sobrang paghanga sa dalawa.
"Hi, Xen! Kumusta?" bati ni Rob sa akin nang may pakitang-gilas na ngiti.
"Okay naman kanina, pero dahil nandito ka, hindi na," mataray kong sagot sabay irap. Lakas ng loob kong magtaray, parang hindi ako yung muntik nang maging human plow sa school grounds noong nakaraang araw.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Roman pour AdolescentsWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
