Natapos na lang ang klase pero hindi pa rin ako pinapansin ng crush kong snobber. Nakakatuliro. Hindi malaman ang gagawin at—charot. Kanta 'yon. Pero seryoso, ano ba kasing problema niya?!
Anong kasalanan ko? Napagtanto na ba niyang burara ako? Na uncoordinated girl ako? Buset. Nakakawalang gana. Gusto ko na lang sana umuwi nang maaga, mag-senti, at kumanta ng sad songs sa Smule hanggang sa mapaos, kaso may lakad pa pala ako.
Hindi rin mawala-wala sa isip ko 'yung tingin niya kanina nang makita niya akong sumakay sa kotse ni Kei. Hindi siya sumigaw, hindi rin siya nag-eskandalo. Pero 'yung mga mata niya... parang yelong tumatagos sa balat. Sobrang lamig, sobrang lalim. Mas nakakatakot 'yung ganoong Shaun—'yung tahimik pero ramdam mo 'yung bigat ng presensya.
Bahala ka nga sa buhay mo, Shaun! Mag-freeze ka d'yan kung gusto mo!
Libangin ko na lang muna ang sarili ko. Tamang-tama naman na inaya ako ng gala ni Kei na napadayo sa Armani. Magkasama kami ngayon sa loob ng kotse niya, kakain daw kami sa labas bago siya lumuwas pabalik ng siyudad.
Marami siyang ikinikwento sa akin pero dahil masyadong preoccupied ang isip ko sa "Silent Treatment" ni Shaun, wala akong naintindihan ni isa. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang paulit-ulit na bumubuntong-hininga.
Naramdaman kong may nangalabit sa akin kaya bumalik ako sa wisyo.
"Ano ba, Kei? Sabi ko naman sa'yo, okay lang ako—"
Tila tinakasan ako ng kaluluwa ko. Napapidpid ako sa pinto at muntik nang himatayin nang makita ang nilalang na nakaupo sa driver seat.
Hindi ito si Kei.
"AAAAAHH!" Tarantang tinanggal ko ang seatbelt at akmang bababa na sana kaso... click. Nakalock ang pinto.
Napapigil-hininga ako nang mas lumapit pa ang nilalang na 'to sa akin. Ang dilim, ang sikip, at ang baho ng hininga ng maskara niya!
"W—'Wag mo 'kong kainin! Hindi ako masarap! Mapait ako! Tsaka hindi pa ako pinapansin ng crush ko, hindi pa ako pwedeng mamatay!" nakapikit na pagmamakaawa ko habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha ko. Lord, kung kukunin niyo na ako, sana sa sementeryo na lang para tipid sa commute!
Biglang tumahimik ang paligid, na ikinapagtaka ko. Wala bang kagat? Wala bang chomp?
Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at bahagyang ibinuka ang mga daliri para silipin ang "monster."
"BOOOO!"
"AY, TIPAKLONG NA MAY REGLA!"
Sa sobrang gulat at reflex, tila may sariling isip na bumuwenelo ang kamao ko. PAKKK! Isang solidong suntok ang dumapo diretso sa nakakatakot niyang mukha.
"A-AW! HEY! HEY! ARAY KO, XEN! HAHAHA! BIRO LANG OY! ARAY!"
Agad niyang binaklas ang suot na maskara kaya doon ko nakilala kung sino ang lapastangang nasa likod n'un. Pawis na pawis ang gago at sapo-sapo ang ilong, tila takot na masundan pa ng sapatos ang gwapo (daw) niyang mukha.
Parang totoo kasi 'yung maskarang suot niya! Medyo kamukha nung clown sa pelikulang IT, pero mas mukhang dugyot na version.
"Shuta ka, Cy! Insured naman siguro 'yang mukha mo, 'no?" nanggigigil na tanong ko habang inaamba ang kamao ko. "Pwede pa one hit? Para pantay 'yung pasa mo!"
"Heheh, sorry na, sorry na." Malumanay niyang kinuha sa kamay ko ang sapatos na ihahampas ko sana sa kanya. "May shoot pa kami mamaya, Xen. Baka magalusan 'to, mabawasan ang subscribers ko," dagdag pa niya habang tila bine-baby ang sariling mukha.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
