Hindi malaman ni Xena kung madidismaya ba siya o magpapasalamat matapos maudlot ang "baby making kuno" nila kagabi. Nahinto siya sa pagtutupi ng damit at paulit-ulit na sinampal ang sariling mga pisngi dahil hinding-hindi niya makalimutan ang bawat dampi ng labi ni Shaun.
"Buset na Soju 'yon! Makainom nga ulit!" bulong niya, pero agad din siyang napailing.
Sa totoo lang, may kaunting kurot ng panghihinayang sa loob niya dahil hindi natuloy ang paggawa nila kay "Baby Y." Tangenengyen, Baby Y pa nga! Truth be told, her boyfriend completely aroused her. Umabot na siya sa puntong gusto niyang angkinin siya ni Shaun—hindi lang sa labi kundi sa bawat sulok ng kaniyang pagkatao. The mere thought of feeling his skin against hers was enough to drive her crazy!
"What the—anong nangyayari sa akin!" sigaw ng kaniyang isip.
Mabilis siyang nag-sign of the cross, tila sinusubukang palayasin ang mga "makasalanang" imahe sa kaniyang utak. Sa isang minuto ay pinapagalitan niya ang sarili, pero sa susunod na segundo ay mapapatili na naman siya nang mahina habang nakasubsob sa unan. Paano nga kaya kung hindi iyon naudlot? Luh—
Napapaypay siya sa sarili at nag-inhale-exhale para pakalmahin ang nag-iinit niyang sistema. Natigilan lang siya nang muling tumunog ang kaniyang chat notification. Kanina pa nag-iingay ang kaniyang mga kaibigan sa group chat; pinag-uusapan na ang mga kaganapan para sa kaniyang despedida party mamaya. As usual, puro kalokohan at "last shot" na naman ang tema.
Kasabay nito, dumaan sa kaniyang news feed ang balitang pumanaw na ang lola ni Cyprus, o mas kilala bilang si Kei. Kaya naman pala nasa Santiago ito ngayon. Gusto niya sanang i-invite ang kaibigan sa party, pero naisip niyang hindi ito appropriate dahil sa sitwasyon nito. Dagdag mo pang sikat na artista ito; baka magkagulo lang ang lahat kapag dinala niya ito sa publiko.
Nagpadala na lang siya ng maikling mensahe rito tungkol sa kaniyang nalalapit na pag-alis. Nang walang matanggap na reply, itinabi na niya ang kaniyang phone. Huminga siya nang malalim at tumingin sa maletang puno na ng gamit.
Bukas na ang alis niya. Alam ni Xena na darating ang araw na ito, pero hindi niya akalaing magiging ganito kabilis ang takbo ng oras. Pakiramdam niya ay ninakawan siya ng panahon. Marami pa siyang gustong gawin kasama ang kaniyang mga kaibigan, at hindi niya maisip kung paanong papasok sa eskwelahan nang wala ang ingay at gulo na kinagisnan niya kasama sila.
Huminga siya nang malalim at pilit na pinatatag ang sarili. "Ayos lang 'yan, Xen. Bibisitahin ka rin naman ng mga gala mong kaibigan soon. For now, spend time muna tayo with your family. Tama, tama. Aalis lang naman tayo pero hindi 'non mapuputol pagkakakaibigan niyo," pagkumbinsi niya sa kaniyang sarili.
Ngunit nang aksidenteng bumukas ang screen ng kaniyang cellphone at bumungad ang mukha ng kaniyang nobyo sa wallpaper, doon na siya tuluyang bumigay. She lost it. Muli siyang napahagulhol nang malakas.
Ang pag-iwan sa taong mahal mo ang pinakamasakit na pakiramdam sa mundo. Para itong paglangoy sa malalim at nagyeyelong katubigan—sadya mong nilulunod ang sarili mo nang palalim nang palalim, ramdam mo ang hapdi at panlalamig, pero hindi ka naman tuluyang mamatay. Isang buhay na paghihirap.
Masakit, pero kailangan niyang simulan na yakapin ang sakit na iyon. "Mamimiss kita," bulong niya habang dahan-dahang hinahaplos ang mukha ni Shaun mula sa screen.
Pinunasan niya ang likidong tumulo sa kaniyang cellphone at pilit na kumuha ng hangin. Sa gitna ng panlalabo ng paningin dahil sa luha, ipinagpatuloy niya ang pag-iimpake. Bawat damit na itinitupi niya ay tila may kalakip na alaala, at bawat alaala ay nagpapadagdag sa bigat ng kaniyang maleta.
----
Alas-kwatro na ng hapon. Nasa mall si Xena dahil sa isang hindi inaasahang aberya—nasira ang maleta niya. Putragis. Sa dami ng pwedeng mangyari, natanggal pa ang gulong nito! Tila pati ang maleta niya ay nakikiisa sa kaniya at ayaw ring sumama sa ibang bansa. Dahil doon, napilitan siyang bumili ng bago, pero balak na rin niyang maglibot-libot saglit para maghanap ng mga "abubot" na magsisilbing remembrance para sa mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Novela JuvenilWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
