There's no greater embarrassment than getting caught by someone while French kissing. Putragis! Tinakasan ako ng malandi kong kaluluwa nang malamang gising si Glen at nananahimik lang habang nagmumukbang kami ng labi ni Shaun. Bilib na bilib ako na parang wala lang kay Glen ang nakita niya. Parang nanonood lang ng kissing scene sa K-drama ang hinayupak!
NAKAKAHIYA TALAGA!
Nakakahiya na nakakatawa. Definitely made me learn the lesson of kissing the embarrassing way. Sa susunod, dapat siguradong walang ibang tao sa kwarto! O 'di kaya, dapat may padlock ang pinto! Wahah.
Pero kahit ganoon, tumitili pa rin ako internally tuwing naalala ang French kiss na pinaranas sa akin ni Shaun. His soft lips, the sloppy kiss, the gentle bite... So passionate and graceful—making me want more. Hoy, Xenica! Umayos ka!
Hindi naman sinabi ni Glen sa iba ang napanood niya, pero 'pag nagtatama ang mga mata namin, mababasa mo talagang nang-aasar siya. Napapayuko na lang ako sa hiya. Gago, putragis, buset, at hutang'na niya talaga! Hintayin mo lang na mahuli ko kayo ni Eve, Glen. I'll make sure it's a 4K experience! Mwahaha!
Speaking of Eve, narito na kami ngayon sa Charles de Gaulle Airport ng Paris para sunduin siya. Iba talaga ang mga yayamanin na ito. Pinaparamdam nila sa akin na parang pamasahe lang ng jeep ang plane tickets papuntang France. Sinasampal nila ako ng katotohanang "purita" ako sa edad kong ito habang sila, jet-setter goals.
Why are you slapping me like that?! Sabay-sabay tayong mag-SANA ALL.
Matapos ang ilang oras na paghihintay, nahagip na ng mga mata namin ang isang diyosang fresh from California. Nakasuot siya ng casual attire na bumabagay sa fashion ng mga Parisien—iyong tipong pagdaan niya, mapapalingon ka talaga. Hila-hila niya ang maleta niya habang masayang kumakaway sa amin.
"Guys! Over here!" sigaw ni Eve habang papalapit sa amin, ang ganda ng ngiti na parang hindi galing sa long-haul flight.
Sinalubong siya agad ni Glen with a kiss on the lips, more like a peck. So sweet~
"Eve! You're finally here!" sigaw nina Lex at Nisha sabay takbo para yakapin ang kaibigan.
Hindi kami masyadong close ni Eve pero sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Mabait siya, simple, at humble pero ramdam mo ang pagiging classy. She greeted me with a cheek-to-cheek kiss nang makalapit siya sa amin, pati na rin sa mga baliw at hinayupaks na kasama namin—as if it's her signature way of saying hi.
"Bonjour, bienvenue à Paris, Eve," bati ni Shaun sa kanya.
"Thank you! I'm so happy to see you guys after so long!" sagot ni Eve na bakas ang kislap sa mga mata habang nakangiti sa harap namin.
Nagkwentuhan at nagkumustahan kami hanggang sa makalabas kami ng airport. Sakay ng van, agad naming tinungo ang apartment na tutuluyan namin para sa aming 5-day trip. Tumuloy kami sa BEAUJOLAIS APARTMENT. Pagpasok pa lang namin, napanganga na ako. Malaki ang apartment, stylish, at beautifully decorated. Sobrang cozy ng ambiance, may sala na may flat-screen TV, modernong kusina, at dalawang banyo.
"Finally! I can now get a taste of living a Paris lifestyle," excited na sabi ni Eve, at ramdam na ramdam ko siya. Pareho kaming mukhang batang nakawala sa candy shop.
"We can live here when we get married, if you want?" biglang hirit ni Glen. Yieee! Bakit ako ang kinikilig sa kanila?!
"Hmm, nah. Honeymoon maybe?" sagot naman ni Eve.
Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako habang naririnig silang naglalambingan sa labas. Kahit LDR ang dalawang 'to, on fire pa rin ang feelings. Sana all, 'di ba? Tinantanan ko na ang pakikinig sa kanila at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Novela JuvenilWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
