97: THE CEBU EXPERIENCE: BIRDS, BIDS, AND NO PORES

480 25 5
                                        


Humihikab na inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Tila nawala ang antok ko at napangiti nang marinig ang mumunting huni ng mga ibong alaga ni Lola. Tuwang-tuwa silang naglilipad-lipad sa malaking cage nila. Buhay pa rin pala itong mga bubwit na ito!

Bumaba ako para kumustahin ang mga colorful birds na parati kong tinutusok ng walis-tingting noon. Namangha ako nang makitang sobrang dami na nila ngayon.

"Ate, ang dami na nila. Bumili ba ulit si Lola ng lovebirds?" tanong ko sa kasambahay nila Lola na abalang nagdidilig dito sa garden.

"Hindi, Ma'am. Nanganak ra na sila—ay, unsa ba. Kanang kuan... Tagalog man diay ka. Kanang... nanganak sila ng marami, Day," bahagya akong natawa kay Ate. Halatang hirap na hirap mag-Tagalog.

"Mag-Bisaya lang po kayo, Ate. Nakakaintindi naman ako... kunti. Gamay lang," biro ko.

Ngumiti si Ate sa akin sabay kamot sa ulo. "Nahirapan pa ko sa kalisod, kasabot man diay ka!" (Nahirapan pa ako, nakakaintindi ka naman pala!) sabi niya. Nagpatuloy siya sa pagdidilig habang ako nama'y tumingin ulit sa mga makukulit na ibon.

Mukhang lampas na sila sa bente sa dami. Kaya pala napansin ko, lumaki na rin ang cage. Kasya na ang mga anemel dito for sure, natawa ako nang mahina nang ma-imagine ko ang mga hinayupak na nagchi-chill sa loob ng hawla.

Napalingon ako kay Ate na nakatingin pa rin pala sa akin. "Ate? May problema ba?"

Tumigil siya sa pagdidilig at lumapit sa akin. Pinanliitan niya ako ng mata, tila sinisipat pati ang kaluluwa ko. Umatras siya bahagya at nagtakip ng bibig. Nawala ang ngiti ko at biglang kinabahan. Hala, may dumi ba ako sa mukha?

"Ate?"

Napaigting ako nang bigla siyang pumalakpak ng isang beses. Kumikinang ang mga mata niya, 'yung tipong parang bata na nakakita ng candy.

"Ka-gwapa ba nimo, Day, oy! Hamis pa jud kaayo. Wa juy pores!" (Ang ganda mo, Day! Ang kinis pa. Walang pores!)

Tumawa ako nang mahina. Buset, 'yon lang pala! Maliit na bagay—charot! Hahaha!

"Talaga, Ate?" sabay hawak sa pisngi at nag-pa-cute. Iba talaga kapag in-love, nag-go-glow up! Sobrang natuwa ako sa sinabi ni Ate to the point na gusto ko talagang i-share sa world.

Lumapit ako kay Ate habang kinakalikot ang cellphone ko. "Talaga, Ate? Maganda ako?"

Taas-noong sumagot si Ate na nakangiti nang malapad, "Oo, Day! Ganda-ganda mo. Para kang artista!"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon—Send to Group Chat! Ipinadala ko ang recorded voice ni Ate sa GC namin ng mga anemel.

"Ganda ko raw, o! Walang pores! Wahaha!" asar ko sa kanila sa message.

"Thank you, Ate! Dahil sinabihan mo ako ng maganda, bigyan kita ng piso!"

Inabutan ko nga siya ng piso na ikinahilaw ng mukha ni Ate. "Day, i-1k na lang ni bi," (Day, i-1k mo na lang ito) tawad niya. Nawala ang ngiti ko. Jusmio, nabudol pa yata ako sa sarili kong bakuran!

"A-h? Hahaha! Ate, estudyante pa lang po ako, eh. Hayaan mo, 'pag marami na akong pera, bibigyan kita ng 1k! Bye!" Tinakbuhan ko siya agad bago pa tumaas ang inflation rate ng ganda ko.

Tinungo ko ang kabilang bahagi ng garden, doon sa pond na may mga koi fish. Minsan ko na ring binudburan ng alikabok ang mga bubwit na ito noon. Alam niyo na, bata—mahilig mag-explore. Kaya parati akong napapagalitan ni Lola. Hehe.

Nang magsawa sa mga isda, lumabas ako ng gate. Ganoon pa rin ang lugar pagkalipas ng tatlong taon—presko. Kahit nasa lungsod itong bahay ni Lola, aakalain mong nasa probinsya ka dahil tahimik at maraming puno. Gusto ko sanang maglibot pa kaso tinawag na ako para sa agahan.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon