THIRD PERSON POV
"Kuya, maawa naman po kayo. Xenica po pangalan ko, bata pa po ako, 17 years old. Hinihintay ko pa po ang normal body parts ko na dumating. Huhu! Kulang-kulang pa po ako, magpapakasal pa po ako!" pagbabasag ko sa ilang segundong katahimikan.
Muntik na akong mag-split sa sahig para lang maawa sila, pero mukhang walang puso ang mga anemel.
"Makinig ka. Sa tingin mo maniniwala ako sa mga kasinungalingan mo? Hindi na kita hahayaang takbuhan ang 5 million mong utang!" sigaw nung Boss na akala mo ay laging naka-megaphone ang lalamunan.
"Hutang'nang utang 'yan! 80k lang ang pinakamalaki kong utang, kuya! At kinuha ko lang 'yon para sa iPhone na ninakaw din agad! Hindi... hindi nga ako si Luna! I'm telling the truth, nothing but the truth, so help me God—ARAY!"
Bigla niyang hinawakan ang buhok ko sa likod at hinatak nang pagkalakas-lakas. Ang sakit, anemel! Feeling ko nakalbo ako ng five percent sa hatak niya.
"Talagang niloloko mo pa ako, Luna. Tignan mo nga ang sarili mo... mukha kang anghel pero ang dumi ng bituka mo." Madiin niyang hinawakan ang baba ko, tinititigan ang bawat detalye ng mukha ko na parang bumibili lang ng pakwan sa palengke. "Tuturuan kita ng leksyon para hindi mo na ako makalimutan. Hubaran niyo 'yan!"
Nanlaki ang mga mata ko. My gas! Lord, hindi pa ako ready! "H-hoy! Anong hubad?! Wala akong dalang extra na damit! Mahiya naman kayo, may minor dito!"
Pero hindi sila nakikinig. Nagsilapit sa akin ang tatlo sa kanila, ang lalagkit ng tingin na parang mga manyakis na uod. Hinawakan nila ang laylayan ng damit ko.
"W-WAG NIYO AKONG HAWAKAN! PLEASE, NO! MAY PUTOK AKO, SIGE KAYO! HELP—"
"Get your filthy hands off her."
Ang boses ni Shaun ay mautoridad at malamig, pero bakas ang naglalagablab na galit sa bawat pantig. Walang sinayang na segundo ang binata; sa isang mabilis at kalkuladong galaw, marahas niyang hinatak palayo ang mga lalaking nakapalibot kay Xenica. Sa lakas ng puwersa ni Shaun, tumalsik ang mga ito sa gilid na parang mga basang sisiw na nawalan ng balanse.
"Hoy, 'di mo ba narinig? Bitawan mo siya," bulyaw ni Glen mula sa likuran.
"Pakialamero ka—" Isang goon ang nagtangkang sumugod, pero hindi na nito natapos ang sasabihin. Isang mabilis na right hook mula kay Glen ang sumalubong sa panga nito. Splak! Ang tunog ng laman na tumama sa buto ay umalingawngaw sa paligid, hudyat ng pagsisimula ng madugong sagupaan.
Sa kaliwa naman, agaw-atensyon si Louie. Hindi alam ng lahat kung saan niya napulot ang isang mahabang piraso ng kahoy, pero hawak niya ito ngayon na parang isang eksperto.
"Hoy, kupal! Lapit ka rito," nakangising hamon ni Louie. Bakas sa mukha niya ang excitement na tila laro lang ang lahat. "C'mon, bastard. I'll hit you so hard, makakalimutan mo pati password ng Facebook mo. Gusto mong ma-experience ang 'Louie's Smackdown'?"
Parang isang bihasang arnisador, pinaikot-ikot ni Louie ang patpat bago ito mabilis na ihampas sa braso at tuhod ng sinumang nagtatangkang lumapit sa kaniya. Sa bawat kumpas, hindi mawawala ang kaniyang signature sound effect: "WATAAAH!" Kahit seryoso ang sitwasyon, hindi maikakaila ang pagka-kolokoy ng binata na parang nasa gitna ng isang Bruce Lee movie audition.
Sa gitna ng kaguluhan, isang mabilis na disarming move ang ginawa ni Shaun. Sa isang kisap-mata, naagaw niya ang baril mula sa kamay ng Boss ng mga goons at mabilis itong ipinasa sa direksyon ni Rob.
Buong husay na nasalo ito ni Rob at agad na itinuon ang dulo ng baril sa kaharap niyang lalaki. Ang kaniyang pagkakahawak ay matatag at bihasa—bakas ang training sa firing range.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
JugendliteraturWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
