83: THE EAR KISS

729 35 8
                                        


Parang biglang natuyo ang bibig ko. Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan, at naramdaman ko ang panlalamig at pamamawis ng mga palad ko. Hindi ko na namalayan na pinapatunog ko na pala ang mga buto ng daliri ko nang paulit-ulit—'yung tipong wala nang tunog, pero sige pa rin ako sa pagpindot. Habit ko na 'to tuwing feeling ko ay lulubog ang mundo ko.

Nahinto lang ako at nabalik sa wisyo nang may humawak sa kamay ko.

"Baliw, ayos ka lang? Are you still not feeling well? Wait, tawagin ko si Doc—" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Lex. Nawala ang mapang-asar niyang mukha kanina, at sa puntong 'to, halatang hindi na siya nakikipag-joke time.

"N-no, ayos lang ako. Naiihi lang," mabilis kong sagot. Pinilit kong ngumiti para itago ang pagkabalisa, pero alam kong mukha lang akong ewan—parang emoji na pilit ang pagkakangiti habang pinagpapawisan.

"Ayos ka rin maihi, no? Mukhang kinakabahan na ewan," taas-kilay niyang sabi. Hindi siya natinag. Nanatili ang tingin niya sa akin na tila binabasa ang bawat hibla ng iniisip ko. Unti-unting humilaw ang ngiti ko hanggang sa tuluyan itong mabura. Sa harap ni Lex, parang open book ang utak ko na naka-bold font pa ang mga sikreto.

"I've known you for three years, baliw. Hindi ka magaling magsinungaling. Now spill it," seryoso niyang sabi habang nakapamewang sa harap ko.

"Okay, you got me," pagsuko ko, sabay bagsak ng balikat para mas mukhang depressed.

"Let me guess, does this have something to do with the caller earlier?" tanong ni Lex. Nagdadalawang-isip man ay tumango pa rin ako.

"Sino ba 'yon at balisang-balisa ka?" naki-usyoso na rin si Nisha, lumapit pa ang bruha para makasagap ng chika.

"Uuwi daw kasi siya," sabi ko sa boses na parang iiyak na. Napatakip ng bibig si Lex. "Sino?" sabay nilang tanong.

Bumuntong-hininga muna ako ng pagkahaba-haba bago sumagot. "Si P-papa... uuwi siya."

"Magandang balita naman pala, eh! Bakit hindi ka mapakali d'yan?" tanong ni Nisha na halatang naguguluhan.

"Baka dalhin na niya ako sa America pagbalik niya—"

"HA?!" halos magiba ang building sa sigaw nilang dalawa. Napatakip ako ng tenga. Success! Bingi na sila.

"Oo, iiwan ko na kayo kasi parati niyo akong pinaprank!" hirit ko pa para mas kapani-paniwala.

"Eh, ang babaw naman ng dahilan!" alma ni Lex, pero bakas sa mukha niya ang takot.

"Biro lang, pero totoo talaga na baka dalhin na niya ako. Isasama na niya ako for good," dagdag ko, seryosong-seryoso ang mukha ko.

"Eh, ang bad news naman n'on!" nakanguso nang sabi ni Nisha. Tumango lang ako, acting like my world was ending.

Napabuntong-hininga silang dalawa, lumapit sa akin at parang tuko na inilingkis ang mga braso sa balikat ko. "Ilang araw ba siya dito sa Pinas?" tanong ni Lex.

"Siguro mga one week lang. Doon na rin ako mag-aaral, mapapalayo na ako sa inyo... kay Shaun. Nakakalungkot," sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

"Biglaan naman ata?" naiiyak na talaga si Lex. Ang galing ko talagang artista, baka gusto nilang i-nominate ako sa FAMAS?

"Eh, ganoon talaga. Lumalabas kasi bigla ang mga salitang nakakakaba basta... PRANK."

"Agree ako d'yan—" natigilan si Nisha nang mapagtanto ang huling salitang binitawan ko. "ANO!?" napabitaw siya sa akin na parang napaso.

"Sinabi mo bang prank?! Ha?!" sigaw ni Lex habang niyuyugyog ako nang bongga.

Humagalpak na ako ng tawa. "Bawi-bawi lang, mga anemel! Akala niyo kayo lang ha? Walang pupuntang America! Walang aalis! Ang meron lang ay...ONE POINT FOR ME!" 

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon