99: OPLAN BANTAY-SALAKAY

602 25 0
                                        

May tiwala siya kay Xenica, hinding-hindi niya pagdududahan ang katapatan nito. Pero sa kaibigan nito? Doon siya walang tiwala. He knew how men looked at women they "grew up with"—the familiarity that could easily turn into something more. Napamura ulit siya sa isip. He needed a diversion; kailangan niyang ilihis ang kaniyang atensyon bago pa siya tuluyang mabaliw at mag-book ng flight sa gitna ng gabi.

Kinuha niya ulit ang cellphone niya para tawagan si Rob at ayaying gumimik, but before he could hit the dial button, a chathead popped up on his screen.

Kumunot ang kaniyang noo. It was from her. Hindi na siya nagulat dahil kahit kailan ay hindi naman ito tumigil sa pagpaparamdam, kahit pa ilang beses na niya itong "seen" o hindi nirereplyan. But her message today made him raise his brows in pure irritation.

[I was thinking about how I may have made a mistake breaking up with you. Mahal pa ata kita. May oras ka ba today?]

He opened the message and closed it without replying. Si-neen lang niya ito; ignored it. He has no time for her nonsense. Ibinulsa niya ang cellphone at kinuha ang bomber jacket. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Papayag-payag tapos nagmamaktol. He can't control his emotions. Ayaw din niyang umabot sa punto na pati sarili niya ay mawalan na ng kontrol. His possessiveness is screaming—yeah, he's completely fcked up.

Kanina pa tingin nang tingin si Shaun sa screen ng cellphone niya. Pinipailaw niya ang screen tapos pinapatay at pabagsak na nilalapag. Tila wala ito sa sarili na nakasimangot habang panaka-nakang tumutungga ng beer. Wala siya sa mood makisali sa nilalaro ng mga kaibigan; ang utak niya ay nasa Cebu, naglalakbay sa bawat galaw ni Xenica.

Tumungga ulit siya ng beer at muling tumingin sa cellphone. Hindi pa rin kasi nagcha-chat ang nobya simula nang mag-usap sila isang oras na ang nakakalipas. Isang oras. Sa kaniya, parang isang taon na ang lumipas. Di nakatakas sa mga kaibigan niya ang kaniyang pagkabalisa.

"Somebody has angered the sleeping wolf," makahulugang sabi ni Glen nang matapos ang nilalaro nila ni Rob.

"Sleeping wolf ba 'yon?" naninigurong tanong ni Rob na 'di rin sigurado. Nagkibit-balikat si Louie na walang alam habang patuloy sa pagsubo ng chips habang nanonood ng basketball game sa laptop.

"Sleeping lion 'yon. Sure ako," sabat ni Louie.

"Sleeping bear siguro," natatawang sabi ni Rob, sinusubukang pagaanin ang tensyon sa hangin.

"Sleeping Nisha. Mas nakakatakot 'yong bruhang 'yon," tila may poot na sabi ni Louie. Napailing na lang si Glen at tumungga ng beer. Napansin niya na wala nang laman ang bote ni Shaun, pero ang aura nito ay mas lalo pang bumibigat.

Shaun slammed the empty bottle on the table, the sound echoing through the room.

"Dude." Tawag-atensyon ni Glen sa kaibigan sabay abot ng bagong beer. "Thanks," tipid na sabi ni Shaun, ang boses ay tila galing sa ilalim ng lupa dahil sa lalim ng iniisip.

Napatingin ang mga lalaki nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Lex na may dalang mga paper bags. 'Di inasahan ng dalaga na maabutan ang mga hinayupak na magkakasama sa entertainment room nina Rob. "Andito pala kayo," bati ni Lex sa mga kaibigan at nilapag ang mga dala. Palihim na tumingin si Louie sa likod ng dalaga at nang mapagtantong wala roon ang hinahanap—si Nisha—bahagya siyang nadismaya. Nagpatuloy na lang siya sa panonood ng basketball habang ngumunguya ng chips.

"Nag-aya e," sagot ni Rob sabay nguso sa direksyon ni Shaun na iba pa rin ang timpla ng mukha. "Nag-aya pero ayan, parang may sariling mundo."

"Nangangamoy lover's quarrel," parinig ni Lex na nakangisi kay Shaun. Kahit narinig iyon ni Shaun, hindi na niya pinagtuunan ng pansin. His mind was too occupied by the "two-hour limit" he set for Xenica.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon