55: Venomous

832 47 1
                                        

Maaga kaming natapos sa paglilinis kaya nag-snack kami sa park malapit sa Armani Primary. Siguro dahil din sa special week of the month ko, sobra akong nag-crave.

Hindi syudad ang lugar na ito kaya may maliliit pang kagubatan sa paligid. "Don't tayo riyan, baka may ahas na naman," sabi ni Nisha, kaya sa kabilang bench kami umupo. Nangyari na kasi noon na may naligaw na ahas doon.

'Yong Cherry ang pangalan—charot!

Habang kumakain kami, isang matinis na iyak ng bata ang bumasag sa katahimikan.

"AHAS! T-tulungan niyo ang alaga ko!" sigaw ng yaya.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang cobra—mga dalawang metro ang haba, nakaharap sa bata. "Oh no! Snake! Let's call for help!" sabi ni Lex na handa nang kumaripas ng takbo.

"D—Di ba mahilig ka sa ahas?" ani ni Nisha na nakatago na sa likod ko.

Napalunok ako. "Oo, pero never pa akong nakapag-handle ng venomous gaya ng cobra."

"Y-yaya! I'm scared!" humihikbing tawag ng bata. Nakaluhod ito sa damuhan, halos isang metro lang ang layo sa cobra na nakatitig sa kanya.

Jusmio!

Huminga ako nang malalim. Kahit nanginginig ang tuhod ko, lumilinga-linga ako sa paligid hanggang sa makakita ako ng sanga ng puno. Mahinahon ko itong dinampot.

"Kalma ka lang," mahinhin na utos ko sa bata. Biglang nag-hiss ang ahas nang tumango ang bata—kaunting galaw lang, napaka-sensitive na. Akala mo aagawan ng korona.

"Aanhin mo 'yan?!" nag-aalalang tanong ni Nisha, nakatingin sa hawak kong sanga.

Narinig kong tinawagan ni Lex ang boyfriend niya para manghingi ng tulong. Pero sa paligid, walang naglakas-loob na lumapit. Bahala na nga! Hindi ko kayang panoorin ang bata na matuklaw.

Dahan-dahan akong lumapit, pinanatili ang distansya na 1.5 metro mula sa ulo ng cobra. Alam ko na isang maling galaw ko rito, i-wewelcome agad ako ni San Pedro sa langit.

Sinubukan kong ilapit ang sanga rito. Agad nitong itinaas ang katawan at pinalapad ang hood, tila baga nagbabala: "Wag kang epal, lumayo ka rito!"

Apaka-attitude talaga. Pero hindi ako pwedeng umatras. I need to distract it enough for the kid to run.

"Hoy, belyas," bulong ko sa ahas, sinusubukang kontrolin ang panginginig ng boses ko. "Dito ka sa akin tumingin. Huwag sa bata."

Dahan-dahan kong tinabihan ang bata habang pilit kong binubugaw ang cobra gamit ang sanga. Nang makakuha ako ng saktong tyempo—at sapat na bwelo—ay mabilis kong itinulak ang bata palayo. Ligtas na siya!

Pero mukhang ako naman ang bagong target ni Medusa.

Hindi ko alam, pero parang magka-vibes sila ni Cherry—charot! Pero seryoso, ayaw paawat ng ahas. Imbes na lumayo, unti-unti itong gumagapang papalapit sa akin. Panay ang wasiwas ko ng sanga, sinusubukang gumawa ng distansya. Huminto ito saglit. Akala ko tapos na... pero bigla na lang itong umatake!

Sa sobrang bilis ng pangyayari, naramdaman ko na lang ang pagdampi ng malamig nitong katawan sa balat ko. Nanginginig sa takot at dala ng adrenaline, pinalo ko ang ulo nito nang makailang ulit gamit ang sanga hanggang sa mabitawan ko iyon at mapatumba ako sa damuhan. Nanggagalaiti sa galit ang hayop, pero buti na lang, sa mismong sandaling iyon ay dumating na ang animal control para i-secure ang ahas.

Natulala ako saglit, hindi makapaniwala sa nangyari. Hindi ko na nga napansin na nilapitan na pala ako nina Nisha at Lex. Panay ang tanong nila ng, "AYOS KA LANG BA?!" habang chine-check ni Nisha ang binti ko kung may kagat at pinapagalitan naman ako ni Lex sa pagiging reckless.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon