Former school pala ng mga hinayupak ang Harris Academy, at kaya sila nandito ay para maglaro. Ex-members pala sila ng HA basketball team, ang Wild Lions. Mascot nila itong puting leon na nangangalmot-na ngayon ay suot-suot ko.
RAWWWR!
Nandito sila para tuldukan ang naudlot na pustahan nila sa karatig-school. Ang team naman ng kabila ay Warrior Serpents. May mascot din sila-isang malaking cobra na akala mo ay hine-hepatitis sa sobrang dilaw! Todo giling pa ito habang hinihintay magsimula ang 1st quarter.
Ako? Walang kwentang mascot lang na nakatayo sa tabi, naghihintay ng Prince Charming-
"AY-HOY, ANO BA!"
Gulat man ay wala akong nagawa sa harsh na pagtulak ni Nisha at pwersahang paghila ni Lex sa akin papunta sa gitna ng court. Sa bigat ng mascot, hindi na ako nakapagpumiglas; tuluyan na nila akong naitapon sa arena. Buset na 'yan!
"ENERGY, BALIW! Padadaig ka ba?! Showdown kayo ng cobra, dali!" sigaw ni Lex na parang manager ng isang underground sabong.
Puno ng tao ang gym, at hindi ko maiwasang tablan ng hiya. I am standing in front of these fersons-nakakahiya talaga! Buti na lang talaga naka-mascot ako; kung hindi, baka nag-dig na ako ng sarili kong tunnel palabas ng school na 'to.
My thoughts were interrupted, and my eyes widened when I saw the serpent approaching. Gumigiling pa ang hini-hepatitis na cobra, sumasayaw-sayaw na animo'y bulateng naasinan papalapit sa akin. Hinahamon talaga ako!
Nabalot ng hiyawan ang gym. Animo'y sabik na sabik sila sa mangyayari sa pagitan ng ahas at leon. Crap! Ramdam ko ang libo-libong matang nakatingin sa akin. Mas lalong nagkagulo ang internal organs ko sa kaba-feeling ko lalabas na ang puso ko sa lalamunan ko. Papansin talaga itong ahas na 'to!
Gawin ko kaya siyang isaw? O baka mas magandang gawing handbag?
Show-off ang animas! Umiikot-ikot pa talaga sa akin, at ang mas malala-hinila pa ang buntot ng puting leon na suot ko! Aba! Bastusan?! Hinahamon mo talaga ako, ah. Sige, pagbibigyan kita. Akala mo ikaw lang ang may moves? Siyempre, may alam din akong pang-malakasang Jabbawockeez steps na natutunan ko sa TikTok nung pandemic!
I surprisingly got over my fears nang magsimula na akong gumiling, tumalon, at mag-ala tumbling (yung safe version lang). Parang nagugustuhan ko na ang pagiging mascot! Nawala ang hiya ko dahil wala naman silang nakikita kundi ang pagmumukha ng isang fierce na leon.
Hindi ko man nasalo ang lahat ng dance talent na ipinaulan ni Lord, kahit papaano naman ay marunong akong mag-Macarena na may twist ng Teach Me How to Dougie!
Eyy! Eyy! Eyy! Hataw, Xena!
Laking pasasalamat ko nang pumito na ang referee-hudyat na magsisimula na ang laro at tapos na ang showdown namin ng ahas na may hepatitis. Humihingal na nilapitan ko sina Lex at Nisha na parang malalagutan na ng hininga sa kakatawa sa gilid.
Aalis na sana ako roon para uminom ng tubig-dahil pakiramdam ko ay nasa loob ako ng oven-ngunit nang makita ko ang mga players, automatic na nag-change ang mind ko!
Shems. Nag-gagwapuhang players lang naman kasi ang maglalaro. Bitamina at minerals para sa aking beautiful eyes! Siyempre, counted na si Shaun-este, ang h1nayupak na ngayo'y seryosong nakikipag-usap sa captain nila na si Mr. Number 4 na tumulong sa akin kanina.
Wait... seryoso silang dalawa. Ang sarap nilang panoorin mula sa malayo. Para akong nanonood ng live-action sports anime, at ako yung mascot na may 20k na sahod. Life is good...kahit amoy pawis nga lang.
I think I'm gonna love basketball now! Sino ba namang hindi gaganahan kung ang view mo ay puro matatangkad at pawisang nilalang na parang galing sa isang sports magazine?
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
