70: THE FIRE WITHIN & THE ICE KING'S FURY

654 43 0
                                        


Samantala, kakatapos lang ng assembly sa gym at nagsisibalikan na ang mga estudyante sa kani-kanilang classrooms. Sa pag-aakalang sumama si Xena sa lakad nina Kyla at Shaun, hindi na rin ito hinanap ng barkada. Magsisimula na ang second subject at dumating na ang teacher nila, kasabay ng pagpasok ni Shaun na mag-isa lang.

Unang tiningnan ng binata ang bakanteng upuan ni Xena. Kumunot ang noo niya, pero dumeritso na rin siya sa upuan nang walang imik.

"Where's Miss Montel?" tanong ng teacher matapos ang attendance.

Lahat sila ay nagsi-ilingan. Nag-message na rin si Lex sa group chat nila, pero kahit lahat sila ay online, walang "seen" o reply mula kay Xena.

Ngunit biglang nabalot ng bulungan ang buong classroom. Sabay-sabay na nag-vibrate ang mga cellphone ng mga estudyante—isang hudyat na may bagong post sa school community. Napatakip ng bibig si Nisha nang makita ang picture at agad nilingon si Shaun na madilim na ang mukha habang nakatingin sa screen.

Post from Anonymous: Miss Cherry, the delinquents, and another senior student are having a fight inside the old chemistry lab!

(Attached: A blurry but clear picture of Cherry pulling Xena's hair, while two delinquents are pinning Xena's arms and the other one is wielding a baseball bat.)

"Where are you going, Mr. Sy—hey!" sigaw ng teacher, pero huli na.

Walang lingon-likod na lumabas si Shaun ng classroom, ang aura nito ay tila handang pumatay ng kung sino man ang humarang. Agad nagsisunod sina Nisha, Lex, Glen, Louie, at Rob. Nag-uumapaw ang pag-aalala nila dahil halata sa picture na pinagtutulungan ang kaibigan nila.

"Hurry!" udyok ni Louie habang tumatakbo sila sa hallway. "Sht talaga! Kapag nagalusan ang skin ni babes, humanda talaga 'yung mga delinquents na 'yan! Ibabaon ko sila sa lupa!"

"Char! Akala mo naman boyfriend," hirit ni Nisha habang naghahabol ng hininga sa bilis ng takbo nila.

"Boyfriend nga—aray!" napa-aray si Louie nang bigla siyang batukan ni Shaun sa gitna ng pagtakbo. Walang oras ang binata para sa kalokohan ni Louie, lalo na't ang imahe ni Xena na pinagtutulungan ang nasa isip niya.

"Hey, hintayin niyo 'ko! Ang bilis niyo naman!" reklamo ni Nisha.

Nasa kabilang dulo pa ng building ang lumang lab pero mukhang mararating nila iyon sa loob lang ng isang minuto dahil sa bilis nina Shaun. Literal na nagliliparan ang mga sapatos nila sa tiles ng hallway.

--

Natitikman na ni Xena ang tila kalawang na lasa ng dugo sa kaniyang labi. Kanina, nang tangkain siyang hampasin ng baseball bat, mabilis niyang nasalo ang dulo nito gamit ang kaniyang braso—isang desisyong nagdulot ng matinding kirot, pero nagligtas sa kaniyang bungo.

"Papatayin niyo ba ako?! Siguraduhin niyo lang na patay talaga, dahil hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko kapag nabuhay pa ako today!" singhal ni Xena, sabay tadyak nang buong lakas sa babaeng may hawak ng bat.

Pero bago pa siya makabawi, muling sumaklot ang mga daliri ni Cherry sa kaniyang buhok. Sa higpit ng pagkakahawak nito, parang anumang sandali ay matatanggal na ang buhok ni Xena mula sa anit. Napahiyaw siya sa sakit. Marahas siyang itinulak ng dalawa kaya napasalampak siya sa gilid ng cabinet, saktong sa tapat ng mga natapon na kemikal.

"Bakit?! Bakit ikaw pa ang pinili ni Shaun?!" sigaw ni Cherry, ang boses ay puno ng poot at inggit. "I'm way better than you!"

Umangat ang isang gilid ng labi ni Xena. Sa gitna ng sakit, nakinig lang siya. Isang mapait na ngisi ang sumilay sa kaniyang mukha—isang ngising tila lalong nagpanggigil kay Cherry.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon