42: Kyla Marie

2.1K 124 9
                                        

NAPAYAKAP ako sa unan at napakagat pa sa kumot sa kalagitnaan ng gabi. Shuta. Ayaw akong patulugin ng mga kinikilig na insekto sa tiyan ko! Hindi ko lubos maisip na mas pinili akong samahan ni Shaun kaysa kay Kyla Marie.

Ganda ka, gurl? Pak! Achievement unlocked: Prioritized over the Ex-Fiancée.

Gusto ko sanang tumalon-talon sa kama kaso huwag na lang pala. Baka mabutas pa 'to, wala pa akong budget pampalit. Pero seryoso, kinikilig ako nang mga 1,000,000,000%! Bumangon ako at binuksan ang laptop ko. Nang makita ko ang wallpaper ko na walang iba kundi si Shaun, agad ko itong kinindatan.

"Itong gwapong 'to? Nakadate ko lang naman kanina," bulong ko sa screen. Ehem, date na rin naman ang maituturing doon, 'di ba? Libre niya, hawak-kamay habang tumatakbo... Heheh!

Pinagdarasal ko na nawa'y pagkatapos ng araw na 'to ay magkaroon na kami ng malanding ugnayan ng hinayupak na 'yon. Sana lang ay hindi na umepal ang ex-fiancée niyang mahilig sa pink.

Ano kaya ang nasa isip ni Shaun ngayon? Kinikilig din kaya siya gaya ko? O baka naman nakatulog na siya agad habang ako, heto, mukhang tangang kausap ang laptop? Mwehe!

Pero bigla akong napasimangot nang maalala ang isang bagay. Base sa kwento nina Louie, bet ng parents ni Shaun si Kyla. Sila ang pinili para sa isa't isa. Tipikal na mayamang pamilya—gusto ng "perfect match" para sa anak nila.

Napabuntong-hininga ako. Anong laban ng isang Xenica na nagkakal-kal ng basurahan sa mall laban sa isang Kyla Marie na gusto ng mga magulang niya? Hay, lintik.

Pero kahit anong hirap, ayaw pa rin talagang mag-give up ng puso ko. Kung kailangang maging "malunggay" ako sa buhay niyang puno ng steak, gagawin ko!

--------

HINDI ko na mabilang kung ilang beses na akong humikab ngayong araw. Halatang-halata sa eyebags ko na hindi ako pinatulog ng freaking overthinker brain ko kagabi. Hanggang dito sa café, kahit nakadalawang cup na ako ng black coffee, parang hinihila pa rin ang mga talukap ko.

Pumunta muna ako sa kitchen para kumain ng cake nang silipin ako ng isa sa mga kasamahan ko na tila hindi maipinta ang mukha. Nagmamadali kong isinubo ang cake at tumayo.

"Xen, pakisuyo sa table 30! Na-jajebs na ako!"

Nag-OK sign ako gamit ang aking daliri. Marami-rami rin kaming customer ngayon kaya kailangang kumilos nang mabilis.

Agad kong nilapitan ang table 30 at kinuha ang order ng mga nakaupo roon. Pero naudlot ang paghikab ko nang marinig ko ang mga pamilyar na tawa sa kabilang table. Napalingon ako sa kanila. Nakakapagtakang bigla silang natahimik nang tumingin ako. Dahil nakatago ang mga mukha nila sa likod ng malalaking menu, hindi ko makilala kung sino sila.

Anong problema ng mga 'to?

Gusto ko sana silang lapitan at tanungin kung anong nakakatawa—at kung kasali ba ako sa joke nila—kaso tinawag ako ng isang customer kaya pinagpaliban ko na lang. Nawala na rin sa isip ko ang mga rude customers na 'yon dahil sa bugso ng trabaho. Naging abala ako sa dami ng orders kaya pati sa counter ay tumulong na rin ako.

"Xen, saglit lang ha. Ikaw na muna riyan. Naubusan na tayo ng strawberry, kuha muna ako sa storage," paalam sa akin ng kasama ko. Tumango ako habang abala sa pag-prepare ng isa pang order.

Eksakto namang pumasok si Dexter sa café na naghahabol ng hininga. "Napano ka?" tanong ko sa kanya pagkalapit niya sa counter.

"Xen, may atraso ka ba sa mga gangster?" hinihingal na tanong niya. Natigilan ako. Bigla kong naalala si Gasul at ang mga alipores niya.

"M—May mga nanggugulong grupo sa bridge, at hinahanap ka!" bulong niya na halata ang pag-aalala. Kinabahan ako bigla. Hindi kaya natuntun na nila ang lungga ko?

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon