48: Namja Chingu

2.1K 96 28
                                        

LESSON LEARNED. Huwag na huwag kang titikim ng pagkain ng iba nang walang paalam, lalong-lalo na kung galing kay Louie ang mga 'yon!

Gummy bears na may twist pala ang mga 'yon. Ibinabad lang naman sa VODKA. Lasing pala ang mga gomang osong iyon! Pero kahit gano'n, kahit papaano ay behave sila. Tinatanong niyo kung kumusta ako?

'Wag na. Ayokong maalala! Huhu.

Malay ko bang vodka-soaked gummies ang mga 'yon? Kaya pala kakaiba ang hagap sa lalamunan. Tuloy, muntik na nila akong ilibing nang buhay sa butas na hinukay ko mismo gawa ng kalasingan. Buset na 'yan.

Oo, naghukay ako! Gamit ang kamay ko!

Sana talaga tinuluyan na nilang itambak ang lupa sa akin dahil wala na rin naman akong mukhang maihaharap sa kanila—lalong-lalo na kay Shaun. Kung ano-ano pa man din ang pinagsasabi ko. Shuta talaga.

Flashback...

THIRD PERSON POV
Flashback: Ang Kaguluhan sa Abandonadong Gusali

"Guys, may favor ako~" naiiyak kahit wala namang dahilan na sabi ni Xenica sa mga kaibigan niyang tila sinukuan na siya. Ayaw niya kasing paawat sa kung ano-anong drama.

"Patulugin na lang kaya natin si Xen?" Louie suggested. Binigyan siya ni Nisha ng masamang tingin sabay bato ng chichiryang kinakain nito.

"Dapat ikaw ang pinapatulog, eh! Loko-loko ka kasi. Kasalanan mo 'to! Sarap mong paluhurin sa thumbtacks," nanggigigil na sabi ni Nisha. Napakamot na lang ng ulo si Louie, alam na talo siya.

Shaun heaved a heavy sigh. Mukhang wala na siyang pakialam kahit pa sinisingahan na ni Xenica ang laylayan ng mamahalin niyang uniform. Tila isa kasing spoiled toddler ang dalaga sa paningin niya na hindi makaintindi ng salitang "NO."

"May favor nga kasi akooo!" ulit ni Xenica nang wala man lang pumapansin sa kanya.

"What? Water? Food?" tila nauubusan na ng pasensyang tanong ni Shaun.

Tumingala si Xenica sa kanya, tinaasan siya ng kilay, at ngumuso. "I'm not talking to you. Bati ba tayo? Hmp!" Binitawan niya ang laylayan ng uniporme ni Shaun, umirap nang bongga, tsaka liningon si Glen na nananahimik lang sa sulok.

Nananahimik lang si Glen nang tawagin siya ni Xenica. "Ano 'yon?" natatawa niyang tugon.

"Glen, kapag namatay ako—"

Hindi na natapos ni Xenica ang sasabihin dahil mabilis na tinakpan ni Shaun ang bibig niya. "Don't start a will. You're just drunk, not dying," barumbado niyang saway. Inis na inalis ni Xenica ang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at sinamaan siya ng tingin.

"Ano ba?! Let me FINIIISH~"

Napangiwi si Shaun at nilinis ang kanyang tenga gamit ang kanyang hinliliit. Para kasing tinusok ng ice pick ang eardrum niya sa talas ng boses ng dalaga.

Bahagyang sumilip si Rob sa bintana ng abandonadong gusali. "Tagal ng dismissal. Kating-kati na akong ihimlay ang bulinggit na 'yan," biro niya.

Tumikhim si Xenica at muling nagsalita nang may halong drama. "Kapag ako namatay, i-update niyo ang Facebook status ko. Sabihin niyo... YOW, WAZZZUP! I'M CHILLING WITH JESUS. 'Yung gano'n, okay? Tapos, ilibing niyo ako sa hinukay ko—AHH!"

Wala pang isang segundo, bigla siyang binuhat ni Shaun at isinabit sa balikat nito na parang sako ng bigas.

"Sa'n mo siya dadalhin?" natatawang tanong ni Lex.

"To the nearest haunted room. Maybe the ghosts can talk sense into her," seryosong sagot ni Shaun habang naglalakad. Natawa silang lahat.

"Ilibing na lang natin sa hinukay niya. Siya na rin naman ang nagsabi—" natigilan si Louie at napatikhim nang mapansin ang matalas na tingin ni Shaun sa kanya.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon