Special Chapter 2

767 26 2
                                        


Habang naglalakad-lakad kami nina Hakuna at Matata sa park, napansin ko ang biglang pananabik sa kanilang dalawa. Kanina pa sila hilong-talilong, ang mga mata'y nakapako sa isang itim na sasakyang papalapit sa 'di kalayuan. Matinis ang kanilang tahol habang ang mga buntot nila ay walang tigil sa pagkumpas sa hangin. Sumilay rin ang isang tipid na ngiti sa mga labi ko nang makilala ko ang pamilyar na kintab ng kotseng iyon.

Huminto ang sasakyan sa tapat namin. Mula roon, iniluwa ang walang-kupas na kagwapuhan ng hinayupak na si Shaun Joshua, suot pa ang kaniyang business suit na tila ba galing sa isang magazine shoot. Minsan ko na siyang inaway dahil dito—napaka-unfair. Bakit ako lang ang nakikipagbuno sa timbang habang siya, maintain na maintain ang kaniyang physique?

Biglang sumagi sa isip ko: baka naman nangangaliwa na siya? O kaya nama'y nagpapapogi dahil may nakita siyang maganda at sexy sa daan? Ugh, here we go again with my pregnancy thoughts. Parang bula na naglaho ang ngiti ko. Biglang bumigat ang aura ko habang pinapanood ko siyang papalapit.

Now, I found myself glaring at him, hinahatulan siya sa mga kasalanang likha lang naman ng sarili kong imahinasyon. Bago pa siya makalapit nang tuluyan, buong-lakas ko na siyang inirapan.

May pagtataka sa kaniyang mga mata, pero nanatili siyang tahimik.

"Wag ka na mag-gym, sinasabi ko sa'yo," asik ko sa kaniya nang hindi man lang siya binabati.

Padabog akong lumapit sa kotse at sumakay sa front seat nang hindi naghihintay na pagbuksan niya. Mula sa loob, sinundan ko pa rin siya ng masamang tingin habang marahan siyang lumalapit. Binuksan niya ang backseat para pasakayin ang dalawang aso.

"I think your mom is already hungry," narinig kong sabi niya sa mga aso sa malambing na tono.

"Hindi ako gutom. Galit ako," matigas na sagot ko.

"Hon, you're HANGRY," nakangising sagot niya. Pumasok siya at naupo sa driver's seat, dala ang amoy ng kaniyang mamahaling pabango na lalong nagpapagulo sa isip ko.

"Ayoko na kumain. Mas tataba lang ako... that would make me feel more disgusting," reklamo ko habang nakatingin sa malayo. Humarap siya sa akin, sinalubong ang mga palad niya ang aking mukha at marahan akong hinalikan sa labi—isang mabilis ngunit sapat na peck.

"You may have gained weight but you're definitely not fat. What did the doctor say yesterday?" tanong niya, tila ba ipinapaalala ang sinabi—o sabihin na nating papuri—ng aming OB-Gyne.

Nakangusong sumagot ako dahil pilit niyang pinipisil ang mabilog kong pisngi, "Sabi niya payat ako at parang hindi buntis 'pag nakatalikod."

"See?" aniya habang hinahaplos ang aking mukha. "You're absolutely beautiful, hon."

Binitiwan na niya ang aking mukha at dahan-dahang yumuko palapit sa aking baby bump. Marahan niya itong hinawakan, ang kaniyang mga mata ay puno ng pagmamahal. "Hey, guys. Daddy's here."

Hinalikan niya ang aking tiyan, tila ba pinapakiramdaman kung may sasagot na sipa mula sa loob.

"Wag na wag niyo papansinin daddy niyo. He ate my ice cream last night," sumbong ko sa mga bata. Napatawa nang bahagya si Shaun.

"I only ate one spoon—"

"Kahit na! Kinain mo pa rin! Rule number one: don't touch my food," mariing paalala ko sa kaniya.

"Pa'no mo ba ako mapapatawad?" malambing niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Sumandal ako sa upuan at muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. Narinig ko ang kaniyang malalim na paghinga—ang uri ng buntong-hininga na puno ng pasensya. Galing siya sa trabaho, pagod marahil, pero heto ako at nag-iinarte dahil sa mga sarili kong hinala. Saglit akong nakaramdam ng guilt para sa kaniya at sa mga bata, pero ang pregnancy hormones ko? Masyadong matigas ang ulo. Ayaw paawat.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon