Nakaharap ako sa maliit kong vanity mirror, nagsusuklay ng buhok gamit ang hairbrush na parang wala nang bukas. Kung susukatin ang mood meter ko ngayong araw, nasa Critical Level: LOW na talaga ako. I'm hurt, down, sad, hopeless, apathetic, and lonely!
Ikaw ba naman ang hindi pansinin ng jowa mo nang dalawang araw? I mean, nagre-reply naman siya pero, hutek! Kung hindi "K", ay "👍" lang ang sagot! Buset na yan. Sarap niyang sapakin—okay, chill lang, Xenica with an X. Kalma. May toyo ang boyfriend mo dahil kasalanan mo 'yon.
OO NA! KASALANAN KO NA!
Napakagloomy ng pakiramdam ko. Pero instead na i-cheer up ang sarili ko, mas pinili ko pang lunurin ang sarili ko sa lungkot. Oh yeah. I just want to feel things, kaya nag-play ako ng sad songs. Gusto ko lang saktan ang sarili ko gamit ang mga makadurog-pusong lyrics. Pero kahit mapanakit, ang mga kantang 'to ang nagsisilbing imaginary friend ko—parang niyayakap ako at dinadamayan sa pagfe-feeling heartbroken ko.
Charot ulet, pero seryoso—naiiyak na talaga ako! Lalo na't nag-play ang kanta ni Caleb Santos na "I Need You More Today." Pinisti talaga. Nang maramdaman kong malapit na ang chorus, inilapit ko ang hairbrush sa bibig ko na parang mic. Inilagay ko ang isa kong palad sa tapat ng puso ko.
Pagdating ng chorus, sinabayan ko ito ng pagkanta—todo bigay, pikit-mata, at punong-puno ng hugot.
"🎶...Are you coming back into my arms? To love me again...🎶"
Birit ko sa gitna ng hikbi. Alam kong para sa mga hiwalay na ang kantang 'to, at gusto kong isigaw sa mundo na hindi kami hiwalay. Pero habang tumatagal ang bawat segundong hindi niya ako kinakausap, unti-unti akong kinakain ng takot. Baka kasi sa bawat 'K' at '👍' na natatanggap ko, doon na rin kami papunta.
Are we fading away? Ayaw ko isipin. Erase. Pero ang sikip, eh. Ang sikip sa dibdib na 'yung taong dati ay hindi makatagal ng isang oras na hindi ako kausap, ngayon ay dalawang araw na akong kayang tiisin.
Napatitig ako sa wallpaper ko. Sa gitna ng labo ng paningin ko dahil sa luha, bahagya akong napangiti. Kuha 'to sa balcony ng apartment namin sa Paris. Ulo lang naming dalawa ang kita habang nasa likuran namin ang Eiffel Tower—punong-puno ng liwanag, punong-puno ng pangako. Pero bakit ngayon, ang dilim na?
Napadyak ako sa inis at dinuro ang mata ni Shaun mula sa screen. "I miss you, buset!" bulong ko, pero imbes na galit, purong sakit ang lumabas sa boses ko.
Namimiss ko na siya. Dalawang araw na simula nung madugo naming tagpo sa Cebu. Umuwi ako nang maaga, gumawa ng alibi kay Papa tungkol sa school project, pero ang totoo? Umuwi ako dahil hindi ko kaya ang distansya habang galit siya. Pakiramdam ko, bawat kilometrong layo namin sa isa't isa ay pagkakataon para tuluyan niya akong iwan.
Gusto ko ring mag-attitude, gusto ko ring mag-toyo dahil sa pagiging malamig niya, pero wala akong karapatan. Ako ang nagkamali. Ako ang sumira ng tiwala. At ang mas masakit? 'Yung alam mong kasalanan mo kung bakit unti-unti siyang nagbabago.
Tila sinadya ng pagkakataon, nag-chorus ulit ang kanta. Huminga ako nang malalim, tumitig nang diretso sa mga mata niya sa screen, at ibinuhos ang lahat ng pagsisisi ko sa lyrics.
"🎶...Are we fading away? Are you coming back into my arms to love me again? I love you, I miss you... I need you now more than ever, more than words can say. I love you and I miss you... I need you more today.🎶"
Kasabay ng huling nota ay ang pagpatak ng luhang kanina ko pa pinipigilan. Shaun, please... huwag mo naman akong sanayin na wala ka.
Nang matapos ang huling nota, isang malakas na katok ang bumasag sa katahimikan ng kwarto ko. Halos tumalon ang puso ko palabas ng dibdib—Lord, ito na ba 'yon? Dininig Mo ba agad ang concert ko?
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
