PLANO ko sana na maglibot-libot at i-enjoy ang huling araw ng Foundation Day nang mag-isa, pero ngayon, binabawi ko na lahat ng sinabi ko. Hindi naman pala masamang kasama ang mga hinayupak na 'to—lalo na't ang sarap nilang maging sponsor.
"It's on them" na raw ang lahat ng gagastusin today.
Iba talaga kapag rich kid ang kasama. Libre overload! Mula sa entrance ng amusement booth hanggang sa pinakamahal na footlong at cotton candy, wala akong nilalabas na kahit piso. Feeling ko tuloy, nanalo ako sa lotto sa sobrang dami ng hawak kong pagkain.
Kahit paano'y naibsan ang sama ng loob ko na gawa ng nangyari kaninang umaga. Daig pa kasi ni Shaun ang babaeng may toyo; bigla na lang nag-inarte dahil lang hindi ko narinig ang bulong niya. Kapag kinukulit ko naman para ipaulit, nanlilisik ang mga mata na parang asong ulol na gustong mangagat. Kaya tinantanan ko na lang—mahirap na, baka ma-rabies ako at hindi na ma-enjoy ang free food.
Huwag pilitin kung ayaw, pero aminin ko man o hindi, nanghihinayang pa rin ako sa debt-free offer niya. Buset na mga girls— este, 'yong van pala, dahil iyon ang puno't dulo kung bakit sila nagsigawan kanina at nabasag ang moment namin.
Napag-alaman ko na ang sakay pala nung van na itim ay isang artista! At nasabi ko na ba sa inyo na sikat na artista pala ang anak ng mismong may-ari ng Armani High?
Siyempre hindi pa, dahil ngayon ko lang din nalaman! Hehe! Akalain mo 'yun? Ang school na 'to, hindi lang pala pugad ng mga gwapong basketbolista, hideout din pala ng mga celebrity.
Sino kaya 'yung artistang 'yun? At bakit parang mas lalong uminit ang ulo ni Shaun nang makita niya ang van na 'yon? Hmm. Amoy may backstory na naman na mas malansa pa sa isda, ah!
Sikat na teenage singer/actor daw na nagngangalang Kei. Sa totoo lang, kahit anong halungkat ko sa utak ko, hindi siya familiar sa akin. Pasensya na, pero puro K-DRAMA lang kasi ang pinapanood ko.
Wala akong masyadong alam sa mga nangyayari sa mundo ng showbiz dito sa Pinas. Mas update pa yata ako sa showbiz news sa Korea—alam ko kung sino ang bagong lead sa rom-com doon, o kung sino ang nag-break na Hallyu stars. Relate ba kayo? 'Yung tipong mas kabisado mo pa ang geography ng Seoul kaysa sa labas ng subdivision niyo?
Nandito lang naman pala ang Kei na 'to sa Armani para mag-guest sa Battle of the Bands mamayang hapon. Siguro iyon ang dahilan kung bakit parang binagyo ng mga babae ang main gate kanina.
Dahil hindi naman ako interesado sa mga ganyang bagay, hindi ko na inalam ang buong detalye o kahit man lang silipin ang itsura ng artistang 'yun. Kahit pa gaano siya kasikat, wala siyang effect sa akin.
PERIOD.
---
NAGPAHINGA muna kami sa booth na may napaka-intriguing na pangalang 'KAMAYIN MO'. Akala ko kung ano na, 'yun pala ay sandamakmak na finger foods—mula kwek-kwek, fishballs, hanggang sa cheese sticks—ang nakahain. Nakakatakam! Amoy pa lang, solve na ang pagod ko.
Pero kahit nakakagutom ang mga pagkain sa booth, may dalawang nilalang ang tila nawalan ng panlasa. Hindi si Shaun, at lalong hindi ako (hello, libre 'to!), kundi ang newly-baked lovers na sina Lexie at Rob.
Sumulyap ako kay Rob na kulang na lang ay mag-split sa harap ni Lexie kakasuyo rito. Kanina kasi, habang nag-iikot kami, may grupo ng cute girls ang lumapit at nagpa-picture kay Rob. Dahil sanay na siyang maging habulin bilang athlete, at nakalimutan niya atang may "bantay" na siya sa tabi niya, pumayag ang loko. Todo pose pa ang hinayupak!
Sumabog tuloy ang bulkan. Haha! Ngayon, kahit anong abot niya ng tissue o pag-urong ng upuan para kay Lexie, tinitingnan lang siya ng kaibigan ko na parang gusto siyang gawing sahog sa kwek-kwek.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
