57: DÉJÀ VU

764 46 6
                                        

Nasa point na ako ng buhay ko na amin na amin na ako para magkalinawan na kami ni Shaun—kung may ipagpapatuloy ba o tatapusin na ang kahibangang ito. Pero lintik talagang baliw na Lex na 'yan, dinamay pa ang GT-R ni Rob at ipinusta! Sa maniwala man kayo't sa hindi, aprobado pa ni Rob ang kabaliwan ng jowa niya kahit hindi niya alam kung saan ipinusta ang sasakyan niya. Hoyyy! Ano 'to, charity event?!

We're talking about a Nissan GT-R Premium here na may presyong tumatagingting na 8 million pesos LANG naman. Jusmiong mag-jowa iyan, ang sarap ipa-barangay sa sobrang luluho!

Sa totoo lang, na-encourage talaga ako ng mga baliw na umamin kay Shaun at plano ko talagang gawin 'yon sa party ni Glen. Kaso, nang umeksena ang pinustang GT-R na 'yan, bigla akong nag-alangan. Parang gusto ko na lang ipagpaliban ang confession... tutal may ibang araw pa naman, 'di ba? Pero ang GT-R? Ngayon lang 'yan! Hehe.

Saturday ngayon, birthday ni Glen at party na mamayang gabi kaya sobrang busy namin sa paghahanda dito sa mansion nila. Excited ako today kasi bukod sa feeling ko ay magkaka-GT-R na ako (charot!), mamemeet din namin ang fiancé ng birthday boy na galing States. Mapapasabak pa ata ako sa English-an dahil balak ko talaga siyang interview-hin!

Tinabig ko ang kamay ni Lex na papalapit sa mukha ko, pero agad naman akong niyakap ni Nisha mula sa likod kaya tuloy hindi ko magalaw ang mga braso ko.

"Wag! No entry!" sigaw ko sabay pikit nang mariin para hindi maituloy ni Lex ang binabalak niya.

"Baliw ka talaga, dumilat ka nga!" utos ni Lex.

"A-ayoko! Baka mabulag ako niyan!"

"Ignorante mo talaga! 'Pag hindi ka dumilat, mabubulag ka talaga sa akin!" banta ni Lex at pilit binibuka ang mata ko gamit ang daliri niya.

Sa huli, nanalo pa rin ang dahas. At heto ako ngayon, nakaharap sa salamin, amaze na amaze sa mata kong kulay brown na. Ang ganda. Parang hindi na ako 'yung Xenica na nakikipag-wrestling sa cobra nung isang araw.

"Bagay sa 'yo," sabi ni Nisha habang sinusuri ang ayos ko. "Siguradong pati hypothalamus ni Shaun, maglalabas ng maximum dopamine mamaya."

"See? I told you, it's not bad," nakangising sabi ni Lex habang pinagmamasdan ang masterpiece nila sa mukha ko mula sa repleksyon ng vanity mirror.

"Matatanggal pa ba 'to?" nag-aalalang tanong ko. Tinulak lang ako ng baliw bilang tugon, tila punong-puno na sa kaignorantehan ko. Napahimas na lang ako sa braso ko at humarap ulit sa salamin. Di naman pala masakit sa mata. Hehe.

Advantage talaga na may kaibigan kaming talented sa make-up gaya ni Nisha, kaya no need na kaming mag-arkela ng pro. Dagdag mo pang may clothing line business ang family ni Lex, kaya solve na solve kami sa outfit.

Something blue, black, and silver ang theme ng party ni Glen. Dahil formal event ito, I'm wearing an elegant blue long-sleeved, off-shoulder beaded crystal knee-length dress. Para akong kurtinang mamahalin na nilagyan ng kaunting abubot, pero infairness, lakas makaprincesa ng dress na 'to. Feeling ko tuloy, bawal akong kumain ng kanin na nakakamay mamaya.

Napipikit na ako sa antok habang inaayos ng mommy ni Lex ang buhok ko, pero nagising ang diwa ko nang pitikin ni Nisha ang daliri niya sa harap ko. Pagkadilat ko, tumambad sa akin ang imahe ng isang dyosa—charot! Inayos ang buhok ko into a romantic updo that combines braiding and a bun with some messy, loose strands sa gilid.

Ternohan pa ng silver close high-heels at silver clutch bag, at boom! Ready na akong mang-agaw ng eksena.

"That dress looks like it was made for you, ija. You look gorgeous. Your elegance is oozing as if you were born with it. Something surprising will happen tonight, I bet," puri ni Tita Lindsay. Iba talaga ang nagagawa ng glitz and glamor; naging elegant ako bigla. Pak!

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon