86: FROM BLACKOUT TO BONJOUR!

587 31 2
                                        

Simula noong fire incident sa away namin ni Cherry, palagi na akong binabangungot ng apoy. It's been haunting me, and it's so frustrating because I can't figure out the connection. Wala naman akong maalalang na-involve ako sa isang malaking sunog! Minsan, ayaw ko na lang matulog sa takot na mapanaginipan ulit 'yon. Tuloy, palagi akong puyat. Buset na apoy na 'yan.

Di kaya barbecue ako noong past life ko kaya nakikita ko 'yung apoy? My gosh, this brain.

Halos isang buwan na akong sleep-deprived. 'Yung imbes na makapag-recharge ka, mas lalo ka pang na-di-drain. Why you do this to me, sleep?

Usually, nagigising ako na habol ang hininga o kaya naman pawis na pawis, pero ngayon... kakaiba. Hindi siya 'yung kakaibang negative—it's more on the positive side. I felt oddly relaxed. Pakiramdam ko, lumulutang ako sa ulap dahil sa sobrang lambot ng hinihigaan ko. Idagdag mo pa 'yung unfamiliar yet feminine, soft, and subtly sweet scent na naamoy ko ngayon. It's so soothing to my nostrils... wait, perfume ba 'yon or flowers?

Huminga ako nang malalim at napangiti nang matamis habang nakapikit pa rin. Sa pagkakaalala ko, hindi ganito kalambot ang kama ko at lalong hindi ganito kabango ang kwarto ko. Feeling ko, sobrang nakabawi ako ng tulog!

Isiniksik ko ang sarili ko sa isang mainit-init na bagay sa tabi ko—isa rin sa mga nakadagdag kung bakit ang ganda ng gising ko. This warm thing is so comforting! I rubbed my cheeks against it na animo'y pusang naglalambing.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko, bahagyang nasilaw sa liwanag na dala ng umaga. Pero nang luminaw ang paningin ko, halos lumabas ang kaluluwa ko sa katawan ko.

I immediately threw my hands over my mouth to stifle a scream. Okay... okay... kalma lang tayo, Xena. Breathe in, breathe out... pero—AAAHH! OMG! Hindi kayang kumalma ng internal organs ko!

Hindi naman sa ayaw ko siyang makatabi, pero nakakagulat talaga! I mean, bakit kami magkatabi sa iisang kama?! Ngayon ko lang din napansin na nakaunan pala ako sa braso niya habang ang braso ko naman ay nakalinkis sa tiyan niyang—wait, abs ba 'to?

Nanlaki ang mata ko nang maramdaman kong gumalaw ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko at mas nilapit pa niya ako sa kanya. Para akong naging tuod at nanigas sa pwesto. Pakshetmemeng! Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para silipin siya... What? So unfair! How can he still be this handsome kahit tulog? How do you do that, bebe?

He's sleeping so peacefully, pero halatang pagod na pagod siya. Bigla akong kinabahan... HALA! D-did we do it? Mabilis akong napasilip sa ilalim ng kumot. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong may mga damit pa naman kaming dalawa. Safe ang v-card ko, Lord! Salamat!

Gusto ko na sanang tumayo kaso ang higpit ng kapit niya. Inilibot ko muna ang mata ko sa unfamiliar smokey gray-walled room. Walang glam accessories, very masculine, not so bright, yet cozy and inviting. Hindi 'to hotel room for sure, and definitely not a hospital. Mas malaki rin 'to sa kwarto ni Shaun sa kanila.

Wait... am I dreaming?! Pero ramdam na ramdam ko naman ang init ng katawan niya, pati ang bango ng paligid na hindi naman nangyayari sa panaginip. Though this is way unreal, convinced na ako na hindi ito guni-guni.

Napapikit ako nang taimtim at pilit inalala ang nangyari kagabi. Nasa club kami... tapos uminom ako ng alak... juice... tapos inantok ako bigla... then—WALA NA AKONG MAALALA! Blackout. Blanko. Empty.

Tiningnan ko ulit ang mukha ni Shaun na tulog pa rin. May naririnig pa akong konting hilik. Ayie! Narinig ko na siyang humilik! Achievement unlocked!

Dinala ko ang hintuturo ko patungo sa tulos ng ilong niya. "Shaun, gising..." mahinang bulong ko. I gently tapped my finger on his nose. Napatitig ako sa labi niya, at kasabay niyon ang unti-unting pagbaba ng daliri ko doon.

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon