52: INTERRUPTED

780 48 5
                                        

Nilapitan ko siya at akmang titingnan ang sugat, pero tinabig niya ang kamay ko. Pinagpag ko lang naman ang dumi sa noo niya para hindi pumasok sa sugat—pero sa mga nakatingin sa hallway, mukhang dinuduro ko siya.

Biglang humagulgol si Cherry na para bang kinitilan ng buhay. Ang bilis ng shift ng acting niya, nakakagulat.

"What is this?" Ang boses ni Shaun ay hindi sumisigaw, pero sapat ang talim niyon para magpatahimik sa paligid. Hindi ko namalayang nakalapit na pala siya. Isang pares ng kamay ang humawak sa braso ko at pinatayo ako—si Ryu.

"Are you okay?" tanong ni Ryu. Tumango lang ako, pero ang tingin ko ay nakapako kay Shaun. Hindi siya nag-panic. Hindi siya lumuhod para yakapin o aluwin si Cherry. Nanatili siyang nakatayo, ang mga kamay ay nasa bulsa, habang tinitingnan ang sugat ni Cherry. Ang tingin niya ay walang emosyon, parang nag-o-audit lang ng pinsala.

"Shaunie! She suddenly attacked me! Look what she did to my forehead!" sumbong ni Cherry habang humahagulgol.

Naawa sana ako sa nangyari... pero nang marinig ko ang kasinungalingan niya, parang may kumulo sa dugo ko.

"You b*tch, you deserve that," mariin kong sabi.

"See?! Instead of saying sorry, she's even happy!" iyak niya, halatang nagpapakaawa.

"Bitch, please." Inikot ko ang mata ko. What a drama queen.

Ramdam ko ang lamig ng titig ni Shaun—parang tumagos sa dibdib ko at nag-iwan ng hiwa.

"That's enough, Xenica. You know better than this," sabi niya, ang boses ay mababa at seryoso. Walang sigaw, pero mas masakit pa sa bulyaw.

"Really? Ako pa ang hindi 'cool'?" Tumaas ang kilay ko, pilit na itinatago ang panginginig ng boses ko. "Alam mo ba ang buong nangyari? She start—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang umarte si Cherry.

"OUCH, ANG SAKIT! Can you bring me to the hospital, Shaunie, please?" Sinamantala pa ng prutas na ito ang pagkakataon at yumakap sa braso ni Shaun. Ugh! Round two, gusto mo?!

Nagsukatan kami ng tingin ni Shaun. Hinihintay ko siyang bawiin ang sinabi niya, o kahit man lang alisin ang kamay ni Cherry—pero nanatili lang siyang nakatitig sa akin, matigas at hindi mabasa.

Ako na ang unang nag-iwas. Tumalikod ako at tumingala para pigilan ang luhang traydor na gustong pumatak. Buset.

Umalis ako nang masama ang loob. Naglakad ako palayo hanggang sa mapadpad sa isang pavement kung saan wala masyadong tao. Niyakap ko ang mga tuhod ko at doon na ako humagulgol.

Mas masakit pa palang makitang hindi siya pumanig sa akin kaysa sa lahat ng sabunot at sampal ni Cherry kanina. Parang ako pa ang lumabas na kontrabida sa sarili naming kwento. Nakakainis ka, hinayupak ka.

Pinunasan ko ang mukha ko nang makarinig ako ng mga yapak na papalapit. Akmang tataliin ko ang buhok ko nang may marinig akong boses na nagpatigil sa hininga ko.

"Hey."

Huminto ang puso ko. Siya. Mabilis pa sa alas-kwatro, itinabon ko ang buhok ko sa mukha ko. Jusmio! Bakit nandito ito?! Hindi pwede ito! I can't face him looking like a literal wreck. Nagmamadali akong tumayo at papara na sana ng taxi—pero hinarangan niya ang pinto nito.

"Stay. We're talking," Shaun said. It wasn't a request; it was an order.

Huminga ako nang malalim, pilit na ibinabalik ang tapang ko. "Okay, let's talk," matigas kong sabi. "Pero sasabihin ko muna: sobrang foolish mo for believing that drama queen. Hindi mo nga alam ang buong nangyari, pinanigan mo agad siya! Don't assume everything you see is the truth—you should've listened to me before you judged me."

Nang Dahil sa Prank CallMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon