May pinapanigan ang lintik na gravity na 'yan! Dahil no'ng hinahabol ako ni Shaun kanina, nadapa lang naman ako at napa-kiss on the grass nang wala sa oras. Literal na subo-lupa ang beauty ko!
Tuloy, isang malakas na pitik na naman ang napala ko nang maabutan niya ako. Huta. Ayos lang sa akin 'yung pitik, eh. Pero ang hindi ko matanggap-tanggap ay 'yung trenta mil na deduction sa kinikita ko bilang mascot. Pinakiusapan ko siya nang todo, pero sadyang hype na hype ang pagkahudas niya at binaba lang sa 29,999. Isang piso lang ang binawas!
"Earn it again," malamig niyang sabi bago ako iniwan.
Eh kung sabunan ko kaya ang eyeballs niya para malinawan siya?! Huhu. Convinced na sana ako na meant to be kami dahil pareho kaming marunong mag-Korean, kaso nakakawala talaga ng kilig kapag inaatake siya ng sapi. Psh.
Mabilis lang lumipas ang oras at uwian na naman. Saktong paglabas namin nina Lex at Nisha sa gate ng campus, may humintong kotseng itim sa tapat namin. Bumaba ang window niyon at bumungad si Kyla na nakangiting kumakaway sa akin.
"Oy, si ano—"
Natigilan si Nisha nang biglang isubo ni Lex ang isang malaking piraso ng chips sa bibig niya.
"Sino?" tanong ko, nagtataka sa reaksyon nila. Umiling lang si Nisha habang pilit na nginunguya ang chips.
"W—Wala," sambit niya matapos malunok ang pagkain.
Sumulyap silang dalawa kay Kyla na nasa loob ng kotse. Nagkatitigan ang dalawang baliw na tila nag-uusap gamit ang mga mata nila. Ano na naman kayang trip nito? Gusto ko sanang alamin, pero mas curious ako kung bakit nandito si Kyla. Wala naman kaming usapan na magkikita kami ngayon.
Hindi kaya si Shaun ang sadya niya rito sa school? O baka naman 'yung guy na nagugustuhan niya sa Armani?
"Is she waving at us?" tanong ni Lex habang nakataas ang isang kilay.
Lumingon-lingon muna ako sa paligid para makasiguro. Pero sa amin talaga nakatutok ang mga mata niya. Mukhang ako nga ang kinakawayan niya. Itinaas ko ang kamay ko para tugunan iyon, na ikinapagtaka naman ng dalawa kong kasama.
"You know her?" tanong ni Lex. "Hindi ko alam na may friend ka pala na taga-Harris."
"May nangangaliwa sa friendship," parinig ni Nisha na may himig tampo.
"Tumigil ka nga," saway ko sa kanya.
Tuluyan nang bumaba ng kotse si Kyla at lumapit sa amin. Habang papalapit siya, agad na dumikit sa akin si Nisha at bumulong, "Ganyan ba talaga siya ka-obsessed sa pink? Ugh!"
Palihim ko siyang siniko sa tagiliran para tumahimik. Huta ka, Nisha, marinig ka!
"Xen!" masayang tawag ni Kyla pagkalapit sa amin.
Ngumiti ako bilang pagbati. Nginitian din ni Kyla ang dalawang baliw na halatang palihim na pinagmamasdan ang outfit niya—mula ulo hanggang paa, kulay pink na tila ba isa siyang buhay na Barbie.
"Si Nisha at si Lex nga pala," pakilala ko sa kanila.
"Nice to meet you, Lex and Nisha!" masayang bati ni Kyla.
Biglang pumagitna ang nakakailang na katahimikan sa kanilang tatlo. Walang nagsasalita. Nagkaka-titigan lang sila na parang nag-aanalisa ng bawat isa. Siguro dahil first meeting nila kaya medyo awkward pa? O baka na-overwhelm lang ang dalawang 'to sa aura ni Kyla?
"I know you didn't expect to see me today, but I had to come here," basag ni Kyla sa katahimikan.
"Bakit? May problema ba?" nag-aalalang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil sa Prank Call
Teen FictionWalang magawa? Let's do a prank call! Malas lang talaga sa mabibiktima. Pero ano ang gagawin mo kung isang araw hinahunting ka nalang ng gwapong nilalang na na-prank mo? Worst, he's threatening your life. Oh,no! Would you run for your life or tatakb...
